Aga Muhlach answers disqualification case

On October 10, a registered voter from Camarines Sur filed a complaint at the Commission on Elections about the citizenship of actor Aga Muhlach, who is running for congressman in 2013 elections. Earlier today, October 29, Aga submitted his response to the said disqualification case. The actor insisted that he is a legitimate Filipino citizen.


Nagtungo ang aktor na si Aga Muhlach sa Commission on Elections (Comelec) kanina, October 29, para sagutin ang disqualification case na isinampa laban sa kanya.

Kasama ni Aga na dumating sa Comelec kanina ang kanyang asawa na si Charlene Gonzalez at abugado na si Romulo Macalintal.

Ayon sa ulat ni RG Cruz ng ABS-CBN News, na nailathala kaninang hapon, ang naturang kaso ay isinampa ng isang registered voter mula sa Camarines Sur na nagngangalang Gilmar Pacamara.

Ang kaso ay isinampa noong October 10 sa national office ng Comelec.

Ang actor-TV host ay tatakbo bilang kongresista sa ika-apat na distrito ng Camarines Sur sa 2013 elections.

Ayon sa abogado ni Aga, kinukuwestiyon ng reklamo ang Filipino citizenship ng aktor.

Pero iginiit ni Atty. Macalintal, natural-born Filipino citizen ang Pinoy Explorer host.

Bagamat itinuturing na isang Spaniard ang kanyang ama na si Cheng Muhlach, si Aga ay naturalized Filipino.

Ang ina naman ni Aga na si Anita Aquino ay natural-born Filipino.



CAMARINES SUR RESIDENT. Bago pa man ang kasong ito, may ilan na ring reklamo tungkol sa pagtakbo ni Aga sa ika-apat na distrito ng Camarines Sur.

Akusa ng ilan, hindi naman daw registered voter o residente ang aktor sa nasabing lugar.

Subalit sa nakaraang panayam kay Aga, nagpaliwanag siya tungkol sa isyung ito.

Aniya, “First, my family is really from Partido, taga-Goa kami. My lola is from there, my dad.

Parang lahat ng kamag-anak ko doon, nakilala ko na— yung mga Amador, Go, Borja, Romero, Abundabar, Calleja.

“I have a house there, matagal na.

“And as long as I don’t have to travel for Pinoy Explorer, doon na talaga kami ni Charlene and the kids sa San Jose.”

(CLICK HERE to read related article.)

Si Aga ay tatakbo sa ilalim ng Liberal Party, na kinabibilangan din ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN