Bea Alonzo on successful career and lovelife: "I’m a living proof na okay, puwedeng magsabay!"

“Ngayon po yung unforgettable. Parang ngayon po ako nagdadalaga siguro,” says Bea Alonzo when asked which relationship she considers most unforgettable. Bea is currently in a relationship with Zanjoe Marudo.


“A very, very, very, very beautiful affair.”

Ganito ilarawan ni Bea Alonzo ang relasyon niya ngayon sa kapwa Star Magic talent na si Zanjoe Marudo.

Sa press conference ng bagong teleserye na A Beautiful Affair, na ginanap kahapon, October 28, sinabi ng lead actress na si Bea na sa ngayon ay maituturing niyang “unforgettable” ang kanilang relasyon.

“Parang ngayon po ako nagdadalaga siguro,” sabi ng 25-year-old actress.

Noon daw ay halos maniwala na si Bea sa sinasabi ng karamihan na imposible sa showbiz na sabay na maging successful sa lovelife at career.

“Alam mo, for the longest time, maniniwala na sana ako na mamimili ka kung career ba o lovelife.

“Kapag okay daw ang lovelife, walang career.

“Pero I’m a living proof na, okay, puwedeng magsabay!” natatawang sabi ni Bea, nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media pagkatapos ng presscon proper.

Hindi ba ito mahirap gawin?

“Alam mo, I’m very lucky na understanding yung boyfriend ko,” sagot ni Bea.

“Siguro malaking bagay na pareho kaming artista, naiintindihan niya yung schedule ko.

“The more na hindi kami nagkikita, the more na mas nagiging sweet yung relationship namin.”

Habang abala si Bea sa kanyang bagong teleserye, abala rin si Zanjoe sa pelikulang One More Try—official entry sa Metro Manila Film Festival 2012, na pagbibidahan din nina Angel Locsin, Dingdong Dantes, at Angelica Panganiban.



LOW PROFILE. Bagamat bukas naman sina Bea at Zanjoe tungkol sa kanilang relasyon, sinusubukan pa rin daw nila na maging pribado pagdating sa ilang mga bagay.

“We try to keep it low profile,” wika ni Bea.

“As much as possible, may mga pribado kaming bagay na hindi sine-share sa public.

“Mayroon din naman kaming hindi ipinagdadamot sa public kasi they deserve to know about it kasi we’re public figures.

“Para bang kahit papaano, natututunan namin yung art of being private and being public, na ine-enjoy namin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



ON SETTLING DOWN. Samantala, nang tanungin kung hanggang saan niya nakikita ang “beautiful affair” nila ni Zanjoe, sagot ni Bea, “Siyempre, dahil nandito ako sa relationship ngayon, every relationship naman ganun, e, nag-iisip ka na sana kami hanggang sa dulo.

“Pero hindi naman ako puwedeng magsalita nang tapos dahil baka mamaya magkaproblema along the way, hindi namin maano yung differences namin.

“I could only wish na sana kami hanggang sa dulo.”

Pagdating naman sa pagpapakasal, sabi ni Bea, “Masyado pa po akong bata para pag-isipan ‘yan.

“Kaka-twenty-five ko lang.

"Sana, ideally, I’m gonna get married mga twenty-nine or thirty.

“Baka masyado pa pong maaga para sabihin kong kami talaga.

“Pero sana, I could only wish na maging kami talaga sa dulo.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN