John Estrada on reported rift with Kris Aquino: “We’re okay. Hindi ko talaga alam iyan.”

Paganda nang paganda ang mga ginagampanang roles ni John Estrada sa mga projects niya. Ang driving force daw niya ay: “Alam mo, I’ve been telling myself na pag sineryoso ko lang ang isang bagay, ginawa ko ang best ko… Hindi ko iniisip yung gusto kong marating… na gusto kong maging leading man.”


Nagsimula si John Estrada sa showbiz sa pagganap ng supporting roles sa mga sitcom sa telebisyon at pelikula.

Pero nang mabigyan siya ng serious at dramatic roles ay doon na nagtuluy-tuloy ang pag-angat ng career niya.

Kalaunan, naabot na niya ang leading-man status katulad ng kaibigan niyang aktor na si Richard Gomez.

Sabi ni John, “Alam mo, I’ve been telling myself na pag sineryoso ko lang ang isang bagay, ginawa ko ang best ko…

“Hindi ko iniisip yung gusto kong marating… na gusto kong maging leading man.

“Basta ang alam ko lang ay may magandang ilalabas yung pag sineryoso at ginalingan ko ang trabaho ko.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si John sa grand presscon ng A Beautiful Affair, kahapon, Oktubre 28, sa 55 Events Place sa Scout Rallos, Quezon City.

Ano ang pakiramdam na nakita ng ABS-CBN ang kanyang potensiyal sa pag-arte?

Sagot ng aktor, “Of course, I am happy, I am grateful to them.

“But then again, I would probably say na more than doon sa nakita nila e proud ako sa sarili ko dahil ibig sabihin, may maganda akong ginagawa.”



WITH JOHN LLOYD AND BEA. Isa si John sa mga bida ng bagong primetime series ng ABS-CBN, ang A Beautiful Affair, na magsisimula ngayong gabi, October 29.

First time daw niyang makatrabaho ang box-office hit tandem nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo.

Sabi ni John, “Siyempre, honored talaga. It’s a new challenge for me.

“Noong binabasa ko nga yung script, you know, I’m excited at the same time pressured ka at natsa-challenge talaga ako.”

Ano ang na-discover at napatunayan niya sa pakikipagtrabaho sa dalawa?

Aniya, “Siyempre, you know, itong A Beautiful Affair… because tenth anniversary ng loveteam nila, from ABS-CBN side, parang minature [matured] nila yung team-up nila.

“Dito talaga, kung mapapansin ninyo, hindi na sila yung loveteam na pa-sweet.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Of course, galing sa The Mistress na sobrang box-office hit.

“So doon napatunayan nila na nag-mature din yung audience nila as a loveteam, e, di ba?

“So, dito sa A Beautiful Affair, it’s a love story among three people na medyo matured siya, na hindi na pa-tweetums.

“So, sana magustuhan siya ng mga tao.”



NEW ROLE. Ano ang bago sa kanyang role sa teleserye?

“Well, siyempre maganda siya… pero wala pa, hindi pa namin nasu-shoot yun.

“May twist dito sa role ko kasi mabait ako noong una…

“Pero noong nalaman ko na parang niloko ako nung minentor ko, who is John Lloyd, nag-iba talaga—yung outlook ko sa mundo, nag-iba talaga.

“Tapos nalaman ko na yung babaeng pinakamamahal ko ay nagkaroon ng affair sa minentor ko, e… nag-iba talaga yung ano [tingin] ko sa mundo.

“Yun, excited ako i-shoot iyon!”



LIFE WITH REAL WIFE. In real life, ine-enjoy naman ni John ang kanyang relasyon sa asawa niyang si Priscilla Meirelles at sa kanilang baby girl na si Anechka.

“My family is great—masaya kami talaga,” sambit niya.

Aware naman ang lahat na dumaan na rin si John sa ilang relasyon bago sila ikinasal ni Priscilla.

Bago nga ito ay nagkaroon pa siya ng apat na anak sa una niyang asawang si Janice de Belen.

Pero nauwi ito sa hiwalayan hanggang sa ma-approve ang annulment nila noong 2004.

Sa lahat ng nakarelasyon niya, kanino niya talaga naranasan ang “a beautiful affair?”

Tugon niya, “From my experience, lahat naman ng relasyon ko, beautiful.

“But it’s only beautiful till it lasts, di ba?

“But I would say, every day, you have to make it beautiful, you know…

“Like yung communication, respect, connection, love.

“So, now I am experiencing a beautiful affair with my wife, with my brand new kid.

“So, yun po. I would say itong kay Priscilla ang most beautiful affair that I have,” pagsisiguro niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano niya ilalarawan ang kanyang happiness with Priscilla?

“I can say it’s really beautiful.

“Mas masarap talaga yung may minamahal ka at may nagmamahal sa iyo, di ba?”

Dahil magiging abala si John sa taping ng A Beautiful Affair kaya baka sa isang taon na sila makapagbakasyong mag-anak.

“Ang plano talaga namin right after ng soap.

“Siguro ito nakaano [naka-schedule for airing] kami till May [2013].

“Pupunta kami ng Brazil at dadalhin namin yung anak namin.”

Dito lang daw sa Pilipinas sila magdiriwang ng Pasko.



ISSUE WITH KRIS. Sinamantala na rin ng PEP na linawin kay John ang isyung diumano’y may tampo raw si Kris Aquino sa kanya.

Nang mag-guest daw kasi sina John at Priscilla sa Kris TV kamakailan ay tila na-offend daw si Kris sa biro ni John na may kinalaman sa dating nakarelasyon ng TV host na si Joey Marquez.

Aware ba siya sa isyung ito?

“Hindi ko alam yun! Hindi ko alam.

“Ang alam ko, we’re okay… hindi ko alam yung isyu na iyan.”

Ayon pa kay John, magkaibigan daw sila ni Kris at nagkatrabaho na rin sila sa ilang proyekto kaya wala naman daw pikunang nangyayari sa biruan nila.

Ang totoo, maayos daw silang nagpaalam sa isa’t isa pagkatapos ng Kris TV guesting nila.

Sabi ni John, “Ganun lang naman talaga kami, e.

“We’re okay. Hindi ko talaga alam iyan.

“Dati pa naman yun, binibiro ko lang siya talaga. I don’t know kung [na-offend] si Kris … medyo shock ako.

“Ngayon ko lang nabalitaan iyan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN