Zanjoe Marudo on being part of One More Try: “Masaya na ako na naging parte ng pelikula. Hindi na ako maghahanap ng dapat mas malaking role. Dapat mas maliit.”

Wala raw naging problema si Zanjoe Marudo pagdating sa haba ng exposure o bigat ng role sa kinabibilangan niyang pelikula na One More Try. Ani Zanjoe, “Kasi, kahit gaano naman kaliit ang role ko riyan, gagawin ko ‘yan kasi, unang-una, Star Cinema, [pang] filmfest, Direk Ruel Bayani, kasama mo sina Angelica [Panganiban], Angel [Locsin], and Dingdong [Dantes].”


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Zanjoe Marudo nang mag-taping ang Banana Split sa Music Museum para kanilang fourth anniversary.

Tanda pa ni Zanjoe nung una siyang tumuntong sa show bilang unang guest.

“Ang original ng Banana Split, puro babae. ‘Tapos, sabay-sabay kami nina John Prats na pumasok.

“Pero ako ang unang-unang guest ng Banana Split. Yung pilot episode ng Banana Split, ako yung unang guest na lalaki.

“Kaya hindi ko makakalimutan yun, kasi dati, puro babae ‘tapos ako lang ang guest nilang lalaki.”

Nag-e-enjoy si Zanjoe sa Banana Split.

“Oo. Kahit pagod ka, puyat ka, pero, kapag alam mong sa Banana Split ka pupunta, parang nawawala yung pagod mo,” aniya.

Masasabi ba niyang nahasa ang pagko-comedy niya dahil sa show?

“Hindi naman,” sagot ni Zanjoe. “Kasi, hindi naman kami nananadya na maging komedyante o magpatawa. Kung ano lang ang ibinibigay sa aming trabaho o ng script, ginagawa lang namin.”

Sa Banana Split ay may segment para sa blind items. Tinanong ng PEP si Zanjoe kung naging subject na ba siya ng blind items sa show.

Natawa muna si Zanjoe bago sinabing, “Hindi ko alam. Hindi pa yata.”

Ok lang ba sa kanya kung gawan siya ng blind item nina Jason Gainza, John Prats, at Angelica Panganiban?

“Ok lang. Sila-sila lang naman ang nagba-blind-item.

“Ganun naman talaga ang show, katuwaan. At kung magba-blind item man sila, totoo naman siguro yun.”

Kung ilalarawan daw ni Zanjoe ang lahat ng nangyayari sa buhay niya ngayon, masasabi niya raw na ngayon siya pinakamasaya.

“Feeling ko naman, mas patagal nang patagal, mas sumasaya nang sumasaya. Mas maraming nagagawa. Mas maraming projects na nae-experience,” aniya.


HAPPIEST WITH BEA? Sa maraming nakarelasyon niya noon, masasabi ba niyang pinakamasaya siya nang maging girlfriend niya si Bea Alonzo?

“Hindi naman marami, konti lang,” kontra ni Zanjoe sa sinabi naming maraming nakarelasyon niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre, ayoko namang i-compare kung gaanong level ng kasiyahan.

“Pero siyempre, sobrang proud ako sa relasyon ko ngayon, masaya.”

Marami ang nagsasabing kahit na bukas sa publiko ang relasyon nila ni Bea, hindi sila lapitin ng kung anu-anong intriga.

Ano ba ang sikreto nila?

“E, nasa tao naman ‘yan. Hindi ka naman magkakaroon ng intriga kung hindi ka naman gagawa, di ba? Nandoon yun sa tao,” sagot ng dating basketbolistang naging modelo at aktor.

May mga nakapagmasid na tila mas gumaganda raw si Bea ngayon sa piling niya?

Nangiti naman si Zanjoe nang marinig ito.

“E, maraming magagandang nangyayari sa kanya ngayon, kaya siguro lumalabas sa kanya.

“Mas masaya, mas naggu-glow. Yung mga gusto niyang mangyari sa buhay niya, nangyayari.”


THEY DON’T FIGHT. Masasabi ba niyang tiwala na talaga sila sa isa’t isa, kahit na maipareha sa ibang aktor at aktres?

“Actually, yung mga trabaho, wala na kami run.

“Ako, tapos na ako sa mga isyu ng trabahu-trabaho. May maging isyu, may ma-link o maging ka-loveteam. Basta ito ang trabaho namin.

“Kung kampante ka naman, huwag kang pumasok sa ganyang klaseng relasyon kung meron ka pang iisipin.”

Kapag may tampuhan o pinag-aawayan sila ni Bea, kadalasan ba’y tungkol saan?

“Hindi naman kami madalas mag-away,” pahayag ni Zanjoe.

“Yung simpleng bagay, away na agad? Wala.”

Wala ba silang selosan?

“Wala, wala… Hindi siya selosa. Hindi rin ako seloso.”

Nakatapos na rin daw sila ni Bea ng pelikula, ang 24/7 In-Love ng Star Magic kunsaan, may isang episode daw sila ni Bea na sila ang magkapareha.


ONE MORE TRY. Kasama rin si Zanjoe sa One More Try mula sa Star Cinema uli. Co-stars niya sina Angelica, Angel Locsin at Dingdong Dantes.

Kumusta naman ang shooting ng One More Try?

“Actually, medyo nakakarami na rin kami. Pinapaganda nang pinapaganda.

“Alam n’yo na, marami nang lumabas na pelikula na ganun. May asawa, may conflict.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero sinisigurado ko na iba ‘to. Ibang istorya ‘to. Family siya, hindi siya basta pang-love story lang.”


NO ISSUE BETWEEN HIM AND DONG. Silang dalawa ni Dingdong ang leading men sa One More Try.

Naitanong tuloy ng PEP kay Zanjoe kung minsan ba’y nagkakaroon na ng isyu sa kanila ni Dingdong, pagdating sa haba ng exposures at bigat ng role ng isa’t isa.

Sagot ni Zanjoe, “Sa akin wala. Kasi, kahit gaano naman kaliit ang role ko riyan, gagawin ko ‘yan kasi, unang-una, Star Cinema, [pang] filmfest, Direk Ruel Bayani, kasama mo sina Angelica, Angel, and Dingdong.

“Kumbaga, masaya na ako na naging parte ng pelikula. Hindi na ako maghahanap ng dapat mas malaking role. Dapat mas maliit.

“Malaki ang tiwala ko naman sa creative [department] ng Star Cinema dahil hindi ka naman nila bibigyan ng isang character na wala lang,” patuloy ni Zanjoe.

Kung tutuusin, dalawang beses na rin silang nagkasama sa trabaho ni Dingdong.

Pareho silang naging leading man sa dalawang Kimmy Dora movies.

Aniya, “Dalawang beses na kaming nagsama and never na nagkaroon ng isyu.”

“At gusto ko rin isipin na kahit paano, meron na ring friendship na nabuo, lalo na kapag nasa set.”


WORKING WITH ANGEL. Si Angel Locsin naman ang talagang katambal ni Zanjoe sa One More Try. First time pa lang daw niya itong nakatrabaho.

Kumusta naman sila ni Angel?

“Siyempre excited ako na makatrabaho ko siya. Kasi, napakagaling na artista. Dedicated.

“Kapag gumagawa talaga siya ng project, tutok na tutok talaga siya sa project kung anuman ang ginagawa niya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN