Agot Isidro is totally different character in Paroa, Ang Kuwento Ni Mariposa: “This time, ako naman ang aapihin.”

“Kung sa One True Love, kahit nasa bahay lang si Leila, para siyang magpa-fashion show, di ba? Complete with accessories at naka-five inch heels pa. Dito sa Mariposa, pang-manang ang mga suot ko. As in, hindi ako nagpa-fashion show dito. Walang heavy makeup at naka-tie back lang ang hair ko. Kaya it’s a whole different role for me,” ani Agot Isidro sa pagkukumpara niya sa kanyang dating karakter sa kanyang ginagampa


Nagsimula na si Agot Isidro ng kanyang ikalawang teleserye sa GMA-7, matapos ng highly-successful na One True Love.

Kasama ang singer-actress sa telefantasyang Paroa, Ang Kuwento Ni Mariposa, bilang si Amalia, ang babaeng kukupkop kay Mariposa, na ginagampanan naman ni Barbie Forteza.

Siya naman daw ang aapihin ngayon sa bagong Kapuso telefantasya.

“Baliktad naman ngayon. Kung sa One True Love, ako ang nang-aapi, this time ako naman ang aapihin.

“Okey lang naman, para naman iba ang role ko. Maranasan ko naman na ako ang kinakawawa,” pahayag ni Agot sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanya sa press launch ng Paroa, Ang Kuwento ni Mariposa, nung Miyerkules, October 24, sa 17th floor ng GMA Network Center.

Deglamourized si Agot sa kanyang role ngayon.

Ibang-iba sa look niya bilang Leila sa One True Love.

“Gusto ko ang pagkakasulat ng role ko as Amalia.

“Bukod sa hindi siya makalaban, sakitin pa siya. Pang-teleserye talaga ang pagkakasulat.

“At deglamourized ako rito.

“Kung sa One True Love, kahit nasa bahay lang si Leila, para siyang magpa-fashion show, di ba? Complete with accessories at naka-five inch heels pa.

“Dito sa Mariposa, pang-manang ang mga suot ko. As in, hindi ako nagpa-fashion show dito.

“Walang heavy makeup at naka-tie back lang ang hair ko. Kaya it’s a whole different role for me,” saad pa ni Agot.



WORKING WITH THE TWEEN QUEEN. First time din niyang makakatrabaho ang tinaguriang “Tween Queen” ng Kapuso network na si Barbie.

Wala raw siyang naging problema rito dahil mabilis daw silang nagkaroon ng bonding nito.

“Nakakatuwa si Barbie. Noong una, nahihiya siya sa akin. Sabi ko na huwag siyang mahiya para maging maayos ang trabaho namin. E, mag-ina pa naman ang papel namin.

“Noong magkausap na kami and we did our first scene together, hindi na siya naiilang sa akin. Very relaxed na siya kapag magkaeksena kami and nakakatuwa siya kasi bungisngis. Tawa siya nang tawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Lalo na kapag binibiro siya ni Derrick [Monasterio], maririnig mo ang tawa niya.

“They make a good pair together. Inseparable sila.

“Itong si Derrick, he’s guwapo at ang tangkad for his age.

“Pareho sila ni Alden [Richards] na pang-matinee idol. At alam mong malayo ang mararating sa showbiz.”


ONE TRUE LOVE RE-RUN. Natutuwa naman si Agot na muling ipinapalabas ang One True Love tuwing umaga sa GMA-7 mula Lunes hanggang Biyernes.

Kaya dalawang beses tuloy siyang mapapanood sa loob ng isang araw sa Kapuso network.

“I think ngayon lang nangyari sa GMA-7 ang magkaroon agad ng re-run ang isang primetime series after ng ilang weeks lang nitong matapos.

“Iba kasi ang naging impact ng One True Love, and lahat nga kami, we never wanted it to end.

“Ang ganda kasi ng working relationship namin nina Raymond [Bagatsing], Jean [Garcia], Alden, Louise [delos Reyes], and the rest of the cast.

“Kaso kailangan tapusin na ang story bago pa ito lumaymay, di ba?

“But it was good news when they decided to have a re-run. Para rin siguro sa mga hindi nakasubaybay noong nasa primetime pa ito.

“Now, they can follow the love story of Tisoy and Elise all over again tuwing umaga naman.

“Tapos, sa afternoon watch naman sila ng Paroa, Ang Kuwento Ni Mariposa.

“Kung sa umaga, nang-aapi ako, sa hapon ako ang inaapi!” natatawang pagtatapos na ni Agot.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN