Gay radio-TV host Mr. Fu clarifies rumored "girlfriend" in Hong Kong

Aminado ang gay radio-TV host na si Mr. Fu na nagkaroon siya ng girlfriend, kaya biro tuloy sa kanya ay "tomboy" siya. Paliwanag naman ni Mr. Fu, “Hindi ko masasabing tomboy ako, ano lang ako, bading na nalihis ng landas, paminsan-minsan.”


Matagal nang lumabas ang usap-usapan na may girlfriend diumano ang gay-TV host comedian DJ na si Jeffrey Espiritu—o mas kilala sa showbiz sa screen name nitong Mr. Fu.

Kasalukuyang radio DJ si Mr. Fu sa Wow FM 103.5 at co-host ng TV5 daily showbiz talk show na Ang Latest.

Kahapon, October 30, sa event ng TV5 para sa advertisers sa Craft Bar, sa Fort Strip, The Fort, nilinaw ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Mr. Fu kung ano nga ba ang katotohanan sa balitang may kasalukuyan siyang sinisintang babae sa Hong Kong.

Natatawa niyang kuwento sa PEP, “Dati ko siyang girlfriend, pero matagal na yun.

“Matagal ko siyang naging girlfriend at matagal na rin kaming wala.

“Pero kasi recently, pag nagpupunta ako ng Hong Kong, natunton ko ang kanyang kinaroroonan.

“So every time na nagpupunta ako dun, I would visit her.

“Parang wala lang, kasi tagal din naman yung pinagsamahan namin dati.”



ON TO FATHERHOOD? Marami nang mga miyembro ng third sex ang mga may asawa at yung iba ay may mga anak naman.

Katuwiran ng iba, para pagtanda nila ay may aakay sa kanila.

Ito rin daw ang goal ni Mr. Fu kaya gusto niyang magkaanak. Totoo ba ito?

Saad niya, “Oo, noong una, feeling ko hindi.

“Pero kasi nakikita ko yung mga ka-batch ko nung college at noong high school... lalo na yun.

“Kasi noong high school ako, all-boys kami.

“Siyempre yung mga ka-batch ko, may mga anak na, may mga asawa na.

“E, yung pag-aasawa naman ay parang malabo.

“Sa tingin ko, parang mas capable akong magkaanak kaysa sa makapag-asawa.”

Dagdag pa niya, “So, naisip ko naman yun, naging running joke siya kasi noong nalaman nga nila na may ex-gf ako sa Hong Kong, so naiisip nga nila na baka puwede yun.

“Yun na lang, since yun nga yung matagal kong naging girlfriend."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kapag nagkikita ba sila ng ex-girlfriend niya sa Hong Kong ay ginagawa nila ang mga bagay-bagay para makabuo ng anak?

Natatawang sagot ni Mr. Fu: “A, basta masaya kami pag nagkikita kami tapos feeling ko naman, tanggap na niya ako.

“So, feeling ko naman, masaya lang kami.

“Wala, e, mas mature na kami.

“Kasi noong naging kami, ano pa ako noon, college pa, e… hindi, ano na ako, reporter—police reporter na ako nun nung naging kami.

“Tapos siya, estudyante pa, so mas bata sa akin, e.”

Running joke din sa showbiz na kapag ang isang all-out gay ay pumatol sa girl ay sinasabihang “tomboy.”

Tomboy ba siya?

Sabi niya, “Hindi ko masasabing tomboy ako, ano lang ako... bading na nalihis ng landas, paminsan-minsan.”

So, mahilig din siya sa babae?

Natatawang sagot nito, “Na-try ko naman na din—iba pa rin yung talagang ginagawa natin, echos!

“Siguro nag-iibang anyo ako pag andun ako, pag siya ang kasama ko, or baka nahihiya ako sa kanya.”



CHILD-FRIENDLY? Sa ngayon daw ay walang girlfriend at wala ring boyfriend si Mr. Fu.

Dahil sa dami raw ng trabaho kaya dito muna siya nagpo-focus.

Aniya, “Wala, wala lang, wala akong… ano lang ako, mahilig lang ako manglandi pero ganun lang yun—all bark, no bite.”

Ano naman ang kuwento dun sa laging bansag sa kanya bilang “child-friendly”? Ito kaya ay dahil sa pagiging mahilig niya sa mga bagets na lalaki?

Pagtanggi niya at paliwanag, “Mahilig sa mga bata? Wala, joke yun sa akin ni Direk Joey [Jose Javier Reyes] na child-friendly daw ako.

“Kasi nga, kapag nagdya-judge ako sa Talentadong Pinoy, lagi ako maingat kapag bata yung kokomentan ko.

“Kaya parang natatawa sa akin si Direk Joey, sabi niya, ‘Wow, si Mr. Fu, child-friendly!’

“Siyempre kapag bata [contestant] sa Talentado, naging maingat ka. So, dun nagsimula actually."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa niya, "Hindi ako mahilig sa bata, mas gusto ko mas mature.”

“Sana hindi ko kasama sa work, mas gusto ko yung ibang industry siya parang walang conflict."



THE ONE-MILLION PESO BANK RUN. Kinumusta na rin ng PEP kay Mr. Fu kung naisauli na ba yung isang milyong pisong deposito nito sa isang bangko, kung saan nagkaroon ng bank holiday.

Sabi niya, “Kalahati pa lang, yung kalahati inaantay pa sana ibalik na.

“One million kasi pera ko dun—yung five hundred thousand nasoli, yung kalahati hindi pa.

“Pero at least nasoli na yung five-hundred thousand, kasi yun yung insured ng PDIC.

"Yung iba, sa bangko na mismo.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN