PART 2: Derek Ramsay on why he continues to be blessed: “Kasi nakikita nila na kapag binigyan nila ako ng opportunity, ginagawa ko nang tama.”

Mga bagong shows at box-office hit na pelikula, wala na raw mahihiling pa si Derek Ramsay. Aniya, “Not just this 2012, I’ve been given chances and opportunities left and right. I’d like to say na ’binigay ko talaga yung buong puso ko, buong ako, and I guess that’s why I continue to be blessed.”


Kasabay ng thanksgiving press conference ng A Secret Affair nung Martes, October 30, sa isang restaurant sa Tomas Morato, Quezon City, ay nagaganap din ang Advertisers Night naman ng TV5 sa Craft Bar sa The Fort, Taguig City.

Dahil Kapatid talent at nauna nang naka-schedule daluhan ang Advertisers Night, hindi na nakadalo pa si Derek Ramsay sa thanksgiving presscon ng kanyang pelikula, na naka-P100 million sa unang anim na araw ng pagpapalabas nito.

Sa bungad din ng aktor sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), nang makausap ito, ay malabo nang makahabol pa ito sa nasabing thanksgiving presscon.

“Medyo masama ang pakiramdam ko,” sabi ni Derek.

ADVERTISERS AND AMAZING RACE PHILIPPINES. Ngunit kahit masama ang pakiramdam ay nakuha pa ring makisaya ni Derek sa advertisers ng Kapatid network.

“Oo, like last time. This is my second one, so, makikipaglaro ako ng game with the adverstisers.

“Yung isang game na lalaruin namin ay yung bola na kailangan mong iakyat mula sa tuhod hanggang dito sa ulo na hindi mo gamit yung kamay mo. So, game ako sa mga ganyan,” saad ng Kapatid hunk.

Samantala, masaya naman si Derek sa kinalabasan ng pilot episode ng The Amazing Race Philippines nung October 29, Lunes.

Yun nga lang daw, sabi ng mga nagkomento sa kanya sa pamamagitan ng Twitter, tila bitin ang 30 minutes lang na airing nito.

Sagot naman niya, “Kaya papanoorin mo talaga. The Episode One was great, and napanood na namin yung Episode Two. Mas maganda yung Episode Two. So, paganda nang paganda ‘yan.

“Two days before, sa preview, tuwang-tuwa talaga kami. Pero iba kasi pag ’pinapalabas na, pag pinapanood mo na sa TV. So, I watched it last night and I’m really, really happy how they presented it,” sabi pa ni Derek.

May early favorites kaya siya nung nagaganap na ang kumpetisyon?

“Bawal kasi magka-favorite, e. Bawal ma-attach sa mga contestants. Bawal ko silang kausapin during the race,” sagot agad ni Derek.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BLOCKBUSTER AFFAIR. Kahit wala siya sa nagaganap na thanksgiving presscon, tinanong na rin ng PEP si Derek tungkol sa magandang ipinakita sa takilya ng A Secret Affair.

“I felt really blessed. It’s ah…it’s crazy!” sabi ni Derek na tila naghahanap ng salita para mailarawan ang nararamdaman.

“Hindi ko nga maintindihan, e. Same noong No Other Woman days, di ako makapaniwala na sobrang successful, and then now! Successful, or even more.

“So, I’m very thankful na pinapanood ng mga tao yung projects na ginagawa ko kasama nina Anne [Curtis] at ni Andi [Eigenmann].

“Sana patuloy pa silang sumuporta.”

HIS SECRET AFFAIR. Inusisa namang muli ng PEP si Derek tungkol kay Alexa Amos, ang babaeng nakikitang kasa-kasama niya lagi.

Hanggang sa mga sandaling iyon ay wala pa ring inaamin o kinukumpirma si Derek, liban sa pangalan ng babaeng nagpapasaya sa kanya ngayon.

Nang tanungin ng PEP kung na-shock ba si Alexa na kilala na ito ng showbiz press, natawa muna si Derek bago nakasagot.

“Assume… Puro assume,” banggit ni Derek, na tila pagsasabing panay panghuhula ang ginagawa ng showbiz press tungkol kay Alexa.

Balik naman ng PEP sa kanya, “We’re not assuming…”

Natawa muli si Derek sabay sabing, “We’ll see…

“Ah, na-shock ba siya? Ewan ko. Kausapin ko siya, tanong ko siya kung na-shock siya.”

Sa ngayon, ang nakalap nang impormasyon ng PEP tungkol kay Alexa Amos ay isa itong frisbee player na nasa kanyang early 20s.

Tubong-Dumaguete ito, at medyo matagal na rin silang magkakilala ni Derek dahil iisang community o circle lang ang ginagalawan nila.

Itinanggi na rin ni Derek na si Alexa ang babaeng napatsismis sa kanya noon na tinaguriang “Dumaguete Girl,” habang karelasyon pa niya ang girlfriend of six years na si Angelica Panganiban.

(CLICK HERE to read related story.)

WISH FOR GOVERNOR VILMA SANTOS-RECTO. Samantala, hayag naman sa showbiz na matagal nang gustong makatrabaho ni Derek ang tinaguriang “Star For All Seasons” na si Batangas Governor Vilma Santos-Recto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya naman nung sandaling iyon sa panayam sa PEP, nagparating na agad ito ng pagbati sa kaarawan ni Governor Vi ngayong araw, November 3.

Mensahe ni Derek, “Ah, advanced happy birthday, and happy anniversary for your 50th year in showbiz. Someone I admire, someone I really love to work with.

“Sabi ko nga na kung pumayag si Ate Vi, kahit na hindi ko na basahin yung script, game ako diyan basta makaeksena ko siya.

“I watched some of her movies, and I admire who she is even outside of the industry. She’s such a professional, strong, motivated woman na I love to work with. So sana makatrabaho ko siya,” hiling pa ni Derek.

A BLESSED DEREK. Sa dami ng grasya na natatanggap ni Derek, wala na raw siyang mahihiling pa.

Saad nito, “Not just this 2012, I’ve been given chances and opportunities left and right.

"I’d like to say na ’binigay ko talaga yung buong puso ko, buong ako, and I guess that’s why I continue to be blessed.

“Kasi nakikita nila na kapag binigyan nila ako ng opportunity, ginagawa ko nang tama.

“So, it’s not just 2012, 2011, those two great years… My whole career, my whole life.

“I have wonderful parents, I live a comfortable life, I got a good education. So I’ve been blessed my whole life.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN