Phil Younghusband on Angel Locsin playing Darna again: “Sana, kasi sobrang bagay sa kanya yung Darna role, so I hope I can watch her soon.”

Isa sa mga pangarap ni Phil Younghusband ay magkaroon ng mas maraming football stadium sa Pilipinas. Sabi niya, “Nung kakasimula lang kami dito sa Philippines… in Kuwait, meron silang 30 football stadiums; dito sa Philippines, siguro one or two. Pero we’re just starting, so hopefully in the future, meron pang [madadagdag na football] stadium sa Philippines.”


Nakabalik na sa bansa ang football player na si Phil Younghusband mula sa Kuwait, kung saan naglaro ang Team Azkals laban sa football team ng nasabing bansa.

Talo man daw sila, masaya naman ang kanilang grupo na nakalaro nila ang mga taga-Kuwait dahil isa raw ito sa pinakamagaling na koponan sa Asia.

Sabi ni Phil, “A… meron kaming game sa Kuwait, pero talo kami, 2-1.

“Pero mas improved kami ngayon kaysa dati so big improvement kami ngayon.

“Ang Kuwait kasi ay sila ang top five sa Asia… to be in so close competition with them is a progress for the team.”

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Phil, kasama ang kapatid niyang si James Younghusband, sa launching ng kanilang bagong ini-endorse na Samsung Galaxy Note II last week

Wish daw ng magkapatid na dumami pa ang mga palaruan ng football sa bansa.

Sabi ni Phil, “Nung kakasimula lang kami dito sa Philippines… in Kuwait, meron silang 30 football stadiums; dito sa Philippines, siguro one or two.

“Pero we’re just starting, so hopefully in the future, meron pang [madadagdag na football] stadium sa Philippines.”

Pahayag pa nito, okay na sila sa management ng Azkals pagkatapos ng kontrobersiya na namagitan sa kanila, na muntik na nilang ikatanggal sa team.

(CLICK HERE to read related story.)

Kaya ang pinagtutuunan daw nila ngayon ng pansin ay ang training para sa kanilang susunod na laban.

“Yeah, yeah, okay na kami ngayon. We had a meeting and ayos na lahat and we are good and everything has been resolved.

“Susunod namin [na laban] is in Cebu laban sa Singapore. November 15 sa Cebu."

Dagdag pa ni Phil, “Excited kami sa Suzuki Cup magsimula ng November. Pag successful sa Suzuki Camp, then it’s a good record for the Philippines.”



ANGEL AS DARNA AGAIN. Kung excited si Phil sa kanilang susunod na laro, excited din kaya siya sa napapabalitang muling paglipad ng girlfriend niyang si Angel Locsin sa pagsasa-telebisyon muli ng Darna?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Well, I haven’t heard of any news.

“Sana, kasi sobrang bagay sa kanya yung Darna role, so I hope I can watch her soon.”

Nananatili naman daw solido ang kanilang relasyon ni Angel.

“Masaya pa rin, very happy, in love and we are happy,” sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN