Dennis Trillo on intimate scenes with Marian Rivera and Glaiza de Castro in Temptation of Wife: “Maayos namang naitawid lahat na hindi malaswa yung dating.”

Bukod sa sexy scenes sa Temptation of Wife, mayroon ding confrontation scenes na kinabibilangan naman ng mga bidang babae. Kuwento ni Dennis: “Marami silang mga sampalan. Actually yung first sequence noong pilot episode, may sampalan na kaagad—matindi!”


Halloween na naman kaya karaniwan na sa interviews ng media sa celebrities na tanungin kung meron na silang ghost experiences.

Isa si Dennis Trillo sa natanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol dito.

Aniya, “Wala pa akong nakikita talaga.

“Pero minsan, parang nararamdaman ko siya.

“Kapag pumunta ako sa isang lugar, mabilis akong pangilabutan, e. Hindi ko alam kung bakit ganoon.

“Pero so far, wala pa akong nakikita na visual talaga.”

Nakausap ng PEP si Dennis sa backstage ng Party Pilipinas noong Linggo, October 28.



SCARY INCIDENT. May isang insidenteng raw na hindi malilimutan ni Dennis na sobrang tumaas daw ang balahibo niya sa takot.

Kuwento niya, “Meron kaming ginawang pelikula dati ni Judy Ann [Santos], yung Kulam.

“Nag-shooting kami sa isang sanctuarium [columbarium] ba yun... kung saan inililibing ang mga na-cremate?

“Yung eksenang ginawa namin sa hallway, noong pini-preview namin, nakita naming parang may kamay na dumaan.

“Tapos, biglang namamatay ang ilaw doon sa lugar na yun.

“Ewan ko… for some reason that day, parang ayaw kaming pag-shooting-in doon.

“Siguro dahil naiistorbo namin ang mga kaluluwa.”

TEMPTATION OF WIFE. Sa November 2, magre-resume na sila ng taping para sa GMA-7 primetime series na Temptation of Wife.

Kasama ni Dennis dito sina Marian Rivera, Glaiza de Castro, at Rafael Rosell.

Kagabi, October 29, nagsimulang umere ang Pinoy remake ng Korean drama series na ito.

Natutuwa naman daw sila sa magandang feedback ng viewers sa kanilang programa.

Ani Dennis, “Masaya naman yung taping namin.

“Maganda yung kuwento noong soap—interesting din ang lahat ng characters.

“Aabangan mo talaga yung kuwento ng lahat ng characters.

“Minsan kasi, yung ibang characters, parang hindi naman kailangan talaga sa story ng isang series.

“Pero ito talaga… aabangan mo ang bawat ng kuwento ng characters kasi maraming nangyayari sa mga buhay-buhay nila.”



KOREAN TELESERYE. May pressure ba dahil remake ng isang sikat na Korean drama series ang ginagawa nila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tugon ni Dennis, “Laging may pressure, e. Mas maganda yung napi-pressure ka paminsan-minsan.

“Definitely, may pressure dito dahil sobrang laki ng fanbase noong original na series.

“So, gusto namin, ginagawa naming lahat para mapantayan.

“Siyempre, hindi namin ginaya exactly kung ano yung original.

“Although faithful kami sa plot, pero in-update namin yung ibang mga eksena.

“Ipinalabas kasi yung original na series nito, 2008, e.

“So in-update lang yung ibang mga eksena para umakma sa panahong ito.”

Totoo bang may mga pagkakataon na nagkakasakitan talaga sina Marian at Glaiza sa confrontation scenes nila?

“Marami silang mga sampalan,” sabi ni Dennis.

“Actually yung first sequence noong pilot episode, may sampalan na kaagad—matindi!

“Pero ang maganda dito sa Temptation of Wife, hindi siya isang diretsong story, e.

“Maraming mga flashback sa ibang mga part ng story.”



HOT SCENES. Sa trailer pa lang at plug na umere bago magsimula ang airing ng Temptation fo Wife, matindi ang intimate at kissing scenes ni Dennis kina Marian at Glaiza.

Ano ang feeling? Hindi ba siya natangay habang kinukunan ang mga maiinit na tagpo nila?

“Ano naman… hindi naman siya masyadong mahirap ginawa.

“Kasi, first of all, yung bentahe ng show, hindi naman sexy na show, e.

“Ang bentahe talaga nito ay yung kagandahan ng istorya niya.

“At saka kung paano nakaka-relate ang mga tao sa kuwento ng bawat isa sa characters dito.

“So, noong ginagawa namin yun, siniguro ng direktor namin na… artistically done lahat dahil, yun na nga, hindi naman erotic show yung ginawa namin.

“Kumbaga, ganoon lang… meron siyang affair-affair.

“Pero yung mga intimate scenes, maayos namang naitawid lahat na hindi malaswa yung dating.”

Hindi ba nagselos ang girlfriend niyang si Bianca King sa mga eksenang ginawa niya?

“Hindi naman. Although maraming mga ganoong eksena sa kuwento, si Bianca naman, ano siya, e… professional siya. Sanay na siya sa ganyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam niyang trabaho lang ito at hindi kailangang gawing isang problema.”

EXTRA CHALLENGE. Katatapos lang umere ng pilot episode ng Extra Challenge, kung saan isa si Dennis sa naging celebrity challengers.

Isang masayang experience daw ito para sa kanya at sa iba pang artistang nakasama niya rito—sina Alessandra de Rossi, Kylie Padilla, at Rafael Rosell.

Lahad ni Dennis, “Masaya... masuwerte nga na kami ang napili ulit para maging challengers sa comeback sa ere ng Extra Challenge.

“Bawat isa sa amin, talagang nag-enjoy.

“Kasi ano, e… parang lahat kami, first time na na-try yung mga challenges na ipinagawa sa amin.

“Talagang sinubukan na ma-overcome namin yung aming fears at saka kung kaya naming kumilos at maging alisto under pressure.”



MOST DIFFICULT. Anong challenge ang naging pinakamahirap para sa kanya na muntik na niyang hindi kinaya?

Sabi ni Dennis, “Yung pinakahuli. Dahil para siyang isang mahabang obstacle course na… uphill.

“Kailangan mong umahon na may mga kailangan ka pang gawin in between bago mo maabot yung peak.”

Kahit medyo delikado at talagang mahirap ang mga challenges na ipinagagawa, papayagan ba niya si Bianca na maging challenger din sa mga susunod na episodes ng show?

“Oo naman. Actually, gusto nga niyang sumali.

“Sana nga makasali siya para masaya din for her.

“At saka kahit hindi biro ang mga ginagawa namin, talagang safe naman sa Extra Challenge.

“Talagang bago sila magpagawa ng isang bagay, sinusubukan muna nila ilang beses para malaman na talagang safe.”



EXERCISE. Kapansin-pansin na lumaki ang katawan ni Dennis ngayon. Namumutok ang muscles niya sa magkabilang bisig at matipuno na ang porma ng kanyang dibdib.

Nagwo-workout ba siya nang husto?

“Hindi naman. Exercise lang araw-araw. Kumakain nang tama.

“Kailangan din yung ganito sa trabaho ko bilang artista.

“Pero mas maganda lang yung healthy ka, at least okey yung katawan mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos yung health mo, hindi mo napapabayaan, di ba?” sabi ni Dennis.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN