Marian Rivera on why she never hooked up with Dennis Trillo: "Siguro nandun kasi yung respeto namin sa isa’t isa, e."

Tatlong pelikula ang nakatakdang gawin ni Marian Rivera sa mga susunod na buwan. Una na rito ang balik-tambalan nila ni Richard Gutierrez, sunod ang unang pagtatambal nila ni Coco Martin, at ang isa pa ay makakasama niya ang isang aktres na "mas sikat" sa kanya.


Sinabi ni Dingdong Dantes noon sa mga interview, na kung ipagpo-produce niya ng pelikula ang girlfriend na si Marian Rivera, comedy ang gusto niyang maging tema nito.

Sabi pa ni Dingdong, “Gusto ko, kung may gagawin ako for her, maaliw din ako."

Pero nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Marian tungkol dito ay sinabi nitong iba na ang tema ng pelikulang gusto ni Dingdong para sa kanya.

Sabi ng Kapuso Primetime Queen, “Hindi, iba na—action na, action na.

“Alam n’yo ba yung movie na Colombiana? Iyon, peg ko yun, iyon ang gusto ko,” sabi ni Marian.

Ang Colombiana ay ang Hollywood action movie na pinagbidahan ni Zoe Saldana noong 2011.

Gagawin na ba niya ito next year?

“Ewan ko kay Dong, bahala siya.

“Hindi ko kakayanin, kasi may Richard ako, may Coco ako, may isa pa ako.”

Bukod sa pelikula niya kasama si Richard Gutierrez na My Lady Boss at ang pelikula kasama si Coco Martin, may isa pa raw pelikula si Marian pero ayaw muna niyang mag-detalye tungkol dito.

“Iyong pangatlo, kaiba ito, may kasama akong babae.”

Na kasing-sikat niya?

“Mas sikat siya!”

Si Kris Aquino?

“Basta!”



GAY ROLE. Naitanong naman kay Marian: Papayag ba siyang gumanap na tomboy sa pelikula?

Sagot niya, “Why not?

“Lahat naman ng role, bilang artista, dapat wala kang nire-reject.

“Lahat dapat kaya mong gawin.”

Never pa raw siyang gumanap na tomboy sa kahit na anong project, pero papayag siya.

“Puwede, oo naman.”

Si Dingdong, sa tamang panahon daw ay papayag gumanap na bakla. Magiging challenge pa nga raw kay Dingdong ang isang gay role.

At wala rin daw itong problema kay Marian.

“Ay, go! Bahala siya kung kaya niya, gawin niya,” sabi ng aktres.

DENNIS TRILLO. Sa Temptation of Wife ay leading man ulit ni Marian si Dennis Trillo, na “kapatid” niya rin sa manager nilang si Popoy Caritativo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba sila nagkagustuhan ni Dennis noon?

“Ang hirap namang sagutin niyan,” sambit ni Marian.

“Hindi ko naman sinasabing hindi ko gusto si Dennis o pangit siya o ano.

“Siguro nandun kasi yung respeto namin sa isa’t isa, e.

“And hindi ko alam... siguro kasi same manager kami.”



RELATIONSHIPS. Sa Temptation of Wife, nasa gitna nina Marian at Glaiza de Castro si Dennis.

Naranasan na ba ni Marian na may dalawang lalaki na nagsuntukan nang dahil sa kanya?

“Hindi ko alam sa kanila.”

Kahit nung hindi pa siya artista?

“Hindi ko alam.”

May nagalit na bang babae sa kanya nang dahil sa lalaki?

“Never, never. Bakit naman?”

Papayag ba siyang maagaw sa kanya si Dingdong?

“Bakit, may nang-aagaw ba? Parang wala namang nang-aagaw.”

If ever…

“E, artista, anong magagawa natin?”



NO CRUSH. Samantala, napag-alaman ng PEP na walang crush na foreign actor si Marian.

“Ang weird, di ba? Pero iyon ang totoo.

“Ewan ko ba, weirdo yata akong tao.

“Kahit itanong ninyo kay Dong.”



DINGDONG IN POLITICS. Papayagan ba ni Marian si Dingdong kung sakaling sumabak ito sa pulitika?

“Ako, sabi ko sa kanya, kung ano ang gusto niya, susuportahan ko siya.

“Actually, sabi ko nga sa kanya, ‘Pag tinatanong ka, huwag mong sasabihin na hindi, kasi mahirap magsalita nang tapos. Mamaya kainin mo yung sinabi mo.’”

Pero hindi tututol si Marian kung sakali?

“Hindi ko ayaw, kasi kung ako nga, nagagawa ko kung ano yung gusto ko, bakit ko siya pipigilan sa gusto niyang gawin, di ba?

“Malay mo, nasa dugo din yun.

“Kunwari, baka ngayon ayaw, baka next, next year, gusto niya, di ba?

“So, hindi natin masasabi ‘yan.

“E, dyusko, sa pananalita naman niya, sa thinking niya, e, puwede naman siya, e.”

Si Marian ay nakatanggap na rin daw ng offer na tumakbo.

“Meron, sa Cavite. Ayoko nga!” bulalas niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bilang mayor?

“Basta! Diyos ko, sabi ko, hindi ko talaga kakayanin.

“Noon pa, tsaka ngayon na artista na ako.

“Ayoko nga! Ang sarap-sarap matulog, e,” sabay tawa ni Marian.

“Hindi na nga ako magkandaugaga sa trabaho ko, maggaganun pa ako?

“Tsaka mahal ko ang trabaho ko bilang artista.”



THE FUTURE. Halimbawang kasal na sila ni Dingdong, magiging aktibo pa rin ba siya sa showbiz o magla-lie low na siya?

Sagot ni Marian, “Mahal ko yung trabaho ko at feeling ko naman, never naman pipigilan ni Dong kung ano ang gusto ko sa buhay.

“Iyon ang maganda kay Dong.”

Kaya tuluy-tuloy pa rin siya sa pag-aartista kahit may asawa na siya?

“Oo naman.”

Very Judy Ann Santos?

“Ganun, oo naman.

“Ang hirap kasing pangunahan… depende pa rin sa sitwasyon at nangyayari sa buhay mag-asawa.”

Sa panayam noon kay Marian ay sinabi niyang gusto niya ng maraming anak. Labindalawa pa rin ba ang gusto niyang maging anak?

“Parang hindi pupuwede. Labindalawa, parang hindi ko na kakayanin!

“Siguro maximum of four na lang ngayon.

“Dati basketball team, ngayon mga muse at escort na lang.”

Dalawang babae at dalawang lalaki?

“Kahit ano.

“Pero siyempre, kung bibigyan ako ng chance, siyempre gusto ko madami.

“Kasi, solong anak ako, e. Alam ko yung feeling na walang kapatid, at mahirap siya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN