Erich Gonzales on Thai heartthrob Mario Maurer: “Hindi naman namin kailangang i-link, we all know yung status namin.”

Puring-puri ni Erich Gonzales ang kapareha niyang Thai heartthrob na si Mario Maurer dahil sa professionalism nito. Sabi ng Kapamilya actress, “Napaka-professional niya pagdating sa trabaho. Darating siya na focused, alam niya ang lines niya, kaya yun, masaya po talaga siyang kasama.”


Dahil sa pelikulang Suddenly It’s Magic ng Star Cinema, naging malapit sa isa’t isa ang Filipino young actress na si Erich Gonzales at ang Thai superstar na si Mario Maurer.

Sa press conference ng pelikula sa Dolphy Theater ng ABS-CBN kahapon, October 29, naitanong kay Erich kung ano ang nararamdaman niya na posibleng hindi na sila magkikita o magiging madalang na ang komunikasyon nila ni Mario.

Pagkatapos kasi ng premiere ng pelikula nila ngayong gabi, October 30, ay babalik na sa Thailand si Mario.

Sabi ni Erich, “Kahit po tapos na ang shooting namin, meron pa rin kaming communication.

“Naging good friends talaga kami habang ginagawa ang movie at, yun nga, kahit tapos na ang movie, yung friendship na nabuo namin will always be there po.”

Paano ba sila nagko-communicate ni Mario lately?

“Marami po. Merong Instagram, Voxer, Viber, message… ganyan.”



REUNION. Naimbitahan na ba siya ni Mario na magpunta ng Thailand na hindi work-related?

Balita ni Erich, “I’m going there next month.

“At sabi po niya, siya, sila, yung team niya... gagawa sila ng day na free silang lahat para ma-meet nila ako doon.”

Naniniwala si Erich na hindi raw magtatapos ang friendship at communication nila ni Mario sa pagtatapos ng Suddenly It’s Magic.

Aniya, “Opo, opo... naging good friends po talaga, hindi lang siya, pati ang team niya po."

VERY GOOD FRIENDS. Dahil sila ang magkapareha sa Suddenly It’s Magic, sina Erich at Mario ang madalas na magkasama at magkaeksena sa pelikula.

Naging daan ito upang kahit papaano ay magkaroon ng malalim na pagkakaibigan ang Filipino actress at Thai heartthrob.

Paglalarawan pa ni Erich kay Mario, “Like I always said po, mabait po talaga siya. Walang hangin sa katawan.

“Napaka-nice niya. Sobrang bait talaga and very down-to-earth.

“Napaka-professional niya pagdating sa trabaho.

“Darating siya na focused, alam niya ang lines niya kaya yun, masaya po talaga siyang kasama.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NO NEED FOR LOVE ANGLE. May Thai girlfriend na raw si Mario, pero naniniwala si Erich na hindi nila kailangang ma-link para lang ibenta ang pelikula.

Nakangiting sabi ng Kapamilya actress, “Hindi naman namin kailangang i-link, we all know yung status namin.

“At importante para sa amin, yung sincerity sa audience na hindi naman namin kailangang magpa-gimik o mag-pretend… na nagkaka-inlaban kami or may something sa amin.

“Ang importante po, maganda po ang working relationship namin at nagawa po namin nang maayos ang pelikula.”

Dugtong pa niya, “At ang mga viewers natin, open-minded na sila.

“Maganda po ang story at maganda po ang pelikulang panonoorin nila, panonoorin po nila.”

Sa press conference, sinabi ni Mario na may “magic” siyang naramdaman kay Erich.

Sa parte ni Erich, may naramdaman din ba siyang magic?

“Of course,” mabilis na sagot ni Erich.

“Mario is super nice po talaga and sobrang gaan kasama at napakasarap lang niyang maging kaibigan.”

PRESSURE. Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Erich kung may pressure dahil sa malaking tiwala sa kanya ng Star Cinema at nai-cast siya bilang leading lady ni Mario sa Suddenly It’s Magic.

Saad niya, “First of all, thankful po ako sa Star Cinema dahil binigyan nila ako ng ganitong pagkakataon para gumawa ng napakalaking pelikula… project po.

“At sa lahat naman ng project ko, kahit hindi ito, ipinapasa-Diyos ko na po talaga yun.

“I leave it all up to God. Kung ano po gusto Niya, Siya na po ang bahala.

“And like what Tito Dinky [Doo] said, very important po talaga ang prayer. So, we’ll see.”

NEW TELESERYE. Pagkatapos ng Suddenly It’s Magic, ibinalita ni Erich na sisimula na niya ang kanyang bagong teleserye sa Kapamilya network.

Pero hindi pa siya makapagbigay ng detalye tungkol dito.

“Siyempre, habang wala pa, maraming changes ‘yan, so, hindi natin malalaman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But definitely for next year, may bagong soap.”

Hindi pa rin masabi ni Erich kung sino ang magiging kapareha niya sa kanyang bagong soap.

“Yun po, hindi pa po yata puwedeng sabihin. Pero, bago naman po this time."

EX-LOVETEAM? Ang dating ka-loveteam ni Erich ay si Enchong Dee, na kapareha ngayon ni Maja Salvador sa Ina Kapatid Anak. Tapos na ba ang loveteam nila?

Tugon ni Erich, “Siguro for now po... para mag-grow kami bilang artista.

“Kasi, lahat tayo, di ba, dumadaan tayo sa phase na magka-loveteam?

“Pero, hindi naman yun forever.

“Para matuto ka rin at maging open ka, ma-partner ka rin sa iba. Maybe next time.”

Kung siya ang masusunod, gusto ba niyang mabalik na muli ang loveteam nila o ibang leading man muna?

“Siyempre, working with Enchong, sanay na kami sa isa’t isa.

“Bakit naman hindi? Ang tagal na naming magkasama,” sabi ng young actress.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN