Shamcey Supsup on marrying boyfriend Lloyd Lee next year: "Masuwerte ako."

Ito ang tugon ni Shamcey Supsup nang tanungin kung bakit si Lloyd Lee ang pinili niyang maging boyfriend at pakakasalan: “Actually he keeps me ano, e, standing on the ground. Talagang he treats me like an ordinary woman. Hindi niya ako tini-treat na celebrity."


Isa sa guest celebrities na nanood ng Lee Fashion Show sa Mall of Asia Atrium last October 26 ang Miss Universe 2011 3rdrunner-up na si Shamcey Supsup.

Namataan din ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na kasama ni Shamcey noong gabing iyon ang kanyang non-showbiz boyfriend na si Lloyd Lee.

Sa panayam ng PEP sa dating beauty queen, naibahagi niya ang kanyang kasalukuyang pinagkakaabalahan.

Aniya, “We’re planning on a new show, so abangan nila yun. And I’m trying to improve my hosting skills.

"So, yun yung parang pinagkakaabalahan ko.

“More on speaking skills, hosting...

"I’m looking forward to our new show. It’s about architecture.”



HITTING TWO BIRDS WITH ONE STONE! Magna Cum Laude si Shamcey sa University of the Philippines (UP) Diliman sa kursong Architecture.

Siya rin ang topnotcher sa July 2011 National Architecture Licensure Board Examination.

Dahil dito, kahit puwede siyang mag-full time sa showbiz dala ng kanyang beauty titles ay hindi raw niya ito gagawin.

Sabi ni Shamcey, “Yes, kasi ayoko sayangin din yung pinag-aralan ko, di ba?

“It’s something nga na I love to do kasi it’s architecture,” pagtukoy niya sa sasalangang TV show.

“I’m hosting it, so parang its hitting two birds in one stone. So, I’m very happy with my new show.

May balak ba siyang magturo rin ng architecture balang araw?

Natatawang tugon nito, “In the future pa yun, pag medyo may experience na.

"Pero siguro ngayon, hindi pa. Siguro mga late pa, siguro mga 40s [na ’ko].”

Hindi ba parang matanda na siya nun para ibahagi ang kanyang kaalaman sa mga nagnanais na maging architect katulad niya?

“Okay lang yun. At least mas ano ka na nun, respected ka na kasi yung mga students mo…you’re older than them.

"So, mas may authority.”

HERE COMES THE BRIDE... Sa pakikipagkuwentuhan ng PEP kay Shamcey, kapansin-pansin ang suot niyang diamond ring.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nangangahulugan ba ito na nag-propose na ng kasal ang boyfriend niyang si Lloyd?

“Ay, ganun? Basta yun na yun,” natawa niyang sagot.

So may balak na nga ba silang magpakasal?

“Lahat naman tayo, di ba, gusto magpakasal? So…pero yung date, wala pa. Pero were planning.”

Imbitado ba ang media sa kanilang kasal?

“Oo. Oo punta ka. Punta po kayo,” nakangiti niyang sabi.

May exact date na ba ang kasalan next year?

Tugon niya, sabay tawa, “A, dapat siya ang tinatanong!

"Basta pagka may definite na...

“Ayoko naman magsabi ng date tapos di matuloy, di ba? Mas mahirap na.

"Pag sure na sure na lang, kapag plantsado na ia-anounce ko.”



THE PROPOSAL. Paano nag-propose ang kanyang boyfriend?

Sabi ni Shamcey, “Siyempre, hindi naman siya surprise kasi we’ve always talked about it.

"So parang we know, it will come to that. So it was expected.

“Hindi naman siya formal proposal. It’s more like promising to be together.

"Hindi talaga siya formal engagement.”



WHY LLOYD? Ano ba ang mga katangian ni Lloyd kung bakit siya ang nakasungkit ng kanyang puso at mauuwi na nga sa kasalan ang kanilang relasyon?

Pagmamalaki ni Shamcey sa boyfriend, “Actually he keeps me ano, e, standing on the ground.

“Talagang he treats me like an ordinary woman. Hindi niya ako tini-treat na celebrity.

"So, whenever... like, I don’t feel like going out in public, pero siya, ‘Tara Greenhills tayo. Tara pasyal tayo.’

“So because of him, I’m more comfortable na. So he’s very helpful for me.”

Dagdag pa niyang papuri kay Lloyd, “Yun nga yung iba sa kanya, e, kasi he doesn’t treat me like a beauty queen.

“He sees me like I was before.

"Parang college pa lang ako kaya nga every time…so every time he encourages me to blend in lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Actually, naglakad nga lang kami galing dun [SMX Convention Center] sa kabila papunta dito [MOA Atrium].

"Very simple and very down-to-earth.

“Masuwerte ako,” nagniningning ang matang pagtatapos ni Shamcey.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN