Joross Gamboa reportedly dropped from Bukas Na Lang Kita Mamahalin cast in favor of Rayver Cruz, boyfriend of lead actress Cristine Reyes

Dapat sana ay kasama si Joross Gamboa sa cast ng bagong primetime series ng ABS-CBN na Bukas Na Lang Kita Mamahalin, pero balitang tinanggal siya dahil sa hiling ng lead star na si Cristine Reyes. Ang ipinalit daw kay Joross ay ang boyfriend ni Cristine na si Rayver Cruz.


Usap-usapan na nasa original cast ng sinisimulang serye ng ABS-CBN na Bukas Na Lang Kita Mamahalin si Joross Gamboa.

Ang nasabing serye ay pagbibidahan nina Gerald Anderson, Cristine Reyes, Diana Zubiri, at ang Diamond Star na si Maricel Soriano.

Pero nawala raw sa cast si Joross at napunta ang role na para sana sa kanya kay Rayver Cruz.

Kasabay nito ay ang paglabas ng mga balita na si Cristine Reyes daw ang nagpatanggal kay Joross at humiling na palitan ito ni Rayver, na boyfriend ng young actress.

Kinuha ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang reaksiyon ni Joross tungkol sa isyung ito sa pamamagitan ng phone interview.

Sabi niya, “Sa akin kasi, nasanay ako na kung para sa akin, para sa akin. Kung hindi, hindi, e.

“Sinabi na nila sa akin, sinabi sa akin ng manager ko si Kuya Noel [Ferrer]... ang sabing dahilan, hindi pa raw ready [si Cristine] na ako ay makatrabaho.

“Pero ang hindi ko maintindihan, nagkatrabaho na kami sa Eva Fonda before, saka nagka-partner na kami sa isang… Your Song ba yun?

“Saka okay kami, okay naman kami. Nagbabatian kami pag nagkikita.

“Nung tinanong na lang ni Kuya Noel kung sino ang kapalit, at sinabi si Rayver, gets na namin... okay lang.”

ACCEPTANCE. Aminado ang Star Circle Quest alumnus na nagtampo siya sa nangyari, pero tinanggap na lang daw niya ito.

Sabi ni Joross, “Walang masamang tinapay sa akin, saka kaibigan ko rin si Rayver.

“Ang nasa isip ko lang, kung gusto talaga nila akong ilagay sa soap, kukunin nila ako kahit ano.

“Hindi ako nag-isip ng kahit ano. Nag-move on na ako.

“Kilala n’yo naman ako, hindi ako nagtatanim ng anumang sama ng loob sa kahit na anong bagay.

“Nakakatampo lang ng kaunti, pero wala naman akong magagawa.”

EX-GIRLFRIEND? Nilinaw naman ni Joross ang isyung naging girlfriend niya noon si Cristine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman kami naging mag-girlfriend-boyfriend.

“Parang naging ganun before, nung naging mag-MU kami… nandun pa si Rox [Roxanne Guinoo] nung panahon na yun.

“Matagal na, as in 2006 or 2007, sobrang tagal na nun.

“After nun, nag-Eva Fonda pa kami, mayroon pa kaming ginawa nila Alessandra [de Rossi], parang Your Song, partner kami dun ni AA [palayaw ni Cristine].

“Lagi kaming nagkikita sa Alabang Town Center, okay naman.

“Nung birthday ni Rayver, nagbabatian.”

May balak ba siyang kausapin si Cristine para mabigyang-linaw rin ang naglalabasang issues tungkol sa pagkakatanggal niya sa cast ng Bukas Na Lang Kita Mamahalin?

Pahayag ni Joross, “Sa akin, hindi na, tapos na kasi, wala din namang mangyayari.

"Baka mas magkaroon pa ng issue, ng ilangan.

“Kahit sa Singapore, nagkita kami, binati ko naman siya.

“Si Rayver, kasama ko siya sa dressing room, nagkukuwentuhan kami.

“Nag-promote kami ng Suddenly It’s Magic with Erich [Gonzales] and Mario Maurer."

Sa kabila ng lahat, hindi naman nagsasara ng pinto si Joross na magkatrabaho sila sa mga susunod na proyekto si Cristine.

“Oo naman, no problem, promise.

“Walang problema sa akin, wala akong kaaway sa showbiz.”

Bukas ang PEP sa panina nina Cristine at Rayver sa isyung ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN