PART 1: Derek Ramsay on Angelica-John Lloyd relationship finally in the open: “It’s healthy to see that they’re out in the open already. Mahirap yun kung hindi pa sila kumportable na ilabas sa mga

“I’m very happy for John Lloyd and for Angel. I hope that things really work out for them,” sabi ni Derek Ramsay tungkol sa pag-amin na ginawa ng dating kasintahang si Angelica Panganiban at ng bagong boyfriend nitong si John Lloyd Cruz.


“I’m not having a relationship ‘cause they have a relationship. But I am happy with the way my life is turning out.

“Like what I said, napaka-blessed ko sa career ko. With my lovelife, wag na nating ipagsabay yun.”

Ito ang mainit na sagot ni Derek Ramsay kanina, November 3, sa Ang Latest: Updated ng TV5, tungkol sa pag-amin na nina John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban sa relasyon nila.

At sa full interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Derek noong Martes, October 30, sa Craft Bar ng The Fort, Taguig City, pinanindigan pa rin niya an mga unang sinabi noon na masaya siya para sa dating kasintahan at sa bagong boyfriend nito.

Sabi pa ni Derek, “Though you know it’s out already in the open, that’s good for them. It’s good that they have a healthy relationship na they’re willing to share with everybody, and I’m very happy for them.”

HAPPY WITH HIS OWN LOVELIFE. Masaya naman daw si Derek sa kasalukuyang estado ng kanyang buhay-pag-ibig at hindi ito pakitang-tao lang.

Matatandaang nagbigay na ito ng detalye tungkol kay Alexa Amos, ang babaeng sinasabing nagpapasaya sa kanya ngayon.

Sa kabila nito, wala pa siyang tuwirang pag-amin kung girlfriend na nga niya talaga ito.

Kaya naman nais niya raw linawin na hindi siya pumasok sa isang relasyon dahil ang kanyang ex-girlfriend ay kasalukuyang may bagong pag-ibig.

“Yeah, I’m happy with my lovelife. Baka sabihin na nag-aano pa ako,” ani Derek.

“May nakita yata ako sa TV nung isang araw na sabi nila, ‘Si Derek, nagkukunwari lang na may ka-love interest, kasi meron sila [Angelica and John Lloyd].’ No, that’s not true.”

Dagdag pa niya, “I’m very happy for John Lloyd and for Angel. I hope that things really work out for them, and it’s healthy to see that they’re out in the open already.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mahirap yun kung hindi pa sila kumportable na ilabas sa mga tao.”

JOHN LLOYD IS A GOOD GUY. Wala naman daw siyang masabi laban kay John Lloyd, dahil ayon pa sa kanya, mabuting tao ang binata.

“I know John Lloyd. I’ve met John Lloyd and he’s been good to me. And I have nothing against the guy.

"He’s a great actor who, again, I admire. Sinabi ko ‘yan since day one, nung nakatrabaho ko siya sa One More Chance.

“So, I don’t know why everyone says na, or trying to make gulo sa relationship namin.

“Hindi kami yung close na kaibigan, pero kilala ko siya and maganda yung ’pinakita niya sa akin. So, I have nothing against the guy. He’s a good guy.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN