Mikael Daez targets another lead role for next project after Sana Ay Ikaw Na Nga: "Of course, I would like to reach for the sky all the time."

Nagpapasalamat si Mikael Daez dahil sa patuloy na pagtaas ng rating ng kanilang afternoon soap na Sana Ay Ikaw Na Nga. Saad niya, “Of course, I’m very thankful na nakapag-lead na ako sa soap na ito. But I believe it’s a team effort. Hindi naman puwedeng ako lang sa soap at kinakausap ko ang sarili ko. So, yung success namin is because of the team. Lahat talaga ganado, lahat ngayon inspired.”


Walang duda na tama ang naging desisyon ni Mikael Daez na pasukin ang showbiz dahil sa loob lamang ng mahigit isang taon ay puro magaganda ang nangyayari sa kanyang career.

Mula sa pagiging isa sa leading men ni Marian Rivera sa Amaya at My Beloved, heto’t siya na ang lead star, kasama si Andrea Torres, sa panghapong serye na Sana Ay Ikaw Na Nga.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Mikael sa Fleur de Lys, sa Tomas Morato, Quezon City, noong October 30, masaya niyang ibinalita na papaganda nang papaganda ang nakukuhang rating ng kanilang palabas.

“Actually, kami kasi sa set, kami nina Direk [Roderick Lindayag], nag-uusap kami palagi, nagdi-dinner.

“Parang doon ako may downward spiral o awkward spiral din na kapag nagkapatung-patong na ang magagandang balita, mas nagaganahan kang magtrabaho.

“Mas may kumpiyansa ka at mas ganado ka. Kasi, mas gumaganda yung produktong ginagawa mo.

“Feeling ko, ganoon ang nangyayari na mas masaya kami sa isa’t isa.

“Mas marami kaming ginagawa, at si Direk, mas nai-inspire rin.”

Noong ilu-launch pa lang sila ni Andrea sa Sana Ay Ikaw Na Nga, hindi maitatangging nandoon ang kaba at ang pressure na nararamdaman nila bilang sa kanila ipinagkatiwala ang remake ng teleserye na pinagbidahan noon nina Dingdong Dantes at Tanya Garcia.

Ngayong napatunayan nilang kaya pala, masasabi ba ni Mikael na wala na ang kaba, mas relaxed na sila?

Sagot ng model turned actor, “Ngayon, pinalitan naman ang pressure na kailangan, mapalitan namin, ma-sustain namin ang rating ng show namin.

“Pero yun nga, ngayong nakita na mas ganado ang lahat, kaya ng show namin, kaya namin ni Andrea, I guess it’s a bit easier na rin.

“Pero siyempre, importante pa rin ang pressure, kaba…

“Kasi, kung wala yun, walang magtutulak sa ‘yo, kaya kailangang ma-maintain namin ang rating.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LEADING MAN. Ramdam na ramdam na ba niya ang pagiging leading man ng Kapuso network?

Natawa si Miakel sabay sabing, “Ano ba naman yung feel na feel?

“I work hard. Titulo lang naman yun.

“Of course, I’m very thankful na nakapag-lead na ako sa soap na ito. But I believe it’s a team effort.

“Hindi naman puwedeng ako lang sa soap at kinakausap ko ang sarili ko.

“So, yung success namin is because of the team.

“Lahat talaga ganado, lahat ngayon inspired.”

Pero dugtong din niya, “Yes, tinatanggap ko naman na ako ang leading man nito.

“Pero, it doesn’t stop there.

“There’s a lot of teamwork involved para maging successful ang show.”

Ngayong nakapag-lead na siya sa afternoon soap, gusto ba niyang sa susunod niyang project ay sa primetime naman siya magbida?

“Yun ang hindi ko alam,” nakangiti niyang sabi.

“Hindi ko masasabi yun. Kung ilagay ako sa primetime, tatanggapin ko.”

Paano kung second lead ang ibigay sa kanya, tatanggapin pa ba niya pagkatapos niyang maging leading man na?

Sagot ni Mikael, “Of course, I would like to reach for the sky all the time.

“So, I would like to get a lead role in my next project.

“Pero siyempre, hindi ko naman kailangang isipin yun.

“Kailangang isipin ko muna ang performance ko sa project ko ngayon.

"Kasi, yun naman ang magdidikta kung ano ang puwedeng ibigay sa akin ng network for the next project.

“Hindi ko muna iniisip kung ano ang susunod ko—kung primetime, afternoon, leading man o hindi.

“Kasi, lahat nakasalalay sa project na ginagawa ko ngayon, e.”

SUSTAINING HIS CAREER. One year and four months na sa showbiz si Mikael.

Hindi naman nito itinanggi na sa loob ng panahon na yun, maganda at mabilis ang lahat ng pangyayari sa career niya.

Kadalasan ay mahirap mag-sustain ng magandang career sa showbiz. Ano ang ginagawa niya para ma-sustain ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad ni Mikael, “Naghanap ako ng paraan.

“One thing, I thank my supporters.

“Recently lang, nakilala ko yung mga officers ng Twitter page, Facebook page.

“Na-pick-up ko yun kay Marian [Rivera].

“Si Marian kasi, nakuwento niya sa akin na palagi niyang mini-meet kahit yung mga officers lang, kasi hindi naman niya kayang i-meet lahat.

“Ako naman, na-meet ko na yung mga nasa Metro Manila, sa Cebu, at Iloilo.

“Natuwa naman ako na hanggang doon, nandoon.

“Siyempre, binibigyan ko sila kahit konting pasalubong.

“Then, nag-uusap kami kung ano ang puwedeng gawing gimmick, like Christmas party.”

ANDREA TORRES. Sabay silang inilunsad ni Andrea Torres sa Sana Ay Ikaw Na Nga.

Kumusta na sila ngayon?

“Okay naman, we’re good. Yun lang, mas napapagod siya kasi dual roles siya,” sabi niya.

Sa mas personal na aspeto, kumusta sila ni Andrea?

“We’re still getting-to-know-each other pa rin. Pero I think, nagdya-jibe kami very well.

“We’re very, very focused on our work.

“Mas naghahanap kami ng bagong challenges bilang artists.

“Kasi, yun naman talaga ang nagpu-push.

“Aside from the loveteam, dapat maganda rin ang acting namin.

“Paano kung walang acting, e, di wala rin mangyayari.”

Si Andrea ba ang tipo ng babae na puwede niyang ligawan?

“Yes, why not?” mabilis niyang sagot.

“She’s someone I can be my friend.

“At kahit naman ako, dati pa, when I’m with someone or my girlfriend, usually nagiging friend muna sila.”

Naiintindihan daw ni Mikael na kapag may libreng oras, natutulog si Andrea sa set dahil pagod ito madalas dahil sa kanyang dual role.

Ganoon din daw si Mikael dati hanggang sa maimpluwensiyahan siya ng co-star nilang si Gabby Eigenmann.

Kuwento niya, “Nahawa ako kay Gabby.

“Sinabi niya sa akin na, siya, hindi siya natutulog, nae-enjoy niya.

“Kaya ayun, nahawa ako, hindi na rin ako natutulog buong taping.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I can’t remember the last time I slept in taping at kahit 7 a.m. hanggang 7 a.m. [the following day]. At nae-enjoy ko nga siya na hindi natutulog.

“So, ako, natutuwa ako sa impluwensiyang nakuha ko kay Gabby.”



MEGAN YOUNG. Patuloy na nali-link si Mikael sa Kapamilya young actress na si Megan Young mula nang may lumabas na picture nila na magkasama sa isang mall.

Bakit nga ba patuloy pa rin silang nail-link sa isa’t isa?

Sagot ni Miakel, “Patuloy kaming nali-link kasi friends naman kami.

“I’ve known him for quite sometime already.

“At yun nga, yung common friends namin, common friends pa rin namin. Hindi naman kami nagkaaway.

“At yung mga pictures na two or three years ago lumabas, ngayon, lumulutang pa rin.

“Sasabihin, bagong picture n’yo, pero luma naman. Ganoon talaga.

“It’s no surprise na mali-link ako pati ibang artista, nali-link pa rin sa mga luma nilang flames.”

Kung mauwi ang friendship nila ni Megan into romantic relationship, may nagbabawal ba?

“Wala namang nagbabawal sa personal life,” sagot ng Kapuso actor.

“Of course, when you work, you have to be careful with your image kasi yun ang investment ng network.


"Pero personal life, wala namang bawal. I could end up with anybody.”

Kilala na raw kasi niya si Megan noong model pa lamang siya at wala raw siyang ideya na artista pala ito noon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN