Joross Gamboa talks about how he became close to Thai superstar Mario Maurer while shooting Suddenly It’s Magic

Naging malapit na magkaibigan si Joross Gamboa at ang Thai actor na si Mario Maurer habang ginagawa nila ang pelikulang Suddenly It’s Magic. Kuwento ni Joross, “Ang tawagan namin ‘bro’ dahil kahit saan kami magkasama, parang magkapatid, magbarkada. And enjoy kami lagi.”


Proud si Joross Gamboa na isa siya sa mga bumangka para mawala ang pagkailang ng mga Pinoy actors sa Thai actors, o vice versa, habang ginagawa nila ang Suddenly It’s Magic.

Bida sa pelikulang ito ng Star Cinema ang Filipino young actress na si Erich Gonzales at ang Asian future superstar at Thai heartthrob na si Mario Maurer.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Joross sa presscon ng pelikula noong Lunes ng gabi, October 29, sa Dolphy Theater.

Kuwento niya, “Actually, ang style na ginawa namin, hindi naman siya [Mario] trinato na... as in parang superstar na high-and-mighty.

“Kasi parang mas maiilang siya, e.

"Ang gusto niya kasi itrato namin siya as kaibigan.

“So, doon siya naging kumportable sa amin.

“Hindi kami yung gumagawa ng wall sa kanya or yung way na para mailang siya.

“Trinato namin siyang natural para madali rin namin siyang ma-approach at i-approach din kami.

“In a way, parang we helped each other.”



BREAKING THE ICE. Paano niya binasag ang pagkailang nila sa isa’t isa?

“Actually… kuwentuhan lang.

“At saka yung pagiging makapal yung mukha ko—makapal yung mukha naming lahat—yung pagiging masayahin sa set.

“And everything follows sa grupo rin nina Mario—sobrang makukulit din sila.”

Hindi ba naging problema yung language barrier?

“Ay, no, no... Hindi naman naging problema kasi ang pinakamagandang lengguwahe yung ano, e… yung pang-physical na ano.

“Halimbawa, yung manager ni Mario, hindi rin naman siya nag-i-English.

“Pero kung paano namin ikuwento yung mga ano… with hand gestures and todo-smile… talagang magkakaintindihan pa rin kayo, e.”



MARIO’S LIFE. Ano ang mga kuwento ni Mario sa kanila tungkol sa buhay niya sa Thailand?

“Marami… gaya ng ikinukuwento niya na makukulit din daw yung mga kasama niya sa Thailand.

“Mahilig daw siya sa mga nakakatawa, mahilig siya sa magaling kumanta…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tuwang-tuwa rin siya kay Cacai.

“Sobrang masaya raw yung grupo namin kaya masaya rin daw siya sa amin.”

Si Cacai ang komedyanang kasama rin nila sa pelikula.



LIKE BROTHER. Sinabi ni Mario sa mismong presscon ng Suddenly It’s Magic na si Joross ang “bro” niya.

Bakit nasabi ni Mario na “bro” niya si Joross?

Sagot ng Filipino actor, “Kasi mag-bro talaga kami.

“Ang tawagan namin ‘bro’ dahil kahit saan kami magkasama, parang magkapatid, magbarkada.

“And enjoy kami lagi.”



PARTING TIME. Paano maide-describe ni Joross yung last day ng shooting with Mario? Naging emotional ba ang lahat?

“Actually, hindi namin siya trinato na last day na niya, kasi alam namin magsasama kami ulit.

“Kaya nga excited kaming magkita-kita ulit.

“Kumbaga, it’s not goodbye; it’s more on, ‘See you soon.’"

Nagkasama din sila ulit sa show ng ASAP sa Singapore noong October 14.

“Ayun nga, nagkasama-sama rin kami sa Singapore. Nagpasyal-pasyal kami.

“Kaya kami nandun sa ASAP, kasi nga prinomote namin yung movie.

“Nandun din kami ni Cacai at ni Erich.

“After namin ng ano... nag-hang out-hang out din kami.”

Paano niya idi-describe si Mario sa mga Pinoy actors na nakasama na niya?

“To be honest, wala siyang masyadong ano… sobrang down-to-earth siya—sobrang makisama.

“Parang may pagka-Pinoy rin na makulit din, maloko rin.

“Kaya walang hirap na factor para i-break yung ice.”



OLD NETWORK. Samantala, kapansin-pansin ang unting pagbabalik sa ABS-CBN ni Joross kahit lumabas na siya sa ilang mga shows ng GMA-7 at TV5.

Si Joross ay produkto ng artista search noon ng ABS-CBN na Star Circle Quest, na pinaggalingan din ni Erich Gonzales. Nasa unang batch si Joross at second batch naman si Erich.

Paliwanag ng aktor, “Ako naman, freelance naman ako, e. Kay Kuya Noel Ferrer naman ako.

“Hindi naman ako nawala sa ABS.

"Kumbaga, kung may project ako, go ako doon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nasabi noon ni Joross sa interview namin sa kanya na parang hindi niya alam kung saan na papunta ang career niya kaya kumalas na siya sa ABS-CBN.

Paliwanag niya, “Sa akin, hindi ko naman actually sinabing… well, yung walang mapupuntahan yung career ko.

“Ang sa akin, basta nagtatrabaho ako, kahit anong klaseng ipagawa sa akin, gagawin ko.

“And I keep myself busy rin naman.

“Ayan, graduating na rin ako. Kaya masaya... masaya naman ako.

“Like now, binibigyan ako ulit ng ABS ng mga projects na sobrang okay.

“Gaya nitong Suddenly It’s Magic saka yung mga teleseryeng ibinibigay.

“Tapos ginagawa na namin yung part three ng JL-Sarah [John Lloyd Cruz-Sarah Geronimo] movie.”

Kailangan pa ba niyang lumayo para ma-miss ng ABS-CBN ang worth niya as an actor?

Tugon ni Joross, “Hindi naman kailangang lumayo.

“Siguro noong time na yun, noong lumipat ako kay Tita Becky [Aguila, manager ni Jennylyn Mercado], nag-ikot-ikot ako.

“Kumbaga, kung saan may trabaho, kung may saan may offer, why not?

“Ako naman, open ako sa lahat, e.

“And nakasalalay yung career ko sa aking manager… ipinauubaya ko na sa kanya ang lahat.”



SEXY ROLES. Ngayong nalilinya na siya sa mga romantic-comedy projects, parang nawala na yata ang naumpisahan niyang sexy image?

“Hindi naman. Kasi yung pinakahuling ginawa namin for Cinemalaya na Intoy Syokoy, medyo daring yun… may mga sexy dun.”

Ibig sabihin, dire-diretso pa rin ang pagpapa-sexy niya?

“Ako, kahit anong ibigay nila sa akin—gay role, siga, kontrabida, bida—wala akong uurungan basta maganda ang project.”

Sa mga daring roles naman, open ba siya sa pagpo-portray ng ganito lalo’t kailangan niyang magpakita ng private part?

“Isang singit lang!” ngiti niyang biro.

Pero dagdag ni Joross, “Hindi, basta maganda ang script, maganda yung project.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN