Ms. Wilma Galvante proud of Artista Academy winners: “Magagaling sila, di ba?”

Mayroong matinding bilin si Ms. Wilma Galvante sa mga nanalo sa Artista Academy na sina Vin Abrenica at Sophie Albert: “Actually, when they won, that’s what I told them—gratitude. Be grateful for this opportunity. Be grateful to a network who gave you this opportunity.”


Itinanghal na Best Actor at Best Actress sina Vin Abrenica at Sophie Albert sa Artista Academy Awards Night noong Sabado, Oktubre 27, sa Smart Araneta Coliseum.

Isa sa masaya at proud sa pagkapanalo nila ay si Ms. Wilma Galvante, ang principal at head ng Asian Academy of Television Arts (AATA).

Sa AATA sumailalim sa matinding training at workshops ang Artista Academy Top 14 students.

Isa rin si Ma’am Wilma sa mga critic ng reality artista search ng TV5 kasama sina Direk Mac Alejandre, Gelli de Belen, at Lorna Tolentino.

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ma’am Wilma pagkatapos ng finals ng Artista Academy.

Kaagad naming tinanong kung ano ang feeling na maganda ang feedback ng mga tao sa awards night at bongga raw ito?

“Bongga naman talaga!” pagsang-ayon niya.

“Masaya ako kasi yun naman talaga ang gusto nating mangyari—na matuwa sila.

“Ako, lagi, in every show that we do, your goal is to delight your viewers and I would always want to achieve that.”



SATISFIED. Kuntento ba siya sa naging resulta ng Artista Academy?

“Oo naman. Yun ang naging result pagkatapos ma-compute [yung grades at text votes].

“After we graded, we turn in our grades para i-average.

“Tapos it was shown to all of us. Umoo naman lahat—yun ang choice,” saad niya.

Ang basehan ng grado sa anim na finalists ay: 40 percent accumulated average grade noong nakaraang tatlong linggo, 40 percent mula sa kanilang final performances, at 20 percent mula sa text votes.

Ayaw na raw pansinin ni Ma’am Wilma ang intriga na diumano’y paborito niya si Vin, kaya may mga nagsasabing sure-win na ang binata para sa Best Actor.

Esplika niya, “Kung nasubaybayan nila ang Artista Academy, wala na akong kailangang i-explain.

“Vin always did his best kaya lagi rin siyang nagta-top… ganun din si Sophie.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

GUIDANCE & TRAINING. Rebelasyon pa ni Ma’am Wilma, hindi raw natatapos sa awards night ang pagtutok niya sa AA Top 14.

Bilang head ng TV5 Asian Academy of Television Arts, tuloy pa rin ang training ng mga ito.

Aniya, “Tuloy pa rin sila sa school.

“Ang klase nila sa Asian Academy of Television Arts, hanggang end of November pa.

“Kasi nag-sembreak [semestral] lang sila ngayon. So, papasok pa sila.

“Mahaba pa yung kanilang klase—nasa advance acting na sila.

“Biro mo, humahataw na sa acting, tapos ia-advance acting mo pa.

“Pero magagaling sila, di ba?

“Makikita mo talaga na pag nag-talent search ka at sinuportahan mo ng totoong education… talagang kinoach mo…

"Buong oras nila kasi gusto nilang maging artista, mag-aral kayo.

“Tapos binigyan mo ng tamang mga workshop sa acting, singing, dancing.

“Importante sa lahat yung acting.

“Meron ding personality development.

“Tapos later on, may language proficiency para doon sa hindi mahusay mag-Tagalog, pati doon sa conversational English.

“So, tatapusin pa nila yung school nila. Kailangan bantayan ko pa sila.

“And then, yung what to do with them, like yung imaging—tuluy-tuloy pa iyan, e,” paalala niya.

May gagawing youth-oriented show ang Top 14 sa TV5, ang Forever Barkada. Pati ba ito ay tututukan niya?

Sabi ni Ma’am Wilma, “Malamang, lalo na yung anim [Final 6], tuluy-tuloy yun.

“Pero yung 14, nakita mo, artistahin talaga lahat, di ba?

“Ang ganda ng nahanap ng TV5.”

Bukod kina Vin at Sophie, naging parte ng Final 6 sina Akihiro Blanco, Chanel Morales, Mark Neumann, at Shaira Mae.

Bahagi naman ng “Tropang Kickout” sa Top 14 sina Benjo Leoncio, Brent Manzano, Chris Leonardo, Jon Orlando, Julia Quisumbing, Malak So Shdifat, Marvelous Alejo, Nicole Estrada, at Stephanie Rowe.


ADVICE FOR VIN & SOPHIE. Ngayong naitanghal na ang Best Actor at Best Actress, may payo ba si Ma’am Wilma para kina Vin at Sophie?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad niya, “Paghusayan pa nilang mabuti, yung professionalism.

“Mag-aaral pa iyan, hindi pa tapos, marami pa silang dapat matutunan. So, magpasalamat sila.

“Actually, when they won, that’s what I told them—gratitude.

“Be grateful for this opportunity.

“Be grateful to a network who gave you this opportunity.

“Tapos ngayon, sila pa yung winner.

“Dapat doble-doble yung kanilang gratitude at suklian nila yun.”

Ang susunod namang paghahandaan ni Ma’am Wilma ay ang Artista Academy Tweens sa summer ng susunod na taon.

Mga tween stars naman ang hahanapin nila na may edad 12 to 15.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN