Matteo Guidicelli on his love scenes in Paraiso: “I was trying to make every scene super real. So, kapag nagme-make love talaga kami, mainit talaga.”

“And with this project, I really want to make my character super realistic. Ayoko na talagang umarte and that everyone is truthful,” sabi ni Matteo Guidicelli tungkol sa kanyang bagong teleserye na Precious Hearts Romances Presents Paraiso.


Kakaibang Matteo Guidicelli ang mapapanood sa bagong Precious Heart Romances Presents Paraiso.

Malayo sa mga dating teenybopper roles na ginagampanan niya noon ang mapapanood sa kanya rito.

Ilang unang episodes ang ipinapanood ng ABS-CBN sa mga inimbitang miyembro ng press, kabilang na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nung Huwebes ng tanghali, Oktubre 25.

Madalas na topless o walang suot na pang-itaas na kasuotan si Matteo sa mga eksena niya sa kanyang leading ladies na sina Jewel Mische at Jessy Mendiola.



PREPARATIONS. Ano ba ang mga preparasyong ginawa niya para sa kanyang role?

“Few months ago, I started preparing,” saad ni Matteo sa pakikipanayam sa PEP at ilang press matapos ang preview ng ilang episodes ng Paraiso.

“Workshop kami palagi. Ang daming workshops. Watching films like Blue Lagoon, as preparation for this soap.”

Ang Blue Lagoon ay ang 1980 Hollywood romance and adventure movie na pinagbidahan Brooke Shields at Christopher Atkins.

Patuloy ni Matteo, “Sa physical preparation naman, nag-triathlon ako.

“So, nag-sensuality workshop kami to reconnect with the partner.

“It’s daring and it shows a lot of skin,” sabi ni Matteo tungkol sa show.

“But I’m working so hard for it and it’s something that I was concentrating in my life talaga. So, I hope you guys really like it.”

Sa kabila ng pagiging dedicated niya kanyang bagong show, hindi naman daw ibig sabihin nito ay puro mature at daring roles na ang gagawin niya sa kanyang mga susunod na proyekto.

“But of course, I would still like to do tweetums roles,” ani Matteo.

Hindi naman daw dahil lang sa Paraiso kaya siya nag-triathlon.

“Actually, it’s really a coincidence lang po.

“I started triathlon a few months ago. Training-training… And then, Direk Lauren [Dyogi] offered to me the show Isla, dati. ‘Tapos PHR [Precious Hearts Romances].

“So, wow, timing-timing. So, triathlon really helped me to change my physical look.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagkatawanan naman nang may magsabi kay Matteo, na dahil sa pagpapakita niya ng katawan sa Paraiso, siguradong mas marami pa raw ang “maeelya” sa kanya.

Sagot naman ni Matteo, “Nagpapasalamat po talaga ako kay Direk Rechie [del Carmen], sa lahat ng staff. Kasi, they put so much effort.

“Hindi madali para sa akin po. Kasi, lahat ng characters ko dati, ‘boy-next-door.’

“It’s really a change and not just a change in character but also a change in lifestyle. And I’m so thankful and grateful to all these people—writers, directors, that are really working so hard to help me.”


NO DOUBLE. Makikita rin sa isang eksena na tumalon si Matteo mula sa isang barko.

Sa eksena raw na yun kunsaan ay nasusunog na ang barko, siya raw talaga ang gumawa ng stunt at hindi siya nagpa-double.

“Ayaw rin po ni Direk Rechie. So, it was me,” pagmamalaki ng 22-year-old na binata.

Nakaya raw kasing gawin ng isang cast member na bata ang pagtalon sa dagat, kaya dapat, kaya rin nila.

Nang tanungin kung ano ang dadalhin niya kung ma-stranded sa isang isla, pabirong isinagot ni Matteo na goggles ang dadalhin niya.

“Para makapag-swimming-swimming na rin,” natatawa niyang pangangatuwiran.

Sa Paraiso, ginagampanan ni Jewel ang papel bilang asawa ni Matteo.



STRANDED. Pero dahil na-stranded sa isang isla sa loob ng dalawang buwan ang mga character nina Matteo at Jessy, nagka-in love-an ang mga ito.

Sa totoong buhay kaya, sa palagay ba ni Matteo ay puwedeng mangyari sa kanya ang ganun?

“Kung ilalagay po natin sa totoong buhay, kung yung role namin, sa umpisa, di ba, married ako?

“Yung asawa ko rito si Jewel. I don’t want to sleep with another woman. That was always in my head.

“But after days, after weeks passed, lahat ginagawa na namin sa isla.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Magka-partner kami, nagluluto kami, nagpa-fire kaming dalawa.

“So, I think, if that would happen sa dalawang tao, anything can develop for two months or longer or shorter.

“And they’ll do everything together, you’ll have relationship with each other.

“Sa isla, sa totoong buhay, posibleng mangyari.”



SUPER CLOSE. Ibinuko naman ng co-star niyang si Jessy na sa sobrang closeness nilang dalawa, umuutot pa raw sa harap niya si Matteo.

Posible kayang ma-develop ang closeness nila ng katulad ng closeness na nangyari sa kanila ni Maja Salvador na naging girlfriend niya?

“Kami ni Jessy po kasi, nag-taping kami for one week straight, at siya lang ang babaeng nakikita ko araw-araw. Parang siya lang ang nakikita ko every day.

“Sometimes, sa standby area, may sarili siyang kuwarto at may sarili akong kuwarto but we always request to stay together. We really know each other well.



REALISTIC AND HOT. “And with this project, I really want to make my character super realistic. Ayoko na talagang umarte and that everyone is truthful.”

Realistic nga ang gusto ni Matteo, na maging sa love scenes nila ay naging “mainit” daw talaga sila.

“Kasi, I was trying to make every scene super real. So, kapag nagme-make love talaga kami, mainit talaga.”



WHO HE WANTS TO BE WITH IN AN ISLAND. Nang tanungin si Matteo kung sino sa Kapamilya stars ang gusto niyang dalhin at makasama sa isang isla, mabilis na sagot nito ay “Ako po, walang iba kung hindi si Jessy.

“Kasi kapag magkasama po talaga kami… I saw something very beautiful in her.”

Nang tanungin kung sino sa mga ex-girlfriend niya ang gusto niyang makasama sa isang isla, nabangit ni Matteo ang pangalang Maja at Jessy.

Natatawang nag-react agad si Jessy, “Ex mo ‘ko?”

Sa tanong naman kung handa na ba siyang pumasok uli sa panibagong relasyon matapos ang breakup niya kay Maja, negatibo ang tugon ni Matteo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi pa ngayon,” aniya.

“Hindi pa talaga. I’m concentrating with my projects. Itong Paraiso at triathlon ko.

“I just want to work, basically,” sabi pa ni Matteo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN