Iza Calzado loses part in third Sarah-John Lloyd movie; announces extension of Kahit Puso’y Masugatan until January next year

“Of course it’s their film, the priority is their schedule. Ako naman ay napasali lang dun. Siguro I would think na lang na this is not meant to be my comeback film for Star Cinema. Maybe it’s something else,” nasabi na lang ni Iza Calzado na ibinalita ang pagkakaalis niya sa pangatlong pelikulang pagsasamahan nina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz.


Sa kanyang mga nakaraang interview, panay ang pahayag ni Iza Calzado ng excitement sa pagkakasama niya sa gagawing ikatlong pelikula nina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz.

Aminado si Iza na fan siya ng Sarah-John Lloyd loveteam.

Pero kamakailan ay dumating ang balita na hindi na siya kasali sa pangatlong Sarah-Lloydie movie.

Kinumpirma naman ito ni Iza nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News sa nakaraang Watsons 10th anniversary celebration sa SM MOA nung Lunes, October 22.

“I’m clarifying it once and for all. Kayo na ang naunang nagtanong, hindi na ako kasama.

“I think hindi po nagtugma yung schedule. Kasi ang taping nina John Lloyd for A Beautiful Affair ay T-Th [Tuesday-Thursday], ako naman, M-W-F [Monday-Wednesday-Fridays] for Kahit Puso’y Masugatan.

“So, hindi talaga magsalubong ang aming schedule.

“Of course it’s their film, the priority is their schedule. Ako naman ay napasali lang dun.

“Siguro I would think na lang na this is not meant to be my comeback film for Star Cinema. Maybe it’s something else,” nasabi na lang ni Iza.

“Siyempre nanghinayang naman ako. Ang pangit sabihin na walang panghihinayang.

“Siyempre I was looking forward to working with John Lloyd and Sarah, and everybody else on the set and Direk Cathy [Garcia-Molina].

“Pero like I’ve said, marami talagang proyekto na nandiyan na, nawawala pa, and sometimes it’s really for the best.”


SHOW IS EXTENDED. Hindi man natuloy sa nasabing pelikula, masaya pa rin si Iza dahil sa mainit na pagtanggap ng viewers at mataas na ratings ng pinagbibidahan niyang serye, ang Kahit Puso’y Masugatan.

“Apparently it’s doing great rating-wise, but I’m more concerned with the storyline kasi.

“So far, I have to say na talagang inaalagaan ni Direk Wenn [Deramas] ang istorya ng aming teleserye at tuwang-tuwa ako dahil maraming tao ang lumalapit sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi nila pinagpupuyatan nila yung show, naa-appreciate nila, at sabi nila paganda raw nang paganda yung istorya.

“Sabi ko nga, ‘Bakit, pangit ba dati?’ Niloloko ko sila, ha-ha-ha!

“Sa mga sumusubaybay ng KPM [Kahit Puso’y Masugatan], maraming salamat mula sa aming lahat na bumubuo ng show.”

Dahil sa magandang ipinapakita ng show, extended daw ang pagpapalabas nito.

“Actually hanggang January siya, but it’s really until November lang, yun talaga ang original,” sabi ni Iza.

“Because of the ratings? Because of whatever, I don’t know, pero yun ang hindi pa natin alam.”


MAKING TIME FOR LOVE. Kinumusta naman ng PEP ang lovelife ng aktres.

“It’s still lovely, thank you,” pahayag ni Iza.

Hindi na naman taga-showbiz ang boyfriend ngayon ni Iza na si Ben Wintle. Hindi ba nagiging isyu sa kanila ang hectic schedule niya?

“Kung issue ang oras? Hindi. Nagagawan ng paraan ang lahat ng ‘yan.

“’Tsaka he is very supportive, he encourages me. He just wants me to do what I need to do in my life. Para sabay kayong maging masaya.

“Hindi naman puwedeng kayod lang, kailangang namamayagpag din kayo sa mga personal ninyong buhay,” dagdag pa ni Iza.

Mukhang masayang-masaya si Iza sa kanyang karelasyon ngayon. Posible kayang ito na ang makakasama niya habang-buhay?

“Maybe! Sabi nga you can never can tell,” biro ni Iza sa kanyang pananalita.

“Basta I am very happy.”

Dahil nalalapit na ang Undas, tinanong ng PEP si Iza kung bibisita ba siya sa puntod ng amang pumanaw nung nakaraang taon.


PLANS TO VISIT HER FATHER. Ama ni Iza ang direktor na si Lito Calzado.

“Malamang bibisitahin ko ang daddy. Mas important sa amin ang November 11 kasi kamatayan ng daddy ko. So, yun ang pinaghahandaan namin.

“Nagpe-prepare pa kami ni Noel Ferrer. Iniiisip pa namin kung ano ang pinakamagandang gawin,” banggit pa ni Iza sa kanyang manager.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre hindi tayo magpapa-party sa SMX,” biro uli ni Iza. “Yung simple lang na handaan na magsasama-sama ang pamilya.

“Siyempre para mabigyang-importansiya ang pamilya, magkukuwentuhan.”

Aminado si Iza na minsan ay may mga pagkakataon na hindi pa rin siya makapaniwala na wala na talaga ang kanyang ama.

“Madalas naman na ok na…pero may mga araw na napapailing ako.

“Siyempre minsan, parang…wala na ang daddy ko, minsan akala ko nandiyan pa siya. Ganun talaga, e.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN