Artista Academy winner Vin Abrenica denies using his parents’ marital problem to gain sympathy votes

Matunog ang isyu na ginamit daw ni Vin Abrenica ang paghihiwalay ng kanyang mga magulang para humatak ng boto at manalo sa artista search ng TV5 na Artista Academy. Pero mariin itong itinanggi ng Vin. Aniya, “Bakit ko naman po sisiraan ang family ko, gagawa ng kuwento para lang ma-expose ako? Hindi ko po gagawin yun sa family ko, mahal na mahal ko po sila.”


Pagkatapos ng awards night ng Artista Academy noong Sabado ng gabi, October 27, nagkaroon agad ng kuwestiyon sa pagkapanalo ni Vin Abrenica bilang Best Actor.

Marami pang anggulo ng intriga ang ikinabit sa pagkapanalo ni Vin at isa-isa niya itong sinagot sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanya pagkatapos ng awards night, noong Linggo ng madaling-araw, October 28, sa dressing room ng Smart Araneta Coliseum.

Una naming itinanong kay Vin kung ano ang masasabi niya na nahila raw siya ng loveteam nila ni Sophie Albert kaya siya ang nanalo.

Si Sophie ang itinanghal na Best Actress noong gabing iyon.

Tugon ni Vin, “Para po sa akin, kung ganun po ang iniisip nila, then hindi ko naman po mapi-please lahat.

“Ginawa ko na po yung best ko para sa award at hindi naman po ako ang nag-decide nito para sa akin."

Ano naman ang reaksiyon niya sa intrigang mas pinili raw ng mga judges na siya ang manalo para magtuluy-tuloy ang loveteam nila ni Sophie?

“Ang mga judges po ang nag-decide para po sa amin. Masaya po ako,” sagot ng kapatid ni Aljur Abrenica.

Malaking factor din daw ang pagpasok ng special award ng Close-Up para manalo si Vin.

Kung si Akihiro Blanco raw kasi ang mananalo, hindi ito puwedeng maging ambassador ng toothpaste brand dahil sungki-sungki ang ngipin nito.

Natawa muna si Vin at sandaling hindi nakapagsalita agad.

Nang mahimasmasan ay saka siya sumagot: “Nagulat po ako, actually. Magiging ambassador po pala ako ng Close-Up… yung winner. Hindi po namin ini-expect.”



FAVORITISM. Isa ring naituturong rason ng kanyang pagkapanalo ay ang impluwensiya diumano ng isa sa mga critic ng Artista Academy na si Ms. Wilma Galvante.

Naging very vocal daw kasi si Ms. Wilma, during the competition, na paborito niya si Vin among the scholars.

Kabilang din sa judging panel sina Direk Mac Alejandre, Gelli de Belen, at Lorna Tolentino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag ni Vin tungkol sa isyung ito, “Yung favoritism po… opo, sinabi naman po ni Ms. Wilma Galvante from the start.

“Yung sinasabi niya pong ako yung bet among the Top 16?

“Sinabi po niya yun, oo. Pero as of that day lang po.

“Para po sa akin, wala naman po akong naramdamang favoritism kasi kami pong lahat, na-experience naming mag-top."

Marami ang nagsasabing mas deserving si Akihiro na manalo dahil napakahusay raw nito sa acting at tumodo rin siya sa kanyang production number.

Hindi rin naman nagpahuli si Mark Neumann na pang-heartthrob ang dating.

Sabi ni Vin, “Nakapag-top si Aki, nakapag-top si Mark. At ako po, last week, nakapag-top.

“So, hindi ko po na-feel yung favoritism. It’s a fair competition po.”

HIS PARENTS’ MARITAL PROBLEM. Sabi-sabi namang ginawang gimik ni Vin ang paghihiwalay ng mga magulang niya para mapag-usapan siya at maka-angkat ng boto mula sa mga texters.

At nang malapit nang matapos ang contest, bigla niya itong binawi at nilinaw na hindi naman talaga hiwalay ang kanyang mga magulang.

(CLICK HERE to read related story.)

Pagtataka ni Vin, “Bakit ko naman po sisiraan ang family ko, gagawa ng kuwento para lang ma-expose ako?

“Hindi ko po gagawin yun sa family ko, mahal na mahal ko po sila.

“Ako po, bilang nanalo ako, para po sa akin, hindi ko naman po hawak ang desisyon ng mga magulang ko.

“Eto po, ha... honestly po, sasabihin ko po sa inyo—nagsasama na po sila at masayang-masaya po ako dun.

“Lumalabas na po kaming lahat na masaya. Hindi naman po sila yung… pero nagtatrabaho pa rin.

“Gano’n naman po talaga kahit nung bata ako, si Daddy po umuuwi po siya talaga sa Batangas.

“Kasi yung business namin, nasa Batangas.”

Paglilinaw pa ni Vin, “Hindi po talaga sila naghiwalay, wala pong papers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“They settled lang na si Daddy mag-stay sa Batangas.

“Honestly po, hindi ko po kayang siraan ang parents ko—siraan na naghiwalay sila para lang makahanap ako ng votes.

“Para po sa akin, hindi ko po kayang gawin yun sa family ko.

“Kasi po, kung gagawin ko yun, ako po mismo ang masasaktan.

“Dahil kung hindi po totoo, bakit ko gagawin?

“At kung totoo na ginagawa ko, e, di sana, nakahanap na sila ng butas or sana nagsalita na ang nanay ko na, ’Hindi totoo ang sinasabi niya.’

“Ganun… totoo po lahat ng sinasabi ko.”

Kailan nagsimula yung nagsasama na muli ang mga magulang niya?

“Ahmm, matagal na po. Simula po nung lumabas po… yung malaman po nila yung side ko…

“Nalaman nila na nalulungkot [ako], na hindi sila magkasama kahit magkasama sila sa Artista Academy.

“Simula pa noon, nagsasama na sila.

"Siguro po, narinig nila yung side naming mga anak nila, kami at si Kuya [Aljur] ko.”



FAMILY BONDING. Kinumpirma rin ni Vin ang ibinalita ni Sophie na magkakaroon ng bonding ang kani-kanilang pamilya sa isang bakasyon sa Batangas.

“Ay, yes po,” mabilis na sabi ni Vin.

Papunta na ba ito sa more than a loveteam sa pagitan nila ni Sophie?

“More than loveteam po? Ay, hindi po. Kaka-start ko pa lang sa showbiz.

“Wala po akong balak na magka-girlfriend—wala pa po ako balak.”

Hindi pa ba siya nagkakaroon ng girlfriends?

“Nagkaroon na po ako ng mga girlfriends, pero wala pa po akong balak na magka-girlfriend kasi kakapanalo ko pa lang.

“Kumbaga, ngayon pa lang ako wini-welcome ng showbiz industry.”

Matatandaang sinabi ni Vin na "girlfriend-material" si Sophie, at si Sophie naman ay sinabing "boyfriend-material si Vin.

“We’re best friends po talaga. From the start, mag-best friends kami,” paglilinaw niyang sabi.

Paano niya ide-describe yung closeness ng mommy niya at ng mommy ni Sophie?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ahmm… nag-uusap po sila. Tumatawag po sila sa isa’t isa.

“Tapos, when it comes to voting, nag-uusap sila tungkol dun.”

Meron bang nararamdamang kahit kaunting crush si Vin kay Sophie?

“Opo, from the start, crush ko talaga si Sophie," pag-amin ng binata.

Ibig sabihin, hindi imposibleng tumaas yung level ng friendship nilang dalawa sa pagiging magkasintahan?

Sagot ni Vin, “Para po sa akin, kung darating… ako po kasi, crush ko po siya talaga, tapos naging best friend ko pa.

“I’m so lucky na naging ka-loveteam ko pa siya.

“Pero kung tataas pa dun sa level na… kung darating po dun, e, hindi ko naman po mako-control yung feelings ko, e.

“Pero promise ko po, magko-concentrate ako sa career ko.

“Kung darating po dun, e, di darating po—it’s not impossible,” saad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN