PART 2: What Daniel Matsunaga will say if he meets Senator Chiz Escudero: “Please take care of Heart.”

Wala raw sama ng loob si Daniel Matsunaga sa dating kasintahan na si Heart Evangelista. Kung magkikita nga raw sila nito ay kukumustahin pa niya ang trabaho nito. Babatiin niya rin daw ang boyfriend ngayon ni Heart na si Senator Chiz Escudero kung magkakasalubong sila nito.


Sa pagpapatuloy ng panayam ng PEP.ph (Philippine Entertianment Portal) kay Daniel Matsunaga (CLICK HERE to read Part 1), naitanong sa Brapanese model kung mali-link din kaya siya kay Rufa Mae Quinto na ngayo’y nasa TV5 na rin mula sa GMA-7.

Dati kasi ay natsismis si Rufa Mae kay Fabio Ide na “kapatid” ni Daniel bilang talent ng Mercator Artist & Model Management.

“Hindi pa. Hindi pa kami nali-link. Baka, kasi always there’s a link with somebody, e. Somebody’s linking me with somebody,” sagot ni Daniel.

“Kasi before I was linked even with Glaiza de Castro. E, we just worked together in Grazilda. So, hindi pa, hindi pa. ‘Coz, you know, lahat meron ganun, e. Link sa kanya or whatever, so…”

And dahil galing siya sa Kapuso network, sino ba ang mga nami-miss niya sa GMA?

“I miss a lot of my friends there. Si Enzo Pineda, si Steven Silva, si Rocco Nacino, madami sila, e. Si Glaiza, si Jay-R, lahat sa Party Pilipinas.

“I really enjoyed working there, you know. So, I made really good friends. Si Mark Herras, all of them, they are really nice. Si Geoff Eigenmann, lahat.”

Bukod sa telebisyon, busy rin si Daniel sa mga pelikula sa Regal Entertainment, Inc.

“I did a part in Ride To Love and then The Bride And The Lover with Lovi Poe and Paulo Avelino.

“Tapos na, yung part ko, kasi I was just a short part, just as a guest.”


WORKING WITH HEART. Dahil may option to work with GMA si Daniel, kung may isang project na magkasama sila ni Heart Evangelista, papayag ba siya?

“Yes, I would accept! Walang problema, we’re still friends.

“There’s no problem and it would really be a nice experience again.”

Hindi raw sila mahihirapan o magkakailangan.

“Hindi. Hindi siguro, hindi kasi we’re ok, e. We decide that it’s not just one side lang, pero we both said it’s better like that. So, when we see each other, okey lang.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang tinutukoy ni Daniel ay ang mutual decision nila ni Heart na tapusin ang kanilang relasyon.


WHAT IF HE MEETS CHIZ? Kung biglaan ba na magkasalubong sila ni Senator Chiz Escudero, mauuna ba siyang bumati rito o hihintayin niyang mauna itong bumati sa kanya?

“I can approach, there’s no problem, you know. And say, ‘It’s really nice meting you,’” kaswal na sagot ng model turned actor.

Kung may mensahe o advise siya kay Senator Chiz, ano iyon?

Nag-isip muna si Daniel bago sumagot.

“I will say, ‘Please take care of Heart kasi she’s really a good person, e.’ So, they deserve each other. ‘Please take care of her.’”

Sasabihin rin daw niya kay Senator Chiz na: “’It’s nice meeting you. I heard good things about you.’

“For me there is no problem. Kasi for me, I really have no bad feelings, e. I have no reason to have bad feelings at all. So, there’s no problem, for me to go to him or him to go to me. Kahit ano, e.

“I’ll say, ‘Chiz, take care of Heart. It would be really nice to meet you, I heard really good things about you, I heard you’re really smart and baka one day you’ll be the president of the Philippines, you know.’

“So, it’s really pleasure for me to meet him, an honor for me to meet him, ganun.”

Ano naman ang mensahe niya kay Heart.

“I’ll say, ‘Kumusta ka na? How is everything going with the work?’

“Yung ganun. Iyon lang.”

Okey pa rin ba si Daniel sa mga magulang ni Heart?

“Yeah I’m ok with them,” sagot binata.

Pero hindi na raw niya nakakausap ang mga ito.

“No of course, I don’t speak to them anymore. Kasi I was close to Heart, di ba?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi raw masama ang ang loob ni Daniel sa mga magulang ni Heart.

May isyu kasi noon na diumano’y hindi boto sa kanya ang mga magulang ng aktres.

“No, no, no,” tanggi ni Daniel.


MODELLING IN HIS UNDERWEAR. Sa nakaraang Cosmopolitan Bachelor Bash 2012, idea pala ni Daniel na ibaba ang kanyang pantalon habang rumarampa, revealing his black boxer briefs. (CLICK HERE to see the gallery.)

“Idea ko yun, e.

“Kasi lahat sa Cosmo, they always invite me for mga materials, for magazines. And since the beginning, they’ve been supporting me a lot.

“I did a lot of fashion shows for them, never underwear.

“So, ito yung first time that they give me the opportunity to open the Cosmo show. So, it’s a big thing. So, I spoke to Direk Robby, and he said, ‘Please surprise me!’

“Sabi ko, ‘Ok!’” sagot daw niya sa direktor ng event na iyon na si Robby Carmona.

Kailan naman siya rarampa o magpi-pictorial na ang suot niya ay skimpy underwear?

“It’s really hard for me to do that. Kasi, before, I used to be a model. Ok, I did some stuff like that. Pero ngayon, I decided to really pursue my career in showbiz.

“So, you know I really have to keep my image safe.

“I mean, there’s nothing wrong with that. It’s ano, professional. Pero, okey lang, e. Maybe, ok, maybe in the future, maybe, maybe…”


NO TO NUDITY. Speaking of his showbiz career, ano ang dream role ni Daniel?

“My dream role, as an artista is to do movies like mga action-warrior movies. Parang Thor, Troy, 300.”

Ang Thor ay ang 2011 superhero action movie na pinagbidahan ni Chris Hemsworth, ang Troy naman ay ang Greek epic to celluloid starrer ni Brad Pitt nung 2004, habang ang 300 ay isa pang Greek epic na isinapelikula na pinagbidahan naman ni Gerard Butler nung 2006.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kapansin-pansin na sa mga pelikulang ito, ipinakita ang magandang pangangatawan ng mga bida.

Kaya tuloy naisipang itanong ng PEP kay Daniel, kung bibigyan siya ng pelikulang may nude scenes, tatanggapin kaya niya?

“Probably, I wouldn’t want to do it. Kasi I prefer not to show anything,” sagot ni Daniel.

Maski raw pelikulang maganda ang istorya, pero may gay love scene.

“Hindi ko alam,” sabay-tawa ni Daniel.

“No, I cannot do it, I cannot talaga. E, straight ako, e. Mahirap yun, e. Hindi ko alam, e.

“I don’t know… This is really a hard question and it needs time for you to think. To see what is the positive outcome or effect and everything. So, it really depends.

“But now I can say, I cannot do it. Mahirap,” pagtatapos ni Daniel.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN