Eric Quizon happy about third extension of Enchanted Garden

Bilang direktor ng Enchanted Garden ay masaya si Eric Quizon na muling extended ang kanilang eco-fantaserye sa TV5. Sabi niya, “Enchanted has been there since July, na-extend kami ng another month, and then another two months. Ang sabi sa amin, supposedly mag-e-end kami ng November 15. So ngayon, extended kami mga until first week or second week of January 2013."


Nasa ika-apat na taon na ang operasyon ng Dolphy Aid Para sa Pinoy Foundation na sinimulan noong October 2008.

Kaugnay ng kanilang fourth anniversary ay nagbigay ng P250,000 donation ang Dolphy Aid sa Eye Bank Foundation of the Philippines.

Ginanap ang turnover nito last Tuesday, October 30, sa Romulos Café, Quezon City.

Si Eric Quizon, anak ng Comedy King, ang tumatayong chairman ng Dolphy Aid.

Ang actor-director din ang personal na nag-abot ng financial assistance sa Eye Bank, galing sa bahagi ng kinita ng Dolphy Alay Tawa concert, na ginanap sa SM Moa Arena noong September. (CLICK HERE to read related story.)

Kuwento ni Eric, “Remember last September 19 at the SM Moa Arena, idinaos yung Alay Tawa, and one of the beneficiaries of that event is Eye Bank.

"So yung ipinangako namin na tulong, ito na yun.”

Maganda raw ang layunin ng Eye Bank dahil marami silang natulungang mga mahihirap na mamamayan para muling makakita.

Saad pa ni Eric, “Gusto lang naming makatulong sa mga taong gustong makakitang muli. Mas mapaganda ang kanilang paningin.

“Like I said, this day is the culmination of what we promised, so kaya nandidito kami parang…

“It’s a way of saying na tinupad namin yung ipinangako namin sa Eye Bank."



ENCHANTED GARDEN EXTENDED. Masaya rin si Direk Eric dahil tatlong beses na raw nabigyan ng TV5 ng extension ang dapat sana’y tatlong-buwang airing ng eco-fantaserye nilang Enchanted Garden.

Saad niya, “Yes, kasi nga medyo mataas nga yung ratings. They decided to extend it.

“Siguro naisip ng management na why let go of a project that’s doing well.

“Tsaka nangyari kasi sa Enchanted, ang taas ng ratings, not just in the province.”

Dagdag pa niya, “Enchanted has been there since July, na-extend kami ng another month, and then another two months.

“Ang sabi sa amin, supposedly mag-e-end kami ng November 15.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So ngayon, extended kami mga until first week or second week of January 2013.

“Right now, they’re fixing Book Two. Kasi, parang ang mangyayari, magkakaroon ng Book Two, continuation of the story.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN