Glaiza de Castro admits going out on dates; reveals reason why her relationship with Felix Roco did not prosper

Ipinaliwanag ni Glaiza de Castro kung bakit hindi nauwi sa mas seryosong relasyon ang samahan nila ng aktor na si Felix Roco. Sabi ni Glaiza, "Siguro dahil bata pa kami, marami pa kaming mga pangarap sa buhay, yung ganun. Kasi eto yun, e, ganito yun, e… Di ba, kapag pinili mo yung lovelife, you will choose to be committed to that person, di ba? E, bilang bata pa po kami at marami pa kaming gustong mangyari sa buhay namin, hindi namin ma-commit sa isa’t isa, di


“Kapuso temptress” ang bansag ngayon kay Glaiza de Castro dahil sa mga mapangahas niyang roles sa mga teleserye ng GMA-7, gaya na lamang ng Temptation of Wife na magsisimula bukas, October 29.

Sa kabila nito, hindi pa rin mapapayag ang aktres na mag-pose nang sexy sa men’s magazines, gaya ng FHM.

Paliwanag ni Glaiza, “Siguro dahil hindi lang po talaga ako at ease sa context ng men’s magazine, yung mga ganun.

“Honestly, hindi ako ano dun.

“Sa mga ganitong roles, okay naman kasi maganda yung story and may moral lessons.”

Ang tinutukoy ni Glaiza ay ang role niya bilang temptress na si Heidi Fernandez sa Temptation of Wife.

Sabi pa niya, “Pero katulad ng pag-endorse ng alak o ng sigarilyo, it’s something against my principles.”

Wala naman daw kinalaman ang relihiyon sa kanyang desisyon.

Sa TV o sa pelikula ay okay lang si Glaiza na magpaka-daring.

“Okay naman po basta yung mga roles, yung may bawi, may redemption.”

MOST DARING. Ano ang pinaka-daring na nagawa na niya?

“Sa indie siguro, isa yung Astig kasi may bed scene doon, with Dennis [Trillo] din.

“Tapos yung isa, Madaling Araw, Mahabang Gabi, meron din doong bed scenes pero hindi siya…

"Senswal siya, hindi siya yung bastos at yung intense na laplapan, hindi siya ganun.”

Hindi raw papayag si Glaiza na mag-topless.

“Hindi po, hindi po talaga.

“Back, puwede pa, pero yung topless talaga, iyon yung something na hindi ko talaga kaya, e.

“Puwede naman pong daanin sa… para-paraan din naman po, hindi din naman talaga necessary na maghubad o ano.

“Puwede namang maging sexy na... without showing a lot of skin.

“Ito lang, legs-legs lang!” ang natatawang sabi ni Glaiza.

OUT OF THE BOX. Gaano kahirap o ano ang pressure na “agawan” ang isang Marian Rivera sa Temptation Of Wife?

“Ay, wala po sa isip ko yung mang-agaw, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro yung pressure lang din na tapatan yung husay niya bilang isang aktres, di ba?

“Para sa akin, karangalan na rin yun na na-consider ako kahit na hindi first, di ba?”

Si Alessandra de Rossi ang first choice for the role of Heidi.

“Parang sa akin, wala namang isyu sa ganun, e.

“Aware naman ako doon and, sa akin, yung napabilang lang ako.

“Nung pinanood nga namin yung teaser, yung music video, nakaka-proud na mapasama ka sa ganitong klaseng serye.

“Kasi ang husay ng mga kasama mo, ang husay ng direktor mo, ang babait ng production staff, so blessing talaga.”

Nang nalaman niyang second choice siya, ano ang una niyang naramdaman?

“Kinabahan ako kasi hindi siya biro-birong project, e.

“At yung fact lang din na yung role ay isang temptress, parang inisip ko, paano kaya yun?

“Pero sige, na-challenge ako, e.

“Yung sige, gusto ko ng something out of my comfort zone, yung ganun. Something out of the box.

“And iyon din yung isa sa mga reasons kung bakit excited ako for this,” pahayag ni Glaiza.

GLAIZA’S LOVELIFE. Kumusta naman ang lovelife ni Glaiza?

“Naku po, wala! Waley! Honestly, wala talaga.”

Hindi raw niya naging karelasyon ang na-link sa kanyang si Felix Roco.

“Wala, hindi naman naging ano talaga, e... hindi naman naging official, e.”

Mutual understanding lang?

“Siguro….”

Hindi na sila nagkikita ni Felix?

“Hindi na.”

Pinag-usapan ba nila na putulin na ang kanilang mutual understanding?

“Hindi na, hindi na po kasi ano, e, parang understood na namin na hindi talaga e, yung ganun.

“Pero nandun pa rin naman yung friendship, nandun pa rin naman yung respeto namin sa isa’t isa.”

Nandoon pa rin ang respeto, nawala ba ang pagmamahal?

“Hindi naman, hindi naman instant na nawawala yung pagmamahal, e, di ba?

“Kahit naman sino, e—kamag-anak o friend—kapagka meron nang attachment, yung ganun, kahit papaano you still care about that person.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bakit hindi nag-level up sa isang serious relationship yung sa kanila ni Felix?

“Siguro dahil bata pa kami, marami pa kaming mga pangarap sa buhay, yung ganun.

“Kasi eto yun, e, ganito yun, e… Di ba, kapag pinili mo yung lovelife, you will choose to be committed to that person, di ba?

“E, bilang bata pa po kami at marami pa kaming gustong mangyari sa buhay namin, hindi namin ma-commit sa isa’t isa, di ba?

“Ako rin, e, personally, parang hindi ko pa kayang makipag-commit ng ganung katindi sa isang tao.

“Kasi, unang-una po, meron akong iniintindi na pamilya ko, tapos sarili ko.

“So siyempre, hindi ko sila puwedeng pabayaan, hindi ako puwedeng magpabaya.

“So kailangan kong… yung mga decisions ko, kailangan ano, careful.

“Kaya career muna.”

Paliwanag pa ni Glaiza, “Ako po, hindi ko naman ipinipilit yung mga bagay-bagay.

“Though ano, siyempre gusto natin ng lovelife, di ba, inspiration?

“Pero ako yung tipo ng taong hindi naman ako naghahanap pa sa ngayon.

“Kumbaga, kung darating, may darating, yung ganun.

“Naniniwala pa rin ako sa ano, e, sa faith, sa destiny.”

GLAIZA IS DATING. May manliligaw ba siya ngayon?

“Marami… mga fifty. Joke lang,” sabay tawa ni Glaiza.

Umamin naman si Glaiza na nakikipag-date siya.

“I go out, I go out.”

Exclusively dating ba?

“Hindi po, hindi po. Iba kasi pag exclusive, e.”

Ano ang mas gusto niyang makarelasyon—taga-showbiz o hindi?

“Kahit ano naman kasi pare-parehas ding tao ‘yan, pare-parehas naman ng pinagdadaanan, di ba?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN