Ritz Azul is FHM November issue cover girl; admits she’s still childish despite having mature and shapely body

“Ako kasi, ang sexiness, hindi lang yung outer appearance ng isang tao, nasa loob yun ng tao. Katulad ng… for me, innocence is sexy, being kind-hearted is sexy. Yun ang ibig kong sabihin na sexy inside,” pahayag ni Ritz Azul, na siyang cover girl ng November issue ng FHM Philippines.


Aminado si Ritz Azul na nakadama siya ng kaba at takot nung una niyang makita ang sarili sa cover ng FHM Philippines November issue.

“Kasi first time kong makita ang sarili ko na nag-pose nang ganun,” dahilan ni Ritz nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa FHM Halloween Party na ginanap sa Palladium, New World Hotel Makati, kagabi, October 30.

Ang Halloween Party ay nagsilbi ring launching ng FHM cover ng 18-year-old TV5 artist.

Patuloy ni Ritz, “Parang mixed feelings pa ‘ko.

"Pero nung marinig ko yung comments nung mga tao, na masaya sila, ayun—naging light na yung feeling ko.”

Ayon kay Ritz, hindi daring ang photo shoot niya para sa nangunguna’t sikat na men’s magazine sa bansa.

“Paganda-look lang,” ang tawag ni Ritz sa kanyang photo shoot, kunsaan bukod sa pagsusuot ng body-hugging lace leotard ay nagsuot din siya ng sexy two-piece bikini.

(CLICK HERE to see her cover.)

“Hindi pa rin talaga daring, kasi nandun pa rin yung pagka-conservative ko.

“At ako kasi, ang sexiness, hindi lang yung outer appearance ng isang tao, nasa loob yun ng tao.

“Katulad ng… for me, innocence is sexy, being kind-hearted is sexy. Yun ang ibig kong sabihin na sexy inside.

“’Tsaka ako, sinasabihan na ako na sexy kahit noon pa, kahit na simple lang yung mga damit ko.

"So, feeling-sexy naman ako, dahil sabi nga nila, sexy ako!” natatawang pahayag ng seksing Kapampangan na may body measurement na 36-26-36.

Pero aminado naman ang isa sa Primetime Princesses ng TV5 na sa kabila ng pagkakaroon ng sexy at mature na katawan ay may pagka-childish pa siya.

“Sexy ako, pero nandun pa rin yung sweetness ko sa loob ko.

"Yung body ko nagiging mature na, pero yung pagiging childish, nandun pa rin.”

Ngayong nagpakita na siya ng kaseksihan sa FHM, siyempre pa’y may mga aasa ng mas sexy pang pagpapakita mula sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Ritz tungkol dito, “Tingnan na lang natin sa mga projects na ibibigay ng TV5 at sa mga plans nila for me.

"Actually, hindi ko pa talaga alam kung ano ang future ko,” saad ni Ritz.



KIDLAT’S GIRL. Sa ngayon, bukod sa Kapitan Awesome at Game ‘N Go ay naghahanda na rin si Ritz para sa bagong superhero series ng TV5, ang Kidlat.

Siya ang leading lady ng bida rito na si Derek Ramsay.

“Ako dito si Joey Palomares, boyish na sweet na raketista, masipag na lahat ng raket pinupuntahan.

“Nakita niya si Kidlat, tapos, dahil cosplayer at cartoonist din siya, lagi niyang dino-drawing si Kidlat hanggang sa maging crush niya na talaga.

“Tapos may isang lalaki, si Voltaire na inis na inis siya. Si Voltaire yung alter-ego ni Derek.

"Lagi silang nag-aaway nung umpisa, pero later on, naging friends na rin sila,” kuwento pa ni Ritz tungkol sa kanyang character sa upcoming TV5 superhero series.

Si Derek daw talaga ang pangarap niyang leading man.

Tinanong tuloy siya ng PEP kung may tsansa ba si Derek sa kanya kung sakaling manligaw ito sa kanya.

“Di ba, may dini-date na siya?” tanong ni Ritz sa amin.

“Ewan ko. Tingnan na lang natin. Hindi ko pa masabi dahil wala pa talaga sa isip ko ang mga ganyang bagay.

“Tingnan na lang natin…” nangingiting nasabi na lang ni Ritz.



NOT THREATENED. Katatapos lang ng Artista Academy at may mga bagong artista na naman ang TV5. (CLICK HERE to read related story.)

May nararamdaman bang pangamba si Ritz o threatened ba siya sa pagdating ng mga bagong Kapatid talents na ito?

“Hindi naman. Kasi pare-parehas naman kaming nasa TV5 at yung TV5, fair naman sila magbigay ng opportunities sa artists nila.

"And masaya ako sa plans nila for me.

“Hindi naman ako nate-threaten dahil iba-iba naman kami ng parang forte kasi,” sagot pa ni Ritz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero kung siya ba ang papipiliin ng proyekto, ano ba ang gusto niyang gawin?

“Gusto ko, may action. Action-comedy siguro, na halu-halo. Basta may action, kasi mahilig talaga ako sa action, e.

“Parang Tomb Raider!”

Ang Lara Croft: Tomb Raider ay ang 2001 action-adventure movie na pinagbidahan ni Angelina Jolie.

Aminado rin si Ritz na may pagka-boyish nga siya, dahil bukod sa hobby niyang pagmomotor ay nahihilig din siya sa pagda-drive ng iba’t ibang uri ng sasakyan.

“Sa Pampanga nga, nakapag-drive ako ng jeepney. Wala lang, sinubukan ko lang!” natatawa niyang kuwento.

Suggestion tuloy ng PEP kay Ritz, tutal isa sa mga hilig niya ay ang magmotor at magmaneho ng iba’t ibang uri ng sasakyan, bakit hindi na lang siya gumawa ng travel show?

Ang kaibahan nga lang, pupuntahan niya ang iba’t ibang lugar sa Pilipinas, gamit ang iba’t ibang uri ng sasakyan—mula motor, kotse, bus, at pati na rin bangka.

Natawa si Ritz sa suggestion namin, “Puwede… Tingnan na lang po natin kung ano ang ibibigay ng TV5.

“Hindi naman po ako puwedeng mag-suggest nang ganyan.”



NEVER SAY NO. Binalikan ng PEPang tungkol sa pag-pose niya sa FHM.

Hindi nga kasi masyadong revealing ang photo shoot niya, hindi katulad ng sinundan niyang cover girl ng magazine na si Yam Concepcion. (CLICK HERE to see Yam’s cover.)

Biro nga namin, parang accessories lang ang takip sa katawan ni Yam.

Makakaya rin ba niya ang ganun kung hilingan uli siyang mag-pose nang sexy?

Natawa muna si Ritz bago sumagot.

“Siyempre, hindi ko pa masabi.

“Siyempre ngayon, sasabihin ko, ’Hindi.’ Hindi ko kasi ma-imagine ang sarili ko na ganun.

“Pero hindi pa natin masabi. Dahil dati, noon, ang sabi ko, hindi ako magpo-pose for FHM, pero heto na nga, nakapag-pictorial na ‘ko.

“Hindi ko lang talaga ma-imagine ang sarili ko na hubad na ganun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN