Ellen Adarna advocates RH bill: "Yung mga mahihirap, yun pa naman kadalasan yung may maraming anak..."

Ito ay kuha kay Ellen Adarna noong Halloween Ball ng FHM, kung saan dalawang beses na siyang naging cover girl. Naganap ang event noong October 30.


Tila ilang buwan nang tahimik si Ellen Adarna.

Matatandaang dati itong nasangkot sa isang word war against Maria Isabel Lopez at Mara Yokohama, ang mag-inang nakasama niya sa Survivor Philippines.

At tila hindi na nasundan ng publiko kung ano ang nangyari sa isyu— nagkaayos ba ang tatlo?

Sa FHM Halloween Ball last Tuesday, October 30, 2012, sa Palladium Bar, sa New World Renaissance Hotel sa Makati, namataan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ellen na tahimik lamang na nakaupo malapit sa dressing room ng nasabing bar.

Minabuti naming lapitan at kumustahin ito.

RECALLING THE WORD WAR. At some point, naramdaman ba niyang “cheap” ang naging patutsadahan nila?

“Yes,” ang una niyang sagot, pero klinaro niyang, “Hindi naman talaga yun away, e. Parang sinagot ko lang siya.”

Nilinaw din niyang ang dating beauty queen daw ang pinagmulan ng lahat.

Ayon kay Ellen, “It was her na gustong makipag-away— not the daughter, the mom…

“But like us, wala kasi, may mga comment siya, I just answered back kung anong sagot ko.

“But it didn’t come to the point na blah blah blah blah… na sumagot nang sumagot.”

May mga nakapagsabi raw sa kanya na halos araw-araw daw siyang pinariringgan.

Dagdag pa ng dalaga, “Oo nga, sabi nga nila they won’t stoop down to my level daw pero they’re always talking about me naman.”

Pero naayos naman daw ang isyu. Ngayon, “Okay na, okay na. We fixed things na.”



PRO-RH BILL. Mula sa showbiz, nadako sa national issue ang usapan.

Bukod kasi sa Bubble Gang at mga indie films naIndio, abala rin siya bilang advocate ng Reproductive Health Bill.

Aniya, “It’s about education lang naman or to give like contraceptives… to be more accessible…

“And I think kasi para sa mga… alam ko that I know personally, yun pa naman yung mga mahihirap, yun pa naman kadalasan yung may maraming anak. Yung those who can’t afford...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So I think it’s just right na ma-educate sila about that.”

Since nasa FHM event na siya, inusisa naming sa kanya kung ano ang naging feedback sa dalawa niyang covers sa nasabing magazine.

Sagot ni Ellen, “Okay naman… Feedback from friends, gusto nila. Feedback from family, ayaw nila.”

Speaking of family, may mga nagsabing may kaya raw ang kanyang angkan sa Cebu, at hindi na raw niya kailangang pumasok pa sa showbiz.

Ang reaksiyon ng dalaga, “Mayamang pamilya sa Cebu? Ay hindi a. Hindi. Hindi.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN