KC Montero on Rhian Ramos’s family: "I like her family, and for her family to like me back is a big thing."

Bukod sa paghu-host sa TV, radio, at corporate events ay abala rin si KC Montero sa kanyang mga negosyo. Hindi kaya paghahanda na ito para sa pagpapakasal nila ng girlfriend niyang si Rhian Ramos? Sagot ni KC: “You don’t have to be rich to get married. More than anything else, you have to save for the future. And Rhian is very successful—and I also aspire to be as successful as she is. Money is nothing really to us. It doesn’t matter.”&l


Out in the open na ang relasyong KC Montero at Rhian Ramos.

Sa kanilang mga interbyu, puro sweet na salita lamang ang naririnig mula sa isa’t isa tungkol sa isa’t isa.

Dahil dito, marami ang nagtatanong kung mauuwi na nga ba ang kanilang relasyon sa kasalan.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay KC last October 30, sa launch ng Windows 8 ng Microsoft Philippines, sa may Genting Club, Resorts World, inusisa namin si KC tungkol dito.

Bukod sa mga hosting jobs ay marami rin daw negosyo ang radio host/DJ. Paghahanda na ba ito sa kanyang pag-aasawa?

Sabi ni KC, “Hindi naman ako mayaman, nagsisipag lang.

“Marrying level? I don’t know.

“You don’t have to be rich to get married.”

Dagdag pa niya, “More than anything else, you have to save for the future.

“And Rhian is very successful—and I also aspire to be as successful as she is.

“Money is nothing really to us. It doesn’t matter.”

Masaya rin si KC na suportado ang kanilang relasyon ng mga magulang ni Rhian, lalo na ng kanyang ina.

Aniya, “It’s very nice to have the support of her family.

"You know, I like her family, and for her family to like me back is a big thing.”

Kahit na ilang buwan pa lamang ang kanilang relasyon ay hindi daw nila binibilang ito, basta lang daw masaya silang pareho.

Saad ni KC nang tanungin kung gaano na sila katagal: “I don’t know, e, I don’t count. You don’t count those things when you’re having fun.”

Sa huli, inamin ni KC na medyo tahimik na ang kanilang relasyon dahil wala na raw nanggugulo sa kanila.

Dati kasi ay nagpaparinig sa social networking site na Twitter ang ex-boyfriend ni Rhian na si DJ Mo Twister, na naka-base sa ngayon sa New York.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dati ring matalik na magkaibigan sina KC at Mo.

Sabi ni KC, “Wala, wala. Tahimik na siya. Well, it doesn’t really matter what anybody says.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN