Xian Lim not threatened by reunion project of Kim Chiu and Gerald Anderson

Xian Lim on reunion project of Kim Chiu and Gerald Anderson: "Even before I came e napapanood ko na naman sila. So I would say I am a fan, and I’m happy for them. Again, nung nasa States pa lang ako, pinapanood ko naman sila. Kimerald sa My Girl pa, I admit na naging fan naman ako, e. Cool kasi, di ba, nakikita ko na naman sila?


Hindi pa rin inamin ni Xian Lim kung sila na nga ni Kim Chiu.

Sa latest interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Xian noong October 23, sa Mint Fashion Show sa may SMX Convention Center, pinabulaanan pa rin ng binata na may espesyal silang pagtitinginan ni Kim.

Naging close sina Xian at Kim sa dating primetime series ng ABS-CBN na My Binondo Girl. Dito rin sa seryeng ito napabalitang nagkamabutihan ang dalawa.

Sila na ba talaga ni Kim?

Sabi ni Xian, “Whatever people speculate, whatever they say, it’s up to them, they’re entitled to their own opinion.

“Basta kami, we’re doing our job and we’re happy.”

Ano ba talaga ang status ng kanilang relasyon?

“Of course, we’re friends. We’re good, friends.

“Wala kasi talagang time, e, with my schedule and with her schedule. Halos every day naman kami nagkikita, from taping…

“Grabe, grabe yung every day naming taping.”

Dagdag niya, “Alam n’yo, nung previous presscon natin, she said she is very dedicated [sa work], I’m also dedicated to my work.

“Of course, sigurado kami na kung pumasok man sa ganun, ayaw muna naming mahati yung atensiyon sa ganun, di ba?

"Unahin muna yung trabaho.”

Are they getting there slowly?

Sagot ni Xian, “Siguro for now, hindi ko muna iniisip ‘yan, e, kasi sa sobrang daming iniisip…

“And lagi naman kami nagkikita, and andiyan lang naman ‘yan, e.

“Nandiyan lang naman yung ano… ang friendship, we just had to respect our time.”

Palagi naman daw silang nagkakausap ni Kim. Pero hindi ba talaga niya ito nililigawan?

Tugon ni Xian, “I’m just making her [feel] special. Showing, and treating, the person right.”

Saad pa nito, “So let just people think what they think—what they see is what they get.”



KIMERALD REUNION. Ka-loveteam ni Xian si Kim ngayon sa ABS-CBN primetime series na Ina Kapatid Anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero sa pelikula naman ay balik-tambalan sina Kim at Gerald Anderson para sa 20th anniversary offering ng Star Magic, ang talent arm ng ABS-CBN.

24/7 In Love ang title ng pelikulang ito mula sa Star Cinema at Star Magic.

May pressure o threat ba sa parte ni Xian dahil magbabalik-tambalan sina Kim at Gerald?

Tugon ni Xian, “Ay, wala, kasi even before I came, e, napapanood ko na naman sila.

“So I would say I am a fan and I’m happy for them.

“Again, nung nasa States pa lang ako, pinapanood ko naman sila. Kimerald sa My Girl pa, I admit na naging fan naman ako, e."

Dagdag pa nito, “Cool kasi, di ba, nakikita ko na naman sila?

“Before sa TV, I didn’t really expect na from… before napapanood ko lang sila and then nakakatrabaho ko na.

“Especially si Gerald, I didn’t even think na maka-work ko siya.

“Dati nagba-basketball lang kami. Kapatid ko lang siya sa court.”

Ang iniisip na lang daw ni Xian ay para sa Star Cinema ang proyekto kaya wala talagang pressure on his side.

Sabi pa niya, “Siyempre, di ba, supportive naman ako, e, sa lahat ng movie ng Star Cinema... sa lahat, everything.”

Hindi ba siya nati-threaten na mawala yung loveteam nila ni Kim?

Aniya, “Of course not, of course not.

“Wala namang ganun as long as… whatever they gave us [na work], we gonna do it right.”



UNFRIENDLY XIAN? Last July, may balitang may mga nagtampo na TV crew at press kay Xian dahil sa hindi nito pagpapaunlak ng interview sa launch ng isang clothing brand sa may Makati area.

Nagkataon kasi na nung dumating si Xian ay nagsabi itong after the show na lang yung interview.

Pero matapos ng show ay nagpahabol na ang young actor, at itinuro nito ang isang kasamahan niya na doon daw magpaalam upang ma-interview siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero hindi siya na-interview dahil itinakbo na ito palabas ng venue.

Inisnab ba niya ang media that time?

Paliwanag niya, “A… hindi, e, palagi nga ako nagpapa-interview, pare-pareho na nga lang sagot ko.

“Ah, hindi ako tumakbo… I don’t remember anything na tumakbo ako.

“I don’t remember na, actually I read somenhing about that, but I don’t remember having bodyguards.

“I don’t remember having anything with that.”

Dagdag pa niyang paliwanag, “Ah, it wasn’t up to me anymore, it’s up to the people who produced the show, who organized the show, and hindi na ako sangkot dun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN