Showbiz newbie Akihiro Blanco assures after Artista Academy: “Mas gagalingan ko pa at sisipagan ko pa.”

Hindi raw akalain ni Akihiro Blanco na maaapektuhan siya nang husto sa pag-arte kasama ang stage at movie actress na si Irma Adlawan. Kuwento niya, “Hindi ko po ini-expect, ‘tsaka hindi ko po lubos na kilala si Ma’am Irma...sobrang galing niya talaga, talagang nadala niya po ako nun. Naiyak po ako sa kanya.”


Kahit na si Vin Abrenica ang itinanghal na Best Actor noong nakaraang Sabado, October 27, sa Awards Night ng Artista Academy, (CLICK HERE to read related story.) wala pa ring pagsidlan ng tuwa si Akihiro Blanco sa nasaksihang suporta para sa kanya nung gabing iyon.

“Sobrang sarap po ng feelings nun, nagulat ako,” simula ni Akihiro na nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Advertisers’ Day ng TV5 sa may Craft Bar, Fort Strip, The Fort, Taguig City, nung Martes, October 30.

“Kasi opening number po namin, paglabas ko, andaming naka-yellow! So, parang tanong ko, ‘Ano ba’ng ginagawa ng nanay ko at andaming tao?”

Yellow kasi ang kulay na naka-assign para sa mga taga-suporta niya noong gabing yun.

Dagdag pa niya, “Andun yung mga kaibigan ko, andun yung buong pamilya ko, ‘tapos yung mga fans na sumusuporta sa akin.

“E, yung mga yun, mga galing sa mga school ng Pasig at talagang pumunta sila doon para lang mapanood ako. Yung iba, galing pa sa ibang probinsiya.”

Kahit na gusto niya talagang manalo nung gabing iyon, “it’s anybody’s ball game” daw ang labanan sa kanilang tatlong lalaking finalists na kinabibilangan niya, ni Vin, at Mark Neumann.

“Pero para sa akin, andami ko pong napa-enjoy na tao nung time na yun sa Smart-Araneta [Coliseum] at nakita ko lang silang masaya, nagtatalon, at sumisigaw ng pangalan ko po. Happy na ako dun,” nasabi na lang ni Akihiro.

Ngayong tapos na ang kumpetisyon, gusto raw niyang ipakita talaga ang kanyang angking talento.

Aniya pa, “Mas gagalingan ko pa at sisipagan ko pa.”

Noong huling gabing iyon ng Artista Academy, ipinakita rin sa mga manonood ang short films kung saan ipinakita ng anim na natirang estudyante sa show ang kanilang galing sa pag-arte.


ACTING WITH IRMA ADLAWAN. Napunta kay Akihiro ang kuwento ng isang bad boy na teenager. May titulong “Patapon” ang five-minute short film kunsaan kaeksena niya ang magaling na stage, TV, at movie actress na si Irma Adlawan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang masasabi niya na nakaeksena niya si Irma?

“Noong una po, talagang nagulat ako,” sagot agad ni Akihiro.

“Hindi ko po ini-expect, ‘tsaka hindi ko po lubos na kilala si Ma’am Irma.

“So, nung nakita ko na siya, dun ko na nakilala siya. Nakikita ko kasi siya sa TV. So, yung nakaeksena ko na po siya, sobrang galing niya talaga, talagang nadala niya po ako nun.”

“Naiyak po ako sa kanya. Kasi noong time na yun ang turing ko sa kanya ay nanay talaga.

“So, yung karakter nun, parang pumasok talaga na anak ako.

“So, medyo bad boy yung iniisip ko dun sa karakter na parang lahat ng kaya niya ay ginagawa niya para sa akin. Kaya naiiyak ako nun. Sobrang galing po talaga ni Ms. Irma,” pagpapahayag pa ni Akihiro ng paghanga sa galing sa pagganap ni Irma bilang kanyang ina sa short movie nila.

May natutunan ba siya mula kay Irma?

“Yung mga natutunan ko po sa kanya ay yung karakter niya, hindi niya binibitawan.

“Yung time po na umarte kami, hindi po talaga siya si Irma, siya po yung karakter niya. Kaya bilib ako sa kanya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN