Derek Ramsay denies Alexa Amos is the “Dumaguete Girl” he was rumored with last year

“She’s very athletic and that’s the first thing I got attracted to her. It’s nice na I can just relieve stress, go out in the park, toss the frisbee around, or go to the beach and toss the frisbee around… It’s a nice feeling that you’re with somebody that shares the same interest as you, and you’re not doing it because you want to put your best foot forward. You’re doing it because you just like t


Hiling ng The Amazing Race Philippines host na si Derek Ramsay, sana raw ay magkaroon ng Host Edition ang sikat na reality show franchise.

“Para may chance pa ‘kong sumali sa Amazing Race.

“Kasi bawal na ’kong sumali as a contestant, ’cause you know too much about the race,” katuwiran ng Kapatid hunk nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa preview ng first episode ng TV5 reality show, sa Dragon Bistro nung Huwebes, October 25.

“Kung magkaro’n lang ng Host Edition, makakalaro pa ’ko. Why not, di ba?”

Dahil mahilig sa iba’t ibang sports, natural kay Derek ang pagiging competitive. Aminado siyang noong ginagawa ang Amazing Race, naglalaro talaga sa isip niya na kung kasali siya ay malamang na siya ang nangunguna, kung hindi man isa sa nangunguna sa karera.

“I’m a very competitive guy, and if I was out there—hindi naman sa pagmamayabang—I think I’d be one of the stronger forces.

“Because I’m a fan of the show, I love competition, and I’m not a big fan of losing.

“But I can’t complain about being the host of the show, but, yeah, there were many times na nakikita ko sila, and I’m like, ‘Wow, I could be there!’

“Or nakikita ko sila, and I’m like, ‘Dapat ito ang gagawin ko diyan…’

“But I’m the host, and I got the second best thing, instead of actually competing in the race.

“Ang pag-asa ko na lang is if they come up with a [Amazing Race] Host Edition,” sabi muli ni Derek na host ng nabanggit na TV5 reality show na ipalalabas na sa Lunes, October 29.


RAPPELING DOWN A BUILDING. Tinanong din sa kanya ng PEP ang tungkol sa video ng pagra-rappel niya, na nadulas siya’t napahampas ang katawan sa building.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I was having fun. I live for that stuff, you know. Yung kaba, when you just have to climb over the edge.

“But when I was going down, I was trying to go down as fast as I could, that’s why I lost control.

“But, yeah, I was having a lot of fun. Dun lang sa getting over the edge. Dun lang ako tinamaan ng kaba,” patuloy ni Derek.


KIDLAT REPORT. Tinanong na rin ng PEP ang tungkol naman sa nalalapit niyang fantaserye sa TV5, ang Kidlat.

“It’s a brand-new superhero. We’re not remaking anything. Even the guys from X-Men are fans of the whole concept.

“Kaya pumayag yung guy from Hollywood to make the suit, to come out here, because he loves the whole concept.

“But we’re trying to make a superhero na tatatak talaga sa mga bata, a real Filipino superhero, that’s why napaka-Pinoy ng name, Kidlat. Napakaangas.

“But at the same time, we wanted to raise the bar. We wanted to reach the levels of, like, X-Men and all that.

“Hindi na yung, kung puwede na, puwede na. We wanted something like, give our best and make a fantaserye na talagang we can be very, very proud of,” pagbibida pa ni Derek.


REALITY IN HIS MOVIES. Natutuwa rin si Derek sa magandang resulta sa takilya ng A Secret Affair.

Patunay raw ito na sa kabila ng mga batikos at puna na tila sequel lang ng 2011 hit na No Other Woman ang A Secret Affair, at masamang impluwensiya diumano ang dalawang pelikulang ito sa mga relasyon, mas marurunong na raw ang mga moviegoers ngayon at nakikilala na may aral talaga, bukod sa maganda, ang kanyang mga pelikulang ito.

“It’s the reality right now, that these kinds of situations happen all the time.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We shouldn’t take the negative about this, we should take the positive. There’s a lesson to be learned in movies like these,” ani Derek.

“In No Other Woman, you have to face the consequences of your actions. In A Secret Affair, we’re showing that infidelity and cheating are not right.

“You know, a lot of these Western movies that we watch, parang nagiging cheating is acceptable, it’s normal.

“In A Secret Affair, we showed that, yes, it’s happening, but at the end of the day, it’s not right. And that’s the lesson to be learned that we should pick up from that movie.”

ROLE IS REAL? Dahil sa mga maiinit na eksena niya sa mga pelikulang ito, ayos lang ba sa kanya na mas tinitingnan na siya ngayon bilang isang sex symbol kaysa sa isang aktor?

“Ahm… Yeah, you know, I’m just doing my job. I read the script, I like it and I’ll do it…

“I don’t mind being looked at as a sex symbol…I don’t think I am. I’m hoping that the viewers see me as somebody who is professional and does good movies,” sagot pa ni Derek.

Hindi rin ba siya nag-aalala, na dahil sa laging isang nangangaliwang lalaki ang papel niya, yun na ang maiiwang imahe niya sa utak ng publiko?

Lalo na nga’t meron pang mga tsismis noon na diumano’y may “third party” sa hiwalayan nila ng ex-girlfriend na si Angelica Panganiban.

“No, the viewers are a lot smarter than that. And eight months… Walang third party, mamatay man ako do’n,” banggit pa ni Derek sa tagal ng panahon mula nang maghiwalay sila ng dating kasintahan na nakarelasyon sa loob ng anim na taon.

“Ewan ko kung bakit nila inaano ’yan. Either it’s coming from my end or her end.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala [third party], that I can guarantee.

“Let’s not forget, I’m an actor and I’m acting. What I portray in my movies, that’s not who I am.

“I study my character. I study every character that I do para hindi maging pareho.

“I don’t think the viewers are going to judge or see me as somebody who is like the characters that I portray.

“And actually, the characters that I portray, makikita mo, malambot din ang puso. Nagkamali siya, but he regrets the mistake that he made and tries to fix it.

“It’s not because I’m a guy who believes in infidelity and cheating or that’s who I am because I accept roles like that, no. I accept these roles because the story’s great and it’s a challenge to do something like this.”


DUMAGUETE GIRL. Sa issue na rin ng pagkakaroon ng third party o pangangaliwa, tinanong ng PEP si Derek tungkol sa tsismis sa kanya nung nakaraang taon.

Ito ay ang diumano’y pagkakaroon niya ng girlfriend sa Dumaguete.

Napag-alaman kasi ng PEP na ang bagong dini-date ni Derek—isang non-showbiz girl na nagngangalang Alexa Amos—ay tubong-Dumaguete.

Si Alexa nga ba ang babaeng taga-Dumaguete na natsismis sa kanya noon?

Napatawa muna nang malakas si Derek bago sumagot.

“No. It’s not true,” tanggi ni Derek.

“She’s not the only person from Dumaguete,” dagdag pa niya tungkol kay Alexa.

“If you remember… The person that was ‘issued’ to me with the ‘Dumaguete [issue]’ was not a frisbee player.

“This girl I’m seeing right now [Alexa] is a frisbee player and she used to have a boyfriend.

“No. It’s not the same girl.

“I apologize to the family and to that girl about issues like that, that came out because all they did was…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I was an actor in Dumaguete, and they showed me around Dumaguete, gave me a car to drive in Dumaguete, and na-link na kaagad ako,” pahayag pa ni Derek.


DON’T WANT TO JINX IT. Tungkol naman kay Alexa, hindi pa raw sila nagkakausap nito tungkol sa pagkakabanggit na ng pangalan nito sa mga report tungkol kay Derek. (CLICK HERE to read related story.)

Aminado si Derek na wala naman din siyang magagawa kung mapangalanan na si Alexa dahil nakikita nga itong kasama niya.

Hiling niya lang na sana’y hindi masyadong mapag-usapan ang paglabas-labas nila ni Alexa: “I don’t want to jinx it.

“I don’t want everything to go wrong, ‘cause it’s going very well.”

Hindi pa rin daw kasi nila matukoy kung matutuloy sa mas malalim at mas magandang pakikitungo sa isa’t isa ang pagde-date nila.

Pero aminado si Derek na interesado talaga siya kay Alexa.

“She’s very athletic and that’s the first thing I got attracted to her.

“It’s nice na I can just relieve stress, go out in the park, toss the frisbee around, or go to the beach and toss the frisbee around…

“It’s a nice feeling that you’re with somebody that shares the same interest as you, and you’re not doing it because you want to put your best foot forward. You’re doing it because you just like to do it.”



DEREK’S REACTION TO YES! MAGAZINE ITEM. Isa pang issue na tinanong ng PEP kay Derek ay ang tungkol sa artikulong lumabas sa November issue ng YES! Magazine. Nasa cover nito ang pamilya Ogie, Regine, at Nate; si Manny Pangilinan; at sina John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban.

Tungkol talaga sa pinag-uusapang relasyon nina Angelica at John Lloyd ang artikulo. Pero nabanggit doon ang tungkol sa pagkakaroon diumano ni Derek ng anak na lalaki.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang siyam na taong bata, ayon pa rin sa YES! source, ay anak ni Derek sa isang Dubai-based Filipino-Indian woman.

Hindi sinagot ni Derek ang tanong ng PEP kung may katotohanan ito at hindi rin niya pinabulaanan ito.

Pero malinaw na nagpakita ang actor/endorser ng pagkairita habang nagpapahayag ng kanyang reaksyon.

“Why do they always bring these stuff back at me? I mean, today is supposed to be a good day for me, but I get bombarded with a question that is always negative, you know.

“Whether it’s the move to TV5, with the transfer, with the movie that I’ve done, it’s always negative.

“Why can’t something positive be thrown at me when it’s supposed to be a good day for me?” ang sinabi ni Derek bilang sagot.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN