Glaiza de Castro clueless that "Barcelona" song of Angelica Panganiban is for John Lloyd Cruz

Nang lapatan ni Glaiza de Castro (kaliwa) ng musika ang nilikhang kanta ng kaibigang si Angelica Panganiban, hindi raw niya alam noong simula na isinulat ito ng Kapamilya actress para sa kasintahang si John Lloyd Cruz (inset). Kuwento ni Glaiza, “Hindi ko siya tinanong, e. Parang na-discover ko lang na, ‘A, okay.’ Dun ko na lang na-realize.”


Matagal na palang magkaibigan ang Kapuso actress na si Glaiza de Castro at ang Kapamilya actress na si Angelica Panganiban.

Ayon kay Glaiza, ang bonding nila ay ang gumawa ng mga awitin.

Noong magkasama pa sila sa ABS-CBN, naging close ang dalawa dahil pareho ang hilig nilang magsulat at gumawa ng mga awitin.

Kahit matagal na silang hindi magkasama sa isang network, pagkatapos lumipat ni Glaiza sa GMA-7 noong 2006, tuloy pa rin ang komunikasyon nila at nagkikita sila paminsan-minsan.

Sabi ni Glaiza sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Hindi ganun kadalas, pero ang mga important na date, nandun siya.

“Tapos minsan, nagtatawag lang siya, get-together.

“Nandiyan pa rin naman, e. Hindi nawala yung friendship.”

Ayon sa Kapuso actress, magaling magsulat ng kanta si Angelica at madalas ay gumagawa ito ng mga awitin.

“Dati pa mahilig na talaga siya magsulat o mag-compose. Hindi lang talaga aware ang iba na seryoso siyang tao, at saka ganun siya kalalim.”

Nalaman lamang ng publiko ang tungkol sa pagku-compose ni Angelica nang lumabas ang awiting “Barcelona.”

Si Angelica ang lumikha ng lyrics at si Glaiza naman ang naglapat ng musika.

Kuwento ni Glaiza, “Ginawa naming ‘Barcelona’ ang title, kasi sa Barcelona [Spain] siya isinulat. Pero kung marinig mo, parang ‘Bakit Barcelona?’”


SONG FOR JOHN LLOYD. Wala raw kamalay-malay si Glaiza na para pala kay John Lloyd Cruz ang awiting isinulat ni Angelica.

“Hindi ko siya tinanong, e. Parang na-discover ko lang na, ‘A, okay.’ Dun ko na lang na-realize,” napapangiting pahayag ni Glaiza.

Base raw sa mga titik na isinulat ni Angelica, nakikita raw ni Glaiza na sobrang inspired ang kaibigan sa awiting iyon.

“Natuwa ako sa lyrics, e, sobrang ganda, sobrang pure ng emotions, sobrang totoo.”

Ilan sa mga nagustuhan daw niyang linya sa kanta ay:

Bumuo tayo ng samahang totoo at nararapat

Ikaw at ako, kasama silang walang panghuhusga

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ikaw at ako, samahang walang maling akala

Walang tama sa mundong sinungaling.

“Di ba ang ganda?” pakli ni Glaiza.

Bagay na bagay raw kay John Lloyd ang mga linya ng kanta—kung para nga sa aktor ang awiting iyon.



GLAIZA KNOWS. Since close nga sila ni Angelica, alam naman daw ni Glaiza ang tungkol sa Kapamilya actress at kay John Lloyd.

Pero hindi raw niya alam na para nga sa aktor ang awiting iyon, at ayaw naman daw niyang siya pa ang magkuwento ng relasyon ng dalawa.

Ani Glaiza, “Oo, alam ko, pero siyempre, hindi yung buong detalye.

“Ayoko namang magsimula sa akin, na sa akin manggaling.”

Mabilis nga raw nalapatan ng musika ni Glaiza ang “Barcelona” dahil na-inspire rin daw siya sa awiting isinulat ni Angelica.

“Basta sinasabi ko lang sa kanya, ‘Kapag wala kang ginagawa, kapag may gusto ka lang ilabas sa loob mo, isulat mo lang. Sulat ka lang nang sulat.’

“Kumbaga, napapadalas ang pagsulat niya, kasi ang dami niyang emotions… yung ganun.”

Kaya lagi lang daw niyang sinasabihan si Angelica na ipadala lang sa kanya ang mga nasulat niya para malagyan niya ito ng melody.

“Marami pa siyang nagawa.

“Yung ibang lyrics, hindi ko pa nagagawan ng melody, nakatengga.

“Kapag nag-send ako sa kanya, may pinanggagalingan din akong inspiration.

“Ayoko namang pilitin na basta mabuo lang o matapos lang, gusto ko spontaneous,” saad ni Glaiza.

Kaya nagulat din daw si Angelica na maganda ang kinalabasan ng ginawa nilang kantang “Barcelona.”

“Nagulat siya na hindi rin niya na-expect na nagawan ko ng music, ng melody. Tapos ni-record namin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN