Dimples Romana on why she got stuck doing support roles: "Takot ako sa pagiging lead."

Emy ang pangalan ng character ni Dimples Romana sa A Beautiful Affair, na pagbibidahan nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo.


Dahil sa tagal na rin niyang nagtatrabaho sa ABS-CBN, masasabing loyal Kapamilya si Dimples Romana.

Matatandaang 12 years old pa lamang si Dimples nang mapabilang sa seryeng Esperanza.

Makalipas ang 15 years, isa na siyang mommy at isa pa ring aktres na regular na napapanood sa TV.

Ang latest project niya ay ang A Beautiful Affair, kung saan gaganap siya bilang Emy.

Actually, bandang third week pa makikita ang character ko rito," ang panimula niyang kuwento noong press conference para sa seryeng pinagbibidahan nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo sa 55 Events Place.

"May konek kay John Lloyd ang character ko rito. Masaya. Fun ang character ko rito, pero, may drama pa rin.

“Siyempre, hindi naman ako ilalagay rito na ganun lang.”

Dugtong pa niya, “Very fun ang character ni Emy. May mga antics siya na kakaiba. Kaya nga ako nagpagupit din ng buhok dito.”

THE JOHN-LLOYD BEA LOVETEAM. Sa mga hindi nakakaalam, nasaksihan ni Dimples ang pagsisimula at pagsikat ng tambalang John Lloyd- Bea, na nagseselebra ng 10th anniversary sa showbiz.

Kasama si Dimples sa unang teleserye ng dalawa, ang Kay Tagal Kang Hinintay, at sa isa sa mga hit movies nila na One More Chance.

“Masaya” ang aktres sa naging takbo ng kanyang career.

“Alam niyo naman ako, ever since, I want to remain as character actress. Kahit 10 years ago pa, I like to work with best people. And what defines this particular project everybody grew from 10 years ago…

“Kasi, ang head writer namin noon sa Kay Tagal, siya na ang director namin ngayon, si Direk Katski Flores, siya na ang director namin ngayon sa A Beautiful Affair.

“So, now you’ll understand na talagang napag-aaralan.

“Yung role ko noon sa Kay Tagal is probably my best role ever. Kasi, boyish-boyish ako run, pero super seloso siya kay Lloydie.

“So, nakakatuwa lang na nandirito pa rin ako and I get to work with them.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Masaya” rin daw siya dahil hindi siya pinabayaan ng ABS-CBN.

“Ako naman kasi, hindi naman ako demanding sa trabaho. Hindi rin ako mahingi.

“Pero ako kasi, naniniwala ako na minsan siguro, parang pride rin ng artista na kung talagang gusto nila ‘ko, bibigay nila sa akin.

“Kaya kapag binibigyan nila ’ko ng work, doon ko lang nakukuha yung parang assurance that I’m doing something nice about my job.

“Kasi, hanggang ngayon naman, may insecurity pa rin ako kung tama ba ang nagawa ko sa trabaho ko.

“And I think, importante rin yun para naiiwasan ko rin na lumaki ang ulo ko.

“At saka, feeling ko naman, kahit kaninong professional, kapag feeling mo, ang galing-galing mo, yun na ang katapusan mo.”

HOW ABOUT A LEAD ROLE FOR DIMPLES? Si Dimples ay nakilala sa mga “support” roles. Hindi ba niya naisip subukan na maging bida?

“Hindi ko alam, e. Parang I just go with the flow. Iba-iba rin ang gusto natin.

“Parang ako, natutuwa ako [sa] standing [ng] supporting actors kasi, hindi rin madaling maging supporting actor. Nandoong titimplahin mo dahil hindi ka naman puwedeng mag-upstage.

“Like with One More Chance, I think, one of the reasons also why it’s a successful movie, kasi, we, supporting actors, are really doing our job to uplift the scene. Parang mabigat na mabigat ang Basha at Popoy, e.

“So, kapag may mga problema noon ang Basha at Popoy, ang mga barkada noon ang snap, snap, snap…

“At saka, ang inspirasyon ko diyan, si Tito Eddie Garcia.”

Bukod pa rito, alam daw niyang malaki ang pressure sa mga lead stars.

Aniya, “Ako kasi, depende rin sa material. Parang, ah, okay itong lead na ‘to… At saka ako, takot ako sa pagiging lead.

“Feeling ko, maghihintay ako nang matagal.

“Siyempre, kapag lead ka, hihintayin mo na maganda ba ‘to o mas maganda ba ‘to kesa sa una kong ginawa.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HAPPILY MARRIED. Sa isang taon, sampung taon na ring kasal si Dimples sa kanyang asawang si Boyet Ahmee. Bale 18 years old ang aktres nang maging misis.

At kahit pa maaga itong nag-asawa, nanatiling matatag ang kanyang married life.

Aniya, “Ako naman, kaya rin naman kami nagtagal ni Boyet, hindi rin naman dahil gusto kong i-prove sa mga tao na kaya kong panindigan ang desisyon ko ten years ago. It’s really more on we make our own choices.

“Kung ano ang gusto mong gawin sa buhay mo. Kung ano ang gusto kong gawin sa buhay ko. Basta ikakasaya mo at ikakasaya ko, respetuhan na lang, ‘di ba?

“At siguro, I’m just on the better end now that I have my family. I have Boyet, I have Callie, I have my family at nababalanse ko.”

Dugtong pa niya, “Mabait din kasi si Boyet.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN