Jessy Mendiola reveals Matteo Guidicelli’s gross way of showing how comfortable he is with her

“Siguro po ang masasabi ko, naging kumportable kami sa isa’t isa. Kasi, noong tine-tape namin ang mga scenes namin sa isla, talagang…sasabihin ko ba?” Tumingin muna si Jessy Mendiola sa Precious Hearts Romances Presents Paraiso co-star niyang si Matteo Guidicelli, bago nagsabing, “Umuutot ka sa harapan ko!”


Sa pinapanood na ilang episodes ng Precious Hearts Romances Presents Paraiso sa mga miyembro ng press, kabilang na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), noong Huwebes, Oktubre 25, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN, nakitang role ng isang “kabit” ang gagampanan ni Jessy Mendiola.

Kabit siya ng character ni Matteo Guidicelli na may asawa naman sa show na ginagampanan ni Jewel Mische.

Naging kabit si Jessy ni Matteo matapos silang ma-stranded sa isang isla sa loob ng dalawang buwan at magkaroon ng damdamin para sa isa’t isa.


A DIFFERENT JESSY. Bilang preparasyon ni Jessy sa kanyang role, sumailalim daw siya ng isang sensuality workshop.

“Nag-sensuality workshop kami and I had to lose weight for the role.

“At saka po, ngayon lang ako gagawa ng role na palaban at saka parang mas close sa tao. Kasi before, parang palagi ang role ko pa-sweet,” sabi ni Jessy sa panayam sa kanya ng PEP at iba pang entertainment reporters sa presscon na ginanap din nang araw na iyon.

“Hindi ko naman po sinasabing mas daring ngayon. Pero sabi nga ni Jewel, mas challenging ngayon kasi, sobrang close sa mga tao. Sobrang may puso, e.

“Ngayon lang din ang pagkakataon na maipakita ko ang side ko na ito na medyo cowboy, medyo masa.”

Kumpara raw sa launching drama series noon ni Jessy na Sabel nung 2010, di-hamak na mas sexy raw ang role niya at tema mismo ng Paraiso.

“Sa Sabel naman po kasi, more on sa awakening siya ng babae,” saad ni Jessy.

“Ngayon po kasi, mistress po ako rito. Ako po yung kabit ni Matteo rito. Ako yung makakasama niya sa isla.

“’Tapos ang buhay namin pagbalik namin sa kanya-kanyang pamilya, ano ang mangyayari sa amin pagkatapos ng nangyari sa amin sa isla?

“Yun ang dapat abangan sa amin.”

Pero pagkatapos niyang gawin ang Paraiso, puro matured and sexy roles na ba ang gagawin niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Well, kaya nga po artista para iba-iba ang role,” sagot ng 19-year-old na dalaga.

“I’m not saying naman po na hindi na ako babalik dun kasi, puwede naman po. As long as maganda yung role, gagawin ko po.”


JM DE GUZMAN. Sa huling guesting ni Jessy sa Kris TV, hindi ito nakaiwas sa mga tanong ng host na si Kris Aquino tungkol sa kanila ni JM de Guzman.

Doon din sinabi ni Jessy na sa tingin niya, kaya niyang mahalin si JM habang buhay.

Ibig sabihin ba nito, kaya rin niyang mahalin habang buhay si JM kung mai-stranded sila sa isang isla?

“’Wag naman,” natatawang sagot ni Jessy.

“Actually po, noong sinabi ko na habang buhay puwedeng mahalin, I think, bawat isa naman po sa atin, wish natin na mahalin tayo habang buhay. So, I think, it goes to everyone.

“Si JM naman po, isa siyang mabait na tao. So…sa isla talaga? Huwag naman yung ganoon,” natatawa niya pang sabi.

Tila nasa paraiso ba siya kapag kasama niya si JM?

“Puwede naman po,” nakangiting tugon ni Jessy.


WAITING PAYS. Marami ang nakakapansin na mula sa Sabel, nabigyan din siya ng magandang role sa Budoy bilang leading lady ni Gerald Anderson.

At ngayon sa Paraiso, lead role uli siya.

Sa tingin niya, ano nga ba meron ang isang Jessy Mendiola at madali sa kanyang pagkatiwalaan ng mahahalaga at nangungunang roles?

“Siguro po kasi, palagi po kasi akong naniniwala at naghihintay.

“Masaya po ako sa nangyayari sa career ko ngayon, kasi siguro po, 14 po ako noong nagsimula. Naghintay po ako ng mga four years pa po.

“Eighteen po ako noong ginawa ko ang Sabel. Masaya po ako kasi, ngayon po ulit, nabigyan ako ng lead role at saka po, hindi po nawala ang tiwala nila sa akin.

“Everytime po na pagkatapos ng isang soap, meron na naman pong bago.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Palagi na lang po nila akong sinasabihan na, I deserve it.

“Pero gusto ko rin pong ipakita na I really deserve it.

“And in every project that I do, ginagalingan ko po talaga para sa kanila.

“Yun nga po, gusto kong ipagpasalamat sa management, sa lahat ng tao who really made it possible.

“Itong project na ito, matagal na talaga namin itong ginagawa. Ngayon lang po lalabas, ieere na po kami.”

Akala rin daw ni Jessy, masi-shelve na ang Paraiso.

“Pero masaya po ako na nabigyan po ulit ako ng pagkakataon.”


COMFORTABLE WITH EACH OTHER. Dahil hindi naman inaamin ni Jessy kung naging sila nga ba ni JM officially, masasabing pareho silang single ni Matteo habang ginagawa ang Paraiso.

Wala bang na-develop sa kanilang dalawa?

“Siguro po ang masasabi ko, naging kumportable kami sa isa’t isa.

“Kasi, noong tine-tape namin ang mga scenes namin sa isla, talagang…sasabihin ko ba?” tingin muna ni Jessy sa kapareha.

“Umuutot [Matteo] ka sa harapan ko!”

Tawanan ang lahat nang banggitin ito ni Jessy.

“Yung mga bagay na nangyayari, mas nagiging close kayo hindi lang as co-actors pero as magkaibigan in real life.

“So, we’ll see.”

Dugtong pa niya, “Siguro ngayon pa lang kami nagkakasama, so, nasa getting-to-know-stage pa lang kami ni Matteo.

“Sabi nga, ‘wag madaliin ang mga bagay-bagay.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN