Part 2. John Lloyd Cruz on Derek Ramsay defending him: “Totoo naman po yun at wala namang pagtatanggol na nagaganap. Sinasabi lang niya kung ano ang totoo."

Sa panayam ni John Lloyd Cruz sa The Buzz kahapon ay direkta na niyang inamin ang relasyon nila ni Angelica Panganiban. Paglalarawan ng aktor sa relasyon nila ng aktres: “It is something na hindi namin ine-expect. Parang bigla na lang, ’Saan galing ito, saan galing iyon? Suddenly it’s magic.’ But seriously, iyon talaga ang nangyari.”


Twenty-nine years old na si John Lloyd Cruz.

Ano ang masasabi niyang marrying age para sa kanya?

“Ideally, thirty-five… thirty-five,” sagot ng aktor sa pagpapatuloy ng panayam sa kanya ng entertainment press sa presscon ng A Beautiful Affair.

Binalikan ng PEP ang naging pahayag ni John Lloyd sa question-and-answer portion ng press conference, na para sa kanya ay may expiration ang love.

Pero nilinaw agad ito ni John Lloyd.

Aniya, “Yung being in love. Yun bang cloud-nine na happiness, yung kilig.

“Ang sinasabi ko do’n, yung fall-in-love with one person, yung level of kilig, yung excitement, can only last… depende sa kaso n’yo.

“Definitely, hindi siya magla-last hanggang sa matanda na kayo.

“Pero yung commitment for the person, yun ang magla-last.”



DEREK RAMSAY. Nabanggit din kay John Lloyd ang ex-boyfriend ni Angelica na si Derek Ramsay.

Tuwing nakakausap daw kasi ng press si Derek ay tila palagi niyang ipinagtatanggol si John Lloyd.

“Bakit niya ako kailangang ipagtanggol?” nagulat na reaksiyon ni John Lloyd.

Sinasabi kasi ni Derek na walang third party sa breakup nila ni Angelica kaya walang kinalaman doon si John Lloyd.

“Nice” din daw ang pagkakakilala ni Derek kay John Lloyd.

Sabi naman ni John Lloyd, “Totoo naman po yun at wala namang pagtatanggol na nagaganap. Sinasabi lang niya kung ano ang totoo.

“Alam n’yo kasi, ang tao, may perception sa bawat mga relasyon, especially sa showbiz.

“Pero ang katotohanan naman niyan, yung mga taong involved lang ang nakakaalam kung ano ba talaga ang nangyari.

“Sila lang ang nakakaalam kung ano, bakit… sila lang ang may karapatan na magsalita o magpaliwanag.

“Unang-una, hindi naman para pag-usapan on national TV o maging national issue ang inyong relasyon.

“So, in the end, kung sino ang mga involved lang ang totoong nakakaalam ng katotohanan at hindi mo siya basta puwedeng iwan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung magkikita sila ni Derek, okay naman sila?

“Hindi pa kami nagkikita, and I don’t see any problem kung magkikita man kami.”

Willing daw si Derek na magkatrabaho sila ni Angelica. Si John Lloyd ba ay willing makatrabaho si Derek?

“Kami ni Angelica ang hindi willing makatrabaho ang isa’t isa,” sagot ni John Lloyd.

Pero hindi ba’t sila ang magkatambal sa pelikulang 24/7 In Love ng Star Magic at Star Cinema? Marami ang naniniwala na dito nagsimula ang kung anumang namamagitan sa kanila ngayon.

Sabi ni John Lloyd, “Dati pa kasi yun, matagal na yun. Hindi para gumawa kami. Hindi namin kaya yata.”

Pero doon nga ba nagsimula ang pagiging malapit nila sa isa’t isa?

“Well, matagal na yun, e. Pero, doon ko siya nakilala nang mabuti.”

Kung sakali, willing kaya si John Lloyd na makatrabaho ang ex-girlfriend niyang si Shaina Magdayao?

“Well, wala siya sa plano.

“I don’t know… hindi rin namin pinili na magtrabaho noon. I don’t think that would happen in the future.”

Paano kung magkaroon ng plano ang ABS-CBN na pagsamahin sila?

“Siguro doon kami magde-decide.

“Ako, personally, hindi ko alam.

“Yung kay Kaye [Abad], parang after ilang years, na-excite akong makatrabaho siya, e.

“Hindi mo kasi masasabi.”

Same rule din ba ngayon kay Angelica noong sila pa ni Shaina, na ayaw rin nila na magkasama sa trabaho?

Natawa si John Lloyd saka sinabing, “Hindi naman governed by rules ang aming relasyon. Hindi namin siya pinipili for the moment.

“But, who knows, baka in the future magbago ang ihip ng hangin. Magbago ang pananaw namin.

“Yun ang sinasabi kong maganda. Parang anything can happen.

“Hindi nawawala ang potential mo in achieving more and becoming more.

“Baka rin part siya nun, hindi mo alam, e.

“Gusto ko lang sabihin na hindi siya some kind of rules na dapat, hindi magkatrabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s just that hindi namin siya pinipili for the moment.”


UNEXPECTED. Nilinaw rin ni John Lloyd na noon ay wala silang anumang ugnayan ni Angelica.

“Hindi ko siya crush at hindi rin naman niya ako crush dati.”

Pero dahil nasa iisang istasyon lang sila, noon pa man ay madalas na silang nagkakasama.

Magkasama sila noon sa isa sa mga unang shows ni John Lloyd sa ABS-CBN, ang Kaybol.

Naisip ba nila na magiging sila pala?

“Hindi po. Hindi po sumagi sa isip natin.”

Love is unexpected talaga?

“Hindi mo naman napaplano ang mga ganyang bagay, kaya nga it makes it exciting.”


LEVEL OF HAPPINESS. Sinabi ni Angelica sa video na ipinakita ni Direk Ga na “May ganito palang klase ng kaligayahan o happiness.”

Sa parte ni John Lloyd, masasabi ba niyang ngayon lang niya naramdaman ang ganitong klaseng kaligayahan?

“Oo,” sagot niya.

“Parang every chance you get, yung happiness, it’s always unique.

“Nagba-vary lang kung gaano kalalim o gaano kataas.

“Ngayon kasi, talagang napakagaan lang ng lahat, napaka-natural.

“Napaka-fluid kumbaga, walang hassle.”

Ito na ang pinaka-ultimate?

“Masyado pang maaga para sabihin… baka, baka nga yun ang tawag dun.

“Kasi, nakakalito kapag meron nang label o may ranking nang pumapasok, parang napapaisip kang bigla.

“Pero malamang, malamang na yun na nga yun.”


WHAT YOU SEE IS WHAT YOU GET. Kahit hindi nagbibigay ng detalye si John Lloyd tungkol sa kanila ni Angelica, hindi naman maikakaila na mas “open” na siya ngayon.

Ayon kay John Lloyd, “Yun nga ang sinasabi ko, since day one, since lumabas ang usap-usapan about us, wala naman kaming idinenay, wala naman kaming kinonfirm.

“Wala naman kaming dapat i-deny. What you see is what you get.

“Kung nag-Hong Kong kami, kung saan kami nagpunta, hindi po kami nagtatago.

“Hindi lang namin pinipilit na pag-usapan openly yung relasyon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


THE ADMISSION. Pagkatapos ng presscon ng A Beautiful Affair ay nag-guest si John Lloyd sa showbiz talk show ng ABS-CBN na The Buzz.

Sa interview sa kanya nina Boy Abunda at Charlene Gonzalez-Muhlach ay direktang inamin na ni John Lloyd ang relasyon nila ni Angelica.

Inilarawan ng aktor ang kanilang relasyon bilang “beyond happiness.”

Dagdag pa niya, “It is something na hindi namin ine-expect. Parang bigla na lang, ’Saan galing ito, saan galing iyon? Suddenly it’s magic.’

"But seriously, iyon talaga ang nangyari.”

Pero gaya sa presscon, hindi rin nagbigay ng detalye sa telebisyon si John Lloyd tungkol sa relasyon nila ni Angelica.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN