Jonas Gaffud on chances of Janine Tugonon of winning Miss Universe 2012 crown: “Ayokong magsalita ng tapos... Pero sa trainings namin kasi, nakikita ko siyang puwedeng mag-uwi ng korona.”

“And she’s working hard for it. Malaki siyang babae, e. Pero ngayon talagang she worked out and then taking care of everything,” sabi ng Mercator Artist & Talent Management head na si Jonas Gaffud tungkol sa tsansa ng Binibining Pilipinas-Universe 2012 na si Janine Tugonon sa nalalapit na Miss Universe 2012 pageant.


Nakausap ng PEP. Ph (Philippine Entertaiment Portal) ang head ng Mercator Artist & Talent Management na si Jonas Gaffud sa opisina nila sa Makati noong Martes, October 30.

Kinumusta namin kay Jonas ang paghahanda ni Janine Tugonon para sa nalalapit na Miss Universe beauty pageant.

Si Janine ang kinoronahang Binibining Pilipinas-Universe 2012 nung nakaraang Setyembre. (CLICK HERE to read related story.)

Isa siya sa maraming mga modelo’t artistang mina-manage ni Jonas.

“I’m working with Binibining Pilipinas to help her out sa training and we just finished our Pasarela training, walking... The past six weeks, we’re training.

“Pasarela, Español ng catwalk,” pagbibigay-kahulugan ni Jonas. “’Tapos ngayon, alam ko, nag-workshop siya ng Q&A [question & answer] and interview sa Dale Carnegie at saka sa school nila.”

Ang Dale Carnegie o Dale Carnegie Training Philippines (DCTP) ay isang personality development and self-improvement training school, habang tapos naman bilang cum laude ng kursong Pharmacy sa University of Sto. Tomas (UST) si Janine.

Sa December 19 gaganapin ang Miss Universe 2012 sa Planet Hollywood sa Las Vegas, Nevada, U.S. Aalis si Janine papunta roon sa December 2.

Bukod kay Janine, si Jonas din ang nangangalaga sa career ng karamihan sa mga beauty queens natin.

Katulad nina 2010 Miss Universe 4th runner-up Venus Raj, ang Miss World 2012 top 15 placer na si Queenierich Rehman, ang 2011 Miss World 1st runner-up na si Gwendolyn Ruais, at ang 2012 Miss Universe 3rd runner-up na si Shamcey Supsup.

Bilang mahusay ang mata sa mga beauty queens, ano sa tingin ni Jonas ang tsansa ni Janine na maiuwi ang korona ng Miss Universe 2012?

“Ayokong magsalita nang tapos, di ba? Kung anuman yung mararating niya sa Miss Universe. Pero sa trainings namin kasi, nakikita ko siyang puwedeng mag-uwi ng korona.

“And she’s working hard for it. Malaki siyang babae, e. Pero ngayon talagang she worked out and then taking care of everything,” sagot pa ni Jonas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Huling Pilipina na nakapag-uwi ng Miss Universe crown ay si Margie Moran nung 1973, habang ang nauna rito at unang Pilipina na naging Miss Universe ay si Gloria Diaz nung 1969.

Pagkatapos ng 1973 ay wala pang Pilipina uli na nakapag-uwi ng Miss Universe crown. Ang kandidatang Pinay na muntik nang makapag-uwi ng korona nung 1999 ay si Miriam Quiambao na nag-place bilang 1st runner up.


"THE DONALD" PICKS THE WINNER? Naniniwala ba siya na dapat ay nakapag-uwi na ng korona ang Pilipinas pagdating sa mga international beauty pageants, kaya lamang ay nagkakaroon diumano ng pulitika?


“No, I don’t believe so,” kontra ni Jonas.

“I think it’s all about, you know, luck and destiny...the preparations also. Both your luck and how well you will perform in the Miss Universe or any other international pageants.

“It’s a competition, after all.”

Ano naman ang masasabi niya sa wild rumor na ang mananalo sa Miss Universe ay ang kandidatang galing sa bansa kung saan may itinatayo o naitayo nang Trump Tower.

Ang Trump Tower ay ang mga gusaling ipinatayo ng American business magnate at Miss Universe co-owner na si Donald Trump. Siya rin ang host ng The Apprentice at binansagan ng American press bilang "The Donald."

Bukod sa New York City, may Trump Tower din sa iba’t ibang panig ng mundo. Isa na rito ang itinatayo pa lang na Trump Tower Manila sa Makati City.

“I doubt it,” tanggi ni Jonas tungkol sa rumor. “Kasi in 2008, si Miss Puerto Rico [Ingrid Marie Rivera], nung may tinatayo silang Trump Tower yata sa Puerto Rico.

“Nagsama si Miss Puerto Rico at Donald Trump sa pictorial, sa photo op. Sa pictorial, may shake hands pa sila,” pagbabalik-alaala ni Jonas.

“And then when the pageant was held in Vietnam, the same year, she wasn’t even in the top fifteen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It doesn’t count, alam mo yun?

“Like, I also heard daw na kunwari si Donald Trump really liked Venus, but you know the judges thought otherwise.”

Kaya raw hindi siya naniniwala sa nasabing rumor. Kahit na nga ngayon na may itatayong Trump Tower dito sa ating bansa.

“Oo nga, siya ang may-ari, pero in the end he doesn’t even...at the end, he only goes to the Miss Universe pageant during the finals na,” patuloy ni Jonas.

Kung gayon ay wala siyang iniisip na dahil may itinatayong Trump Tower sa Pilipinas ay si Janine na ang magwawagi?

“No naman,” sagot ng talent manager at beauty pageant enthusiast.

“Kung papasok man si Janine at mananalo ay hindi dahil sa Trump Tower Manila kundi dahil sa pagsisikap niyang makuha yung korona.

“Fighter ‘yan, e!”



SHAMCEY’S WEDDING. Napag-usapan naman ang tungkol sa pagpapakasal ni Shamcey.

“Oo, nagpaalam na siya. Alam na namin, way before.”

Sa palagay ba ni Jonas, makakaapekto sa showbiz career ni Shamcey ang plano nitong pag-aasawa?

“You know, sa amin naman kasi kung gusto siya ng mga tao at gusto siya ng mga istasyon, na magandang ehemplong babae siya sa mga kabataan, sa mga kababaihan, e di ipa-patronize natin siya.

“Sa tingin ko, hindi dapat maging hindrance yung pag-aasawa ng isang tao, ng isang babaeng katulad ni Shamcey. Na edukada at lahat-lahat. Kung magandang ehemplo naman siya, e.

“Dapat tangkilikin nga natin ang mga ganito, kesa naman yung napariwara, nagdroga.

“At least proud siya na ikakasal siya at hindi niya kailangang itago.”

Kaya hindi raw niya pinigilan si Shamcey nang nagsabi ito sa kanya na mag-aasawa na ito next year.

“Hindi, hindi! Shamcey is 26 and by the time na she will get married, she’s 27, so tama lang. Right age of marrying.”

Hindi sinabi ni Jonas kung kailan ang kasalan, pero sa pagkakaalam ng PEP ay malamang sa December 2013 ikakasal si Shamcey sa boyfriend nitong si Lloyd Lee. (CLICK HERE to read related story.)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May inaayos daw silang show para kay Shamcey, na mas gustong maging host kaysa mag-artista.

“Ang sabi niya sa akin after her reign, kasi natapos ang kanyang contract with Binibining Pilipinas last October.

“Okey naman sa kanya na ipagpatuloy yung hosting on TV, iyon,” pagtatapos ni Jonas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN