Rhian Ramos on relationship with KC Montero: "I’ve never felt more appreciated."

Ito ang pahayag ni Rhian Ramos nang tanungin sa mga pagbabago sa buhay niya mula nang makilala niya si KC Montero: “Dati pa alam ko naman kung sino ako, pero ngayon mas naramdaman ko na parang… Dati when I look at myself in the mirror, I feel pangit. You know what I mean? Now I don’t. It’s just everything feels so good."


Sinamahan ni Rhian Ramos ang boyfriend na si KC Montero sa Cuervo Moments campaign ng alak na Jose Cuervo, kung saan ang TV-radio host ang tunatayong “instigator” o spokesperson.

Nadatnan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Rhian at KC na magkatabi sa isang table sa Las Flores gastro-bar sa One McKinley Place, Fort Bonifacio, Taguig. Kasama nila ang kabigang si Jay-R habang masayang nagkukuwentuhan.

Una naming pinansin ang maaliwalas na hitsura ni Rhian. Sabi namin sa kanya, mukha siyang at peace with the world at hindi maikakailang masayang-masaya.

Sagot naman ng 22-year-old actress, “Well, I’m very happy because, like, so many aspects of my life are going my way.

“I’m just really happy about that.

"And also, because I think I’ve learned to appreciate things more now in a way na I didn’t before.

“Like for example, before… you know my family has always been there. But I appreciate them more now.”



LESS-STRESSFUL RELATIONSHIP. Sa isang article na lumabas dito sa PEP ay naipahayag ng mommy ni Rhian na si Mrs. Clara Ramos-Howell na nakakahinga siya nang maluwag sa relasyon ngayon ng anak kay KC.

(CLICK HERE to read related story.)

Ano ang reaksiyon dito ni Rhian?

“Yeah... everything’s just really going well," pagsang-ayon ng Kapuso actress.

"Now, I see the importance of my family and making them happy and comfortable.

"Right now, my family is very comfortable with everything."

Masasabi ba niyang "the storm is over" sa kanyang buhay?

“Oo naman, yeah, matagal na. One year na.

"And even like in everybody’s eyes, when the storm was there, for me… I felt it siguro for a month.

“But when I retreated to the people that I love—my family—it disappeared right away! Agad-agad. Like di ko na naramdaman.

“Kasi, nakita ko sa kanila yung mas importante sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Like, kung nandun yung storm—sa work ko kunyari… you know, my work is built on impression.

“Minsan kasi, it doesn’t matter what’s true and what’s false.

"Maniniwala lang yung tao basta narinig na nila. So that’s what’s important to them.

“And I realized that what’s important to me is not that—it’s, like, the people that I love. And… how they take it."

Ang description ni KC sa relasyon nila ay "less stressful." Paano naman ito ide-describe ni Rhian?

“Uhm, exactly the same. Exactly the same.

"Less stress, a… light, happy, full of fun, full of appreciation.

"I’ve never felt more appreciated. You know what I mean?

“Dati pa, alam ko naman kung sino ako, pero ngayon mas naramdaman ko na parang…

"Dati, when I look at myself in the mirror, I feel pangit. You know what I mean?

"Now, I don’t. It’s just everything feels so good.

“Like I get to work with anyone I want. Walang problema.

"I get to go with any of my friends. Walang problema.

"I get to spend time with my family any day."



MORE IN CONTROL OF HER LIFE. Bakit problema ba ito before?

“Everything. Everything," sagot ni Rhian.

"And now it feels like it’s all my choice. Now I feel more in control. Alam mo yun?

"Lahat ng bagay nasa akin. Kung ano yung choice ko, kung ano yung gusto ko."

Sa tingin ba niya, it helps that KC grew up in the States kaya mas liberal itong mag-isip?

“No, I don’t think that’s it at all.

"I think he’s just a good person.

"I think because he’s a good human being, like, kahit saan pa siya lumaki, he’s just a good person.”

Ang maganda pa raw sa kanilang relationship ay nahahawa siya sa pagka-positive ni KC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Rhian, “Hindi, kasi ano, e, ever since before pa, positive akong tao. I always look at the bright side.

“Alam mo yun? Yung parang… ewan ko. Gano’n ako, e.

"Parang I always focus on the bright side. Parang there’s always a light at the end of the tunnel.

“Pero for a while, nawala yun, e. It became very, very dark. And I couln’t see.

"But now, it’s like I’m free to be myself.”

Marami ang nagsasabing magkamukha sila ni KC.

May kasabihan na kapag magkamukha ang magkarelasyon, kadalasan ay sila ang nagkakatuluyan.

“Ay, gano’n ba yun?” sabay tawa ni Rhian.

“Well, that’s really funny. I mean, kasi hindi ako ma-superstitious na tao, e.

“I mean, pag may tumatawid na itim na pusa, wala akong pakialam.

"Pero, naa-appreciate ko naman na na-appreciate ng ibang tao yung mga nangyayaring maganda sa buhay ko.”



FAITH IN THE LEGAL SYSTEM? Isang taon na ang nakalilipas mula nang mag-file si Rhian ng kaso laban sa ex-boyfriend niyang si Mo Twister.

Ang huli kasing nabanggit ni Rhian ay ang pag-file niya ng permanent protection order, pero hindi direktang sinagot ng aktres kung may libel case siyang isinampa laban kay Mo.

Kumusta na ang kaso?

“Well, you know naman that the legal system in the country is very, very slow.

"And there have been discoveries na… parang nakapag-delay siya ng kaso before pa. Sa ibang tao.

“Pero for me, may tiwala pa rin ako sa legal system natin.

"And I have faith in them na I know that they are people doing their job, doing the right thing.

“So, I think kahit ano pang mangyari, sooner… I mean, itatapat pa din ako ni God sa tao na who will do the right thing.

“Hindi... nabalitaan ko kasi sa kaso ng GMA sa Quezon City judge na may nagyari do’n, na-delay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero, in my case, I still have faith na even may mga naririnig ako, medyo discouraging na gano’n, I still have faith in the legal system."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN