John Prats admits to feeling "awkward" about relationship of best friend Angelica Panganiban with John Lloyd Cruz

Bukod sa magkasama sa show ay matalik ding magkaibigan sina John Prats (in photo) at Angelica Panganiban, na girlfriend ngayon ni John Lloyd Cruz. Bago naging sina Angelica at John Lloyd ay nakarelasyon ng aktor si Shaina Magdayao. Bago naman naging sina John Lloyd at Shaina ay si John ang boyfriend ni Shaina. Sabi ni John tungkol dito: “Siyempre, iisipin ko na bakit naman ako magagalit sa isang taong nagpapasaya sa taong mahal ko rin, di ba? Ayoko na nga ng may kaaway.&rd


Sa press conference para sa ika-apat na taong anibersaryo ng Banana Split Extra Scoop sa Napa Restaurant noong Martes, October 30, hindi maiwasan, na bukod sa friendship na nabuo sa cast at staff ng show, napag-usapan din ang tungkol sa lovelife ng cast members.

Sa kaso ni John Prats, siya na mismo ang nagsabi sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press na tumbukin na ang gustong itanong sa kanya.


BIANCA’S NEW GUY. Ang unang itinanong kay John ay kung ano ang reaksiyon niya na may nakuha na diumanong kapalit ang dating girlfriend na si Bianca Manalo.

Isang modelo na nangngangalang Carlo Gonzales daw ang bagong boyfriend ng dating beauty queen.

“Carlo Gonzales ba? Hindi ko alam. Sorry, ha,” nakangiting sabi ni John.

Dahil modelo ay matangkad din daw ang new guy ni Bianca.

Sabi naman ni John, “Ayun, matangkad... bagay sila.

“Umpisa pa naman, sinabi ko na sana makita namin ang happiness namin.

“At ngayong nalaman ko, diumano, na siya ay happy ngayon, yun lang naman ang wini-wish ko—na maging masaya ang lahat.”

Hindi ba nagulat si John, na kung totoo ngang may bago nang boyfriend si Bianca, tila mabillis itong nakahanap ng kapalit niya?

Nag-break ang dalawa noong Mayo ng taong kasalukuyan.

Sagot ni John, “Sa panahon naman ngayon, kung meron naman na diyan na puwedeng magpasaya sa ’yo, grab it, baka mawala pa.”

Sa kanya ba, may nagpapasaya na rin?

“Fortunately, masaya ako sa sarili ko. Hindi ko naman siya hinahanap ngayon.

“Sabi ko nga, para maiba naman, e-enjoy-in ko muna ang sarili ko na mag-isa, surrounded with so many friends, and makipag-meet.

“I’m openly entertaining pero hindi naman ako yung talagang magka-girlfriend na. Hindi naman ako ganun.”

SUNSHINE GARCIA. Kasama ni John sa Banana Split Extra Scoop ang dating SexBomb girl na si Sunshine Garcia, na na-link din sa kanya at nadawit pa ang pangalan sa breakup nila noon ni Bianca.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba talaga naging sila ni Sunshine?

Tugon naman ni John, “Alam n’yo, hindi talaga naming alam kung saan nanggaling yung isyung yun. Natatawa kami na lumalaki siya.

“Pati yung Star Magic na napapanood ko na may isyu sila.

“Parang never ko naman nabigyan ng reason si Bianca na pagselosan si Sunshine of all people.

“Sunshine is a nice girl.

“Kumbaga, sa amin sa Banana Split, hindi ko rin nakikitaan ang sarili ko na magkakaroon ng girlfriend doon sa circle namin.

“Para kaming family na walang malisya.”

Hindi ba naapektuhan ang friendship nila ni Sunshine dahil sa pagkaka-link nila?

“Hindi, definitely hindi,” sagot ni John.

ANGELICA AND JOHN LLOYD. Naitanong din ng PEP kay John ang pagkakaibigan nila ng co-star niya sa Banana Split na si Angelica Panganiban.

Ang boyfriend ngayon ni Angelica ay si John Lloyd Cruz, na ex-boyfriend naman ni Shaina Magdayao.

Bago naging sina Shaina at John Lloyd ay si John ang boyfriend ng young actress.

Hindi ba naapektuhan ang friendship nila ni Angelica dahil dito?

Sagot ni John, “Well, in fairness to Angelica, noong mga moments na lumalabas sila, she talked to me about it.

“Yun nga ang sinasabi ko, yung friendship namin ni Angelica is really unconditional.

“Siyempre, iisipin ko na bakit naman ako magagalit sa isang taong nagpapasaya sa taong mahal ko rin, di ba?

“Ayoko na nga ng may kaaway,” saad niya.

Matatandaang early this year ay nagkaayos na rin sila ng ex-girlfriend niyang si Heart Evangelista.

Kuwento ni John, “Parang after ten years, nagkita kami sa Friday’s.

“Si Angelica pa nagpa-meet sa amin, tapos nagulat ako, nandoon si Heart.

“Okay pala...

“First time kong ma-experience na okay ako sa mga ex ko.

“So, sabi ko, siguro it’s about time na magkaayos-ayos na.

“Anyway, nangyari naman siya for a reason. Malay natin, hindi talaga kami para sa isa’t isa, obviously.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inamin naman ni John na noong una niyang malaman na sina Angelica at John Lloyd na ay nakaramdam din siya ng kakaiba.

Aniya, “Siyempre, tao lang din ako.

“Noong una, parang awkward.

“Pero, after that awkwardness, nag-usap kami ni Lloydie.

“Noong unang kita namin, sinabi ko sa kanya na basta huwag niya lang sasaktan ang best friend ko.”

Sa Star Magic Ball daw sila nagkausap ni John Lloyd.

“Yun lang naman ang sinabi ko sa kanya—very brief. Then after that, okay na, very casual na.

“Ako naman, mabuting tao naman si Lloydie, at alam ko naman na si Angelica, kaya naman niyang dalhin ang sarili niya.

“Kung anuman ang meron sila, sa kanila naman yun.

“At nandito lang ako bilang kaibigan na handang sumuporta para sa kanila.”


EX-GIRLFRIENDS. Tanong namin kay John: Hindi ba siya naiinggit na in-love ang mga kaibigan at ilan sa exes niya?

Natawa ito, sabay sabing, “Okay lang naman.

“Oras nila ngayon at alam ko na darating din ang oras ko.

“At kapag dumating yun, sisiguraduhin ko na papakasalan ko na agad.”

Dahil nabanggit na rin naman ni John na okay na siya sa ex-girlfriends niyang sina Heart at Shaina, sila ba ni Bianca ay okay na rin?

Sabi ni John, “Siguro, in time, kasi yung with Shaina and Heart, hindi naman napilit.

“So, hindi ko rin in-expect.

“So, siguro darating din siya sa moment na hindi ko rin ine-expect.”

Meron na ba siyang binalikan sa mga naging ex girlfriends niya?

“Wala pa,” sagot niya.

Pero kung sakali lang, sino sa mga naging ex niya ang puwede niyang balikan o dugtungan ang kanilang naging relasyon?

“Yung puwede?” nangiti niyang sabi.

“Naisip ko rin naman, at since tinanong n’yo rin sa akin ‘yan, siguro si Heart.

“Dahil first mo, bata pa kami nun. So, yung mga reason kung bakit din kami nag-break, parang mga walang kuwenta na lang ngayon na tinatawanan ko na lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero what if lang naman yun, at lahat naman kami, nakapag-move on.

“Siguro, sa lahat ng mga naging exes ko, siya lang ang nakitaan ko ng possibility.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN