BB Gandanghari reacts to “accidental exposure” rumor on Enchanted Garden set: "That’s not true. Meron akong chastity belt, so paano ako makikitaan?”

“It’s a very private thing. Hindi ako nagpapakiyeme. It’s just that ayoko siyang pag-usapan kasi private ko na ‘yon, e. So what you see is what you get,” reaksyon ni BB Gandanghari tungkol sa usap-usapang hindi raw talaga siya sumailalim ng sex change operation. Nagkaroon ng ganitong usap-usapan matapos na diumano’y aksidenteng makita ang kanyang maselang bahagi sa set ng Enchanted Garden.


Nauna nang napabalita noon na magka-comeback movie ang buong Padilla Brothers, kahit na nag-iba na ng pagkatao ng isa sa kanila—si Rustom Padilla, na ngayo’y kilala na bilang BB Gandanghari.

Sa kasalukuyan nga ay may ginagawang pelikula sina Robin at Rommel Padilla. Kasama rin dito ang anak ni Rommel na si Daniel.

Kuwento ni Robin sa Ang Latest: Updated ng TV5 kanina, November 3: “Ginagawa ko po yung pelikula, kasama ko po yung Padilla clan. Ito po yung Kuratong Baleleng.”

Ito ba ang pelikulang dapat nilang pagsasamahan ni BB?

Tugon ni Robin, “Pinipilit namin makuha si BB, totoo yun. Pinipilit namin siyang makuha. Sana pumayag siya.”

Pero sa interview ng Ang Latest kay BB, sinabi nitong wala pang definite na plano sa binabalak na movie nilang magkakapatid.

“May ginagawa sila, yung Kuratong. Ginagawa na nila, e. Hindi ako kasama diyan. Sa ngayon, puro plano, pero wala pang definite plan kung ano talaga yon,” pahayag ni BB.

UNCHANGED? Bukod sa usapang pelikula, sinagot din ni BB ang mga isyung nagsulputan tungkol sa kanya.

Una na nga rito ang tsismis na aksidenteng nakitaan daw siya ng kanyang private parts sa set ng Enchanted Garden.

Ikinagulat niya ang tsismis na ito.

Natatawa pa niyang pagtanggi, “Really now? That never happened. I’m always covered and secured.

“Hindi totoo ‘yan. That’s not true. Meron akong chastity belt, so paano ako makikitaan?”

Dahil nga raw dito, nakumpirma diumano na hindi pa siya nakakapagpa-sex change.

Sagot ni BB dito: “It’s a very private thing. Hindi ako nagpapakiyeme. It’s just that ayoko siyang pag-usapan kasi private ko na ‘yon, e. So what you see is what you get.”

STROKE SCARE. Sinagot din ni BB ang balitang muntik na siyang ma-stroke dahil sa sobrang pagod.

Ipinakita naman ni BB ang pulang-pula niyang mata na aniya’y naputukan ng ugat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento niya, “Naputukan ako dito ng…sabi ng doctor, sabi stress nga.

“Sabi, buti daw sa mata. Kasi after sa mata, sa ulo na. Stroke na.

“Sabi ko, ‘Doc naman, natakot ako.’ Sabi ko, mas lalong tumaas yung blood pressure ko after.”

Sa ngayon, ipinagpapasalamat na lang ni BB ang mga magagandang nangyayari sa career niya.

Abala kasi siya ngayon sa rehearsal ng Sayaw ng mga SENIORita, isang Gantimpala Theater stageplay kunsaan co-stars niya sina Manny Castaneda, Arnell Ignacio, Joel Lamangan, at Soxie Topacio.

Extended din hanggang January 2013 ang TV5 show na kinabibilangan niya, ang Enchanted Garden.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN