Lovi Poe clarifies sighting with ex-boyfriend Ronald Singson

Sa sunud-sunod na horror films na ginawa ni Lovi Poe, manaka-nakang mabansagan na siyang “Queen Of Horror Movies.” Pero nagkataon lang daw ito. Paliwanag niya: “Of course, my heart ay nandoon pa rin sa drama. And I’m happy that with Yesterday’s Bride, I’m finally doing it again. I’m having a hard time kapag horror ang ginagawa ko.”


Tungkol sa nalalapit na Undas ang unang tanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Lovi Poe nang makausap namin sa backstage ng Party Pilipinas noong Linggo, October 28.

Kagaya ng nakaugalian na mga Pinoy, bibisita rin si Lovi sa puntod ng yumaong amang si Fernando Poe Jr. sa Manila North Cemetery.

“Tapos I’ll probably stay at home lang para makapagpahinga rin kahit papa’no,” sabi ng Kapuso actress.

Hindi ba siya pinagkakaguluhan kapag dumadalaw sa libing ni Da King?

“During the times na bumibisita ako, people naman are very nice. At saka yung mga nagbabantay doon, sobrang bait nila.”

INSPIRED. Sa panayam, napuna ng PEP na sobrang blooming siya ngayon. Nangiti si Lovi nang mausisa kung bakit.

Sabi niya, “Wala lang. Inspired ako dahil nga may Yesterday’s Bride ako, parang sobrang naeengganyo akong magtrabaho.

“Kasi masaya sa set tapos maganda yung project at yung story nito.

“Kaya nakaka-inspire talaga.”



HOT SCENES. Si Rocco Nacino ang leading man ni Lovi sa pinagbibidahang afternoon series na Yesterday’s Bride, na nagsimula nang umere kahapon, Lunes, October 29, sa GMA-7.

“Second time ko na siyang makatrabaho. First ay yung sa Love Bug,” banggit ng aktres tungkol sa kapareha.

Ang Love Bug ay ang romantic-comedy series na ginawa nila noon sa Kapuso network din.

Patuloy niya, “It’s good working with him.

“The thing about Rocco kasi is napag-uusapan namin kung ano yung mga gagawin naming eksena.

“And we tried to break the ice noong first taping day pa lang. Kasi marami na kaming intimate scenes.

“So we had to be comfortable with each other.”

Sa ginawa nilang nilang kissing scenes, mainit na at talagang passionate daw ang dating.

“Oo, yun!” nakangiting pagsang-ayon ni Lovi.

“We did that sa scene. And then after that, we broke the ice,” natawa pa niyang sabi.



HORROR MOVIES. Ang pelikulang Tiktik: The Aswang Chronicles, kung saan leading lady si Lovi ni Dingdong Dantes, ay patuloy pa rin ang pagratsada sa takilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ng aktres tungkol dito, “We’re really, really thankful na maraming sumuporta sa movie.

“At sana tuluy-tuloy iyon. It’s nice and I’m so happy nga to be part of it.”

Bago ang Tiktik, naunang ginawa ni Lovi ang horror movies na Aswang at nasundan ng Guni-Guni.

Ngayon naman ay kasali rin siya sa Shake Rattle & Roll 14, na isa sa entries sa 2012 Metro Manila Film Festival.

Sa mga sunud-sunod na nagawa niyang horror movies, nababansagan na tuloy siya bilang “Queen of Horror Movies.”

Okey lang ba sa kanya na makabitan ng ganoong titulo?

Tugon ni Lovi, “Okey lang. Totoo naman na ang dami kong ginawang horror films lately.

“But then, in the future, I’ll be doing a lot of other projects.

“Of course, my heart ay nandoon pa rin sa drama.

“And I’m happy that with Yesterday’s Bride, I’m finally doing it again.

“I’m having a hard time kapag horror ang ginagawa ko.

“Kasi kumbaga, gagamitin mo yung imagination mo.

“Sa drama, more of experience yung ginagamit mo.”

Dahil anak siya ng yumaong Action King na si FPJ, hindi maiwasang itanong kay Lovi kung may balak siyang sundan ang yapak ng ama sa paggawa ng action films.

Sagot niya, “Hopefully, kapag mabigyan ng pagkakataon, gusto ko rin talagang gumawa ng action movie or anything na may action.”



MMFF SEASON. Dalawang pelikula ang entries ni Lovi sa MMFF this year—Shake Rattle & Roll 14 at Thy Womb.

Sa Thy Womb ay kasama ni Lovi ang Superstar na si Nora Aunor.

Pero hindi umaasa ang young actress na manalo ng acting award sa pelikulang pinagsamahan nila ng Superstar.

Sabi niya, “Simple lang ang character ko, so I’m not thinking of anything like that.

“I’m just happy na nakasama ko si Ms. Nora Aunor.

“It’s just like one of my dreams—and nangyari—so I’m just so happy.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa MMFF Parade of Stars, saang float siya asakay—sa Thy Womb o Shake Rattle & Roll 14?

“Let’s see!” natawang sagot ni Lovi. “I still don’t know.”



INTERNATIONAL FILM FESTIVAL. Ang pelikula ni Lovi na Aswang ay balitang napiling entry para sa isang film festival sa New York.

Ano ang reaksiyon niya rito?

“Yes, I heard. Sa New York nga raw yung Aswang.

“I’m so happy kay Direk Jerrold [Tarog, director ng Aswang]. Isa siya sa mga paborito kong katrabaho.

“Kahit once pa lang kami, I want to work with him again.

“Masaya ako... hindi ko pa lang natatanong kung anong film festival iyon sa New York.”

Nauna ang Thy Womb, tapos ay ang Aswang bilang entry sa international film festivals, hindi kaya ang kasunod nito ay maging international actress na rin siya?

“I wish!” sabay tawa ulit ni Lovi.

May plano ba siya to pursue a Hollywood or international acting career?

“Wow! I think everybody has that plan or has that dream. Pero... I don’t know.

“But for me, I’m happy naman here.

“Of course, pag nabigyan naman ng pagkakataon, why not?

“Pero sa ngayon, masaya naman ako."



OLD FLAME. Lately, nauugnay na naman ang pangalan ni Lovi sa ex-boyfriend niyang si Ronald Singson.

May mga nakakita kasi kamakailan na magkasama sila sa opening ng isang bagong branch ng mga bar na pag-aari nito.

Paliwanag naman ni Lovi, she was just there to support Ronald dahil magkaibigan daw ang turingan nila sa ngayon.

Paglilinaw niya, “Sa Makati yung in-open na bar, hindi sa Tagaytay na sabi sa news.

“And… it’s not only his [Ronald’s] kasi kasosyo niya ang ibang friends din.”

Gugustuhin ba niya na lumabas ulit sila ni Ronald kapag ganoong agad-agad ay nababalita na magkasama sila?

Paliwanag ni Lovi, “I haven’t been going out with him naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s just that… nagkakataon we’re in the same place—ganun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN