(UPDATED) Ratings war escalates as three new shows debut on primetime; what show ruled?

Tatlong malalaking programa sa primetime ang sabay-sabay na umere kagabi: A Beautiful Affair nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo para sa ABS-CBN; Temptation of Wife nina Marian Rivera at Dennis Trillo para sa GMA-7; at The Amazing Race Philippines ni Derek Ramsay para sa TV5.


Tatlong bagong primetime series mula sa tatlong pinakamalalaking networks ang sabay-sabay na umere kagabi, October 29:

A Beautiful Affair ng ABS-CBN, Temptation of Wife ng GMA-7, at The Amazing Race Philippines ng TV5.

Ang A Beautiful Affair ay ang balik-tambalan sa telebisyon ng bankable loveteam nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo. Kinunan ang ilang mahahalagang eksena nito sa Vienna, Austria.

Ang Temptation of Wife ay ang Pinoy adaptation ng sikat na Koreanovela na may ganito ring pamagat. Tampok dito sina Dennis Trillo, Glaiza de Castro, Rafael Rosell, at ang Primetime Queen ng GMA-7 na si Marian Rivera.

Ang The Amazing Race naman ang Philippine franchise ng sikat na Emmy-winning reality show mula sa U.S. Ang host nito ay ang bagong Kapatid star na si Derek Ramsay.

Bukod sa sabay-sabay nag-premiere ang tatlong shows na nabanggit, halos magkakatapat din ang timeslots nito.

Unang pumasok ang Temptation of Wife (8:49 p.m.), sumunod ang A Beautiful Affair (9:06 p.m.), at panghuli ang The Amazing Race (9:15 p.m.).

Halos isang oras ang running time ng pilot episodes ng Temptation of Wife at A Beautiful Affair, samantalang lagpas 30 minutes naman ang The Amazing Race.

Unang natapos ang Temptation of Wife (9:46 p.m.), sumunod ang The Amazing Race (9:48 p.m.), at huling natapos ang A Beautiful Affair (10:01 p.m.).

AGB RATINGS. Siyempre pa, maraming interesadong malaman kung anong show ang nakakuha ng pinakamataas na rating sa tatlong bagong shows na ito.

Ayon sa overnight ratings ng AGB Nielsen among Mega Manila TV Households, nakaungos ang A Beautiful Affair ng ABS-CBN.

Nagtala ang programa nina John Lloyd at Bea ng 24.5 percent rating at 38.3 percent audience share.

Hindi naman nalalayo ang Temptation of Wife ni Marian dahil nakakuha ito ng 23.5 percent rating at 35.3 percent audience share.

Ang The Amazing Race Philippines ay nagtala ng 5.1 percent rating at 7.9 audience share.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Overall, pumangatlo ang A Beautiful Affair sa primetime race—ka-tie ang Aso Ni San Roque ng GMA-7.

Nasa ika-apat na puwesto naman ang Temptation of Wife.

Nanguna sa ranking ang primetime newscast ng GMA-7 na 24 Oras na nakakuha ng 25.3 percent, at pumangalawa naman ang ABS-CBN soap na Ina Kapatid Anak na nagtala ng 24.6 percent.

Pang-lima ang Princess And I ng ABS-CBN dahil sa 22.1 percent rating nito.

Tiyak na marami ang mag-aabang kung mapapanatili ng A Beautiful Affair ang pangunguna nito sa timeslot, o mauungusan ito ng Temptation of Wife, o makakabawi ang The Amazing Race Philipppines sa mga susunod na araw.

Samantala, dalawang programa naman ang nag-premiere sa daytime kahapon: Yesterday’s Bride ng GMA-7 at Secret Love (Sungkyunkwan Scandal) ng ABS-CBN.

Ang Yesterday’s Bride ang bagong afternoon soap ng Kapuso network na pinagbibidahan nina Lovi Poe at Rocco Nacino.

Ang Secret Love naman ay ang hit Koreanovela dubbed in Filipino.

Bagamat hindi magkatapat ang timeslots ng dalawang programa, mas mataas ang nakuhang rating ng pilot episode ng Yesterday’s Bride (16.8 percent) kumpara sa Secret Love (7 percent).

Nasa ika-limang puwesto ang Yesterday’s Bride, ka-tie ang Magdalena, sa daytime ranking; kasunod ng Be Careful With My Heart (24.8 percent), Eat Bulaga! (21.8 percent), Sana Ay Ikaw Na Nga (17.8 percent), at Dragon Ball Z Kai (17 percent).

KANTAR MEDIA-TNS RATINGS. Katulad ng datos mula sa AGB Nielsen, nanguna rin ang A Beautiful Affair sa overnight ratings ng Kantar Media-TNS mula sa Total Philippines Households.

Ang pilot episode ng Kapamilya soap na ito ay nakakuha ng 25.3 percent rating.

Ang Temptation of Wife naman ay nagtala ng 15.5 percent, samantalang ang The Amazing Race Philippines ay nakakuha ng 3.6 percent.

Sa primetime race ay nasa ika-limang puwesto ang A Beautiful Affair, habang nasa ika-siyam ang Temptation of Wife.

Nanguna ang Ina Kapatid Anak sa pamamagitan ng 33.7 percent rating nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinundan ito ng iba pang Kapamilya shows: Princess And I (33 percent), TV Patrol (30.9 percent), at Aryana (25.7 percent).



COMPARATIVE AGB RATINGS. Narito ang comparative ratings ng mga programa ng ABS-CBN, GMA-7, at TV5 kahapon, October 29, mula sa AGB Nielsen:

October 29, Monday

Morning:

Tunay Na Buhay Replay (GMA-7) 0.8%; Ako Ang Simula Replay (ABS-CBN) 0.2%; Reaksyon Replay (TV5) 0.5%; Presinto 5 (TV5) 0.8%

Unang Hirit (GMA-7) 4.3%; Umagang Kay Ganda (ABS-CBN) 4.1%; Good Morning Club (TV5) 1.1%; Mickey Mouse Clubhouse (TV5) 3.8%

Doraemon Adventures (GMA-7) 6.7%; Inuyasha (GMA-7) 9.1%; Pokemon (GMA-7) 11.7%; Kris TV (ABS-CBN) 5.4%; Fish Hooks (TV5) 4.2%; Phineas and Ferb (TV5) 4.9%

Hunter X Hunter (GMA-7) 15.1%; Metal Fight Beyblade (ABS-CBN) 2.6%; Codename: Kids Next Door (TV5) 5%

Dragon Ball Z Kai (GMA-7) 17%; Heroman (ABS-CBN) 2.3%; Dexter’s Laboratory (TV5) 5.3%

Chef Boy Logro Kusina Master (GMA-7) 9.7%;Nura: The Rise of The Yokai Clan (ABS-CBN) 4.9%; Two Wives (ABS-CBN) 14.1%; Ben 10 (TV5) 7.2%

One True Love A Second Chance (GMA-7) 7.9%; Cielo de Angelina (GMA-7) 10.9%; Be Careful With My Heart (ABS-CBN) 24.8%; Face To Face (TV5) 9%

Afternoon:

Eat Bulaga! (GMA-7) 21.8%; It’s Showtime (ABS-CBN) 9.8%; Sinetanghali: The Frighteners (TV5) 8.6%; Super Sine 5: Anaconda (TV5) 9.7%

Yesterday’s Bride (GMA-7) 16.8%; Angelito Ang Bagong Yugto (ABS-CBN) 6.4%; White Lies (TV5) 3.9%

Sana Ay Ikaw Na Nga (GMA-7) 17.8%; Kung Ako’y Iiwan Mo (ABS-CBN) 7.7%; Love You A Thousand Times (TV5) 3.9%; Pink Lipstick (TV5) 3.8%

Magdalena (GMA-7) 16.8%; Secret Love (ABS-CBN) 7%; Sharon Kasama Mo Kapatid (TV5) 4.5%

Smile Dong Hae (GMA-7) 15.6%; Pintada (ABS-CBN) 7.7%; T3 Reload (TV5) 6.6%

Evening:

Moon Embracing The Sun (GMA-7) 20.1%;Aryana (ABS-CBN) 13.7%; Aksyon (TV5) 10.4%

24 Oras (GMA-7) 25.3%; TV Patrol 25 (ABS-CBN) 21%; Princess And I (ABS-CBN) 22.1%;Enchanted Garden (TV5) 7.2%

Aso Ni San Roque (GMA-7) 24.5%; Ina Kapatid Anak (ABS-CBN) 24.6%; Wil Time Bigtime (TV5) 8.7%

Temptation of Wife (GMA-7) 23.5%; A Beautiful Affair (ABS-CBN) 24.5%; The Amazing Race Philippines (TV5) 5.1%

Coffee Prince (GMA-7) 21.4%; Kahit Puso’y Masugatan (ABS-CBN) 13.9%; Super Sine Prime: Orphan (TV5) 8%

Angel’s Temptation (GMA-7) 15.8%; Saksi (GMA-7) 9.3%; Bandila (ABS-CBN) 7.2%; Pilipinas News (TV5) 3.5%

I Witness (GMA-7) 6.1%; XXX (ABS-CBN) 5.1%; Reaksyon (TV5) 1.8%

Lee San Wind of the Palace (GMA-7) 4.3%; Cge TV In Da Loop V2.0 (ABS-CBN) 1.4%; Ang Latest Up Late (TV5) 1.1%; Medyo Late Night Show With Jojo A. All The Way (TV5) 1%

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Narito naman ang ranking mga Top 10 daytime and primetime programs:

October 29, Monday

Daytime:

  1. Be Careful With My Heart (ABS-CBN) – 24.8%
  2. Eat Bulaga! (GMA-7) – 21.8%
  3. Sana Ay Ikaw Na Nga (GMA-7) – 17.8%
  4. Dragon Ball Z Kai (GMA-7) – 17%
  5. Yesterday’s Bride (GMA-7) / Magdalena (GMA-7) – 16.8%
  6. Smile Dong Hae (GMA-7) – 15.6%
  7. Hunter X Hunter (GMA-7) – 15.1%
  8. Two Wives (ABS-CBN) – 14.1%
  9. Pokemon (GMA-7) – 11.7%
  10. Cielo de Angelina (GMA-7) – 10.9%

Primetime:

  1. 24 Oras (GMA-7) – 25.3%
  2. Ina Kapatid Anak (ABS-CBN) – 24.6%
  3. Aso Ni San Roque (GMA-7) / A Beautiful Affair (ABS-CBN) – 24.5%
  4. Temptation of Wife (GMA-7) – 23.5%
  5. Princess And I (ABS-CBN) – 22.1%
  6. Coffee Prince (GMA-7) – 21.4%
  7. TV Patrol 25 (ABS-CBN) – 21%
  8. Moon Embracing The Sun (GMA-7) – 20.1%
  9. Angel’s Temptation (GMA-7) – 15.8%
  10. Kahit Puso’y Masugatan (ABS-CBN) – 13.9%


COMPARATIVE KANTAR-TNS RATINGS. Narito ang comparative ratings ng mga programa ng ABS-CBN, GMA-7, at TV5 kahapon, October 29, mula sa Kantar Media-TNS:


October 29, Monday

Morning:

Kape’t Pandesal (ABS-CBN) 0.3%; Ako Ang Simula Replay (ABS-CBN) 1%; Tunay Na Buhay Replay (GMA-7) 1.1%

Umagang Kay Ganda (ABS-CBN) 4.8%; Unang Hirit (GMA-7) 3.9%

Kris TV (ABS-CBN) 5.7%; Doraemon Adventures (ABS-CBN) 9.3%; Inuyasha (GMA-7) 12.3%; Pokemon (GMA-7) 13%

Metal Fight Beyblade (ABS-CBN) 5.5%; Hunter X Hunter (GMA-7) 13%

Heroman (ABS-CBN) 4.9%; Dragon Ball Z Kai (GMA-7) 14.1%

Nura: The Rise of the Yokai Clan (ABS-CBN) 7.2%; Chef Boy Logro: Kusina Master(GMA-7) 7.4%

Two Wives (ABS-CBN) 14.6%; One True Love A Second Chance (GMA-7) 6%

Be Careful With My Heart (ABS-CBN) 24.5%; Cielo De Angelina (GMA-7) 8.1%

Afternoon:

It’s Showtime (ABS-CBN) 14.1%; Eat Bulaga! (GMA-7) 14.2%

Angelito Ang Bagong Yugto (ABS-CBN)10.3%; Yesterday’s Bride (GMA-7) 12.7%

Kung Ako’y Iiwan Mo (ABS-CBN)12.8%; Sana Ay Ikaw Na Nga (GMA-7) 15%

Secret Love: Sungkyunkwan Scandal (ABS-CBN)9.7%; Magdalena (GMA-7) 13.3%

Pintada (ABS-CBN)12.9%; Smile Dong Hae (ABS-CBN) 11.2%

Evening:

Aryana (ABS-CBN) 25.7%; Moon Embracing The Sun (GMA-7) 16.5%

TV Patrol (ABS-CBN) 30.9%; 24 Oras (GMA-7) 18.5%; Wil Time Bigtime (TV5) 6.4%

Princess And I (ABS-CBN) 33%; Ina Kapatid Anak (ABS-CBN) 33.7%; Aso Ni San Roque (GMA-7) 18.3%

A Beautiful Affair (ABS-CBN) 25.3%; Temptation of Wife (GMA-7) 15.5%; The Amazing Race Philippines (TV5) 3.6%

Kahit Puso’y Masugatan (ABS-CBN) 12.3%; Coffee Prince (GMA-7) 12.6%; Super Sine Prime: Orphan (TV5) 4.4%

Bandila (ABS-CBN) 4.9%;Angel’s Temptation (GMA-7) 8%; Saksi (GMA-7) 4.3%

XXX (ABS-CBN) 2.4%; I Witness (GMA-7) 2.9%; Pilipinas News (TV5) 1.6%; Reaksyon (TV5) 0.8%; Ang Latest Up Late (TV5) 0.4%

Cge TV In Da Loop V2.0 (ABS-CBN) 0.8%; Lee San Wind of the Palace (GMA-7) 1.7%; The Medyo Late Night Show With Jojo A. (TV5) 0.3%

Narito naman ang ranking mga Top 10 daytime and primetime programs:

October 29, Monday

Daytime:

  1. Be Careful With My Heart (ABS-CBN) – 24.5%
  2. Sana Ay Ikaw Na Nga (GMA-7) – 15%
  3. Two Wives (ABS-CBN) – 14.6%
  4. Eat Bulaga! (GMA-7) – 14.2%
  5. Dragon Ball Z Kai (GMA-7) / It’s Showtime (ABS-CBN) – 14.1%
  6. Magdalena (GMA-7) – 13.3%
  7. Pokemon (GMA-7) / Hunter X Hunter (GMA-7) – 13%
  8. Pintada (ABS-CBN) – 12.9%
  9. Kung Ako’y Iiwan Mo (ABS-CBN) – 12.8%
  10. Yesterday’s Bride (GMA-7) – 12.7%

Primetime:

  1. Ina Kapatid Anak (ABS-CBN) – 33.7%
  2. Princess And I (ABS-CBN) – 33%
  3. TV Patrol (ABS-CBN) – 30.9%
  4. Aryana (ABS-CBN) – 25.7%
  5. A Beautiful Affair (ABS-CBN) – 25.3%
  6. 24 Oras (GMA-7) – 18.5%
  7. Aso Ni San Roque (GMA-7) – 18.3%
  8. Moon Embracing The Moon (GMA-7) – 16.5%
  9. Temptation of Wife (GMA-7) – 15.5%
  10. Coffee Prince (GMA-7) – 12.6%


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN