Director Brillante Mendoza and Nora Aunor insist they did not violate any rule in Thy Womb’s entry into the MMFF 2012

Ayon kina Direk Brillante “Dante” Mendoza at Nora Aunor, wala silang nilabag na mga alituntunin ng Metro Manila Film Festival (MMFF). May balita kasing kinukuwestiyon ang pagkakasali ng pelikula nilang Thy Womb sa 2012 MMFF, dahil kasama rin daw sa El Presidente si Nora at nagkaroon na rin daw ng commercial screening sa abroad ang Thy Womb.


Naging mainit na usapin sa 2012 Metro Manila Film Festival (MMFF) ang pagpasok sa final eight entries ng Thy Womb ni Direk Brilliante “Dante” Mendoza na pinagbibidahan naman ng Superstar na si Nora Aunor.

May mga balita kasing lumabas na may kumukuwestiyon diumano sa pagkakasama nito sa walong official entries.

Mayroon daw kasing rule sa MMFF na hindi puwedeng magkakaroon ng dalawang pinagbibidahang pelikula ang isang artista sa festival.

Isa pang nilabag diumano sa pagkakasali ng Thy Womb sa Metro Manila filmfest ay ang pagbabawal sa commercially released nang pelikula.

Commercially released na raw kasi ang Thy Womb sa ibang bansa kaya hindi na dapat itong payagang makasali sa festival.

Kanina, sa October 27 episode ng Ang Latest: Updated, nagbigay na ng pahayag ang director ng Thy Womb at ang bida nitong si Nora Aunor.


NOT VIOLATING ANY RULES. Mahigpit na pinabulaanan ni Direk Brilliante na may rules silang nllabag sa pagkakasama ng pelikula niya sa MMFF.

Ani Direk, “Wala kaming nilabag kahit na isa sa mga rules and regulations ng Metro Manila filmfest.”

Dalawang pelikula kasi ng Superstar ang pumasok sa MMFF kaya kinukuwestiyon ang pagkakasali ng Thy Womb.

Ang isa pang itinuturong pelikula ni Nora ay ang El Presidente.

Pero ayon naman kina Brillante at Nora, special guest lang ang huli sa El Presidente na pinagbibidahan talaga ng Laguna governor na si ER Ejercito.

Pahayag ni Ate Guy, “Kasi sa El Presidente, parang special guest lang ako doon. Hindi talaga sa akin yung title role, kay Governor ER.”

Sinuportahan ni Direk Dante ang pahayag ng Superstar, “Sa El Presidente daw, hindi naman daw siya yung lead. Dito talaga sa Thy Womb, siya talaga yung lead.

“So, between the two films, mas film niya yung Thy Womb.”

Sa nagsasabi namang hindi dapat makasali sa MMFF ang Thy Womb dahil nakasali na ito sa international film festival sa abroad, may sagot si Direk Dante.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Una pa lang, alam ko nang pasok ako sa Venice, kaya yun ang unang-una kong tinanong sa Metro Manila fimfest.

“Sinubmit [submit] ko siya sa MMFF, tapos na yung film, e. Kaya nga nakita na siya ng Venice, e. So, ibig sabihin, ang priority ko really that time is Venice.

“Kasi kung sinabi ng MMFF na hindi kami puwede, hindi kami sasali, e. Kaso sinabi nila, puwede.”

Tungkol naman sa sinasabing commercial screening diumano ng Thy Womb abroad, sinabi ng award-winning director na wala silang kinita sa pagpapalabas ng kanilang pelikula sa ibang bansa.

Diin niya, “Wala rin kaming nilalabag in terms of commercial showing kasi hindi naman commercial ang mga festival, e. Wala kaming profit doon at pangalawa, wala pa kaming international distributor for this film.

“Kasi nga, hindi ko pa siya ibinibigay to any international distributor, kasi gusto ko, it’s an all-Filipino production.”


HAPPY SUPERSTAR. Sa ngayon daw, hindi na muna iniisip ni Ate Guy ang mga ganitong isyu dahil kabi-kabila ang kanyang mga ginagawa.

Sa katunayan, kasali si Nora sa final episodes ng Enchanted Garden ng TV5 kung saan gagampanan niya ang isang special role.

Aniya, “Yes, diyosa ako rito. Natutuwa ako at nag-guest ako sa Enchanted Garden. Ang ganda ng istorya.”


HAPPY FOR LOTLOT. Isa pang ikinasasaya ni Ate Guy ay ang balitang nahanap na ng kanyang anak na si Lotlot de Leon ang biological father nito.

Kuwento ng Superstar, “Noong bata pa sila, siyempre naisip kong matutuklasan rin nila. Might as well ipagtapat ko sa kanila kung ano talaga ang nangyari.

“So, ang eksplinasyon ko lang, sabi ko, ‘Mga anak ko naman kayo pare-pareho.’”

Dagdag pa ni Ate Guy, “Sabi ko, hindi naman masama na makilala niya yung magulang niya at maipakita mo naman na kahit na magkalayo kayo o kung anuman ang ginawa sa inyo, huwag sumama ang loob mo. Kalimutan mo na yun. ”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mensahe pa niya kay Lotlot,“Ang importante, nakilala mo siya, nagkita kayo at ipakita mo na lang na ganun pa rin ang ang pagmamahal mo dahil magulang pa rin ‘yon, kahit ano pa ang mangyari magulang mo pa rin yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN