Heart Evangelista on intrigue that Senator Chiz Escudero is only using her for his political career: "Okey lang. Bahala na sila. Hindi naman sila ang kinikilig, e!”

Nitong nakaraang bakasyon ay lumipad si Heart Evangelista sa Hong Kong kasama ang kasintahang si Senator Chiz Escudero. Ito ang unang pagkakataong bumiyahe ang magkasintahan sa labas ng bansa.


Maganda ang mood ni Heart Evangelista nang makakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa backstage ng Party Pilipinas kahapon, November 4.

Masaya siyang nagkuwento tungkol sa ilang araw niyang bakasyon nitong nakaraang Undas.

Lahad ng Kapuso actress, “Nag-enjoy ako. Nakapag-relax ako kahit papa’no.

“Kasi starting next week, every day na ang work ko, e.

“MWF [Monday, Wednesday, and Friday], may taping na ako para sa bago kong soap.

“Tuesday, Thursday, and Saturday naman, may shooting ako para sa movie naman na Sossy Problems.

“And then Sunday, Party Pilipinas.

“Dun sa soap, I think makakasama ko si Geoff Eigenmann.

“Mag-i-story conference na kami for it—balik-drama na naman ako.”

HONG KONG VACATION WITH SENATOR CHIZ. Nakabuti nga raw na nagkaroon siya ng time na makapagbakasyon—kasama ang boyfriend niyang si Senator Chiz Escudero—kahit ilang araw lang dahil sasabak na naman siya sa tuluy-tuloy na trabaho.

Sabi ni Heart, “Medyo hectic na hectic na ako this time around. So, nakapagbakasyon ako.

“Pumunta kami ni Chiz sa Hong Kong and nag-enjoy naman kami doon.

“Nakapunta rin kami ng Macau ng isang araw, pero balikan lang.

“May tiningnan lang ako. Ganun lang… tingin-tingin, ganyan.”

Ang ilang araw na bakasyon nila ay naging masayang bonding moment daw nila ni Senator Chiz.

“Bonding talaga na… getting-to-know-you-to-the-next-level. More to the next level ang aming getting-to-know.

“Dalawa lang kami, oo.

“First time ko na lumabas sa ibang bansa with him.

“And, uhm… kasi siyempre importante rin na makalabas naman ako.

“E, siya rin, busy rin ang schedule niya.”

NEXT LEVEL. Nasabi ni Heart na “to the next level” na ang getting-to-know-each-other stage o bonding nila ni Senator Chiz. Ano ang ibig sabihin niya rito?

“Kasi, when you travel kasi, you get to know each other more, di ba? So, ‘yon.

“Nakilala ko naman siya more and wala namang difference.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi hindi naman ako nagpapanggap. Hindi rin naman siya nagpapanggap.

“And so… wala namang difference.

“Pero nag-enjoy ako.

“Maalaga kasi talaga siya, e. Siguro dahil I think he’s older.

“Tapos ako, younger, so may pagkapabandying-bandying ako nang konti.

“Kasi ano ako, e… I’m very sheltered, kumbaga. Pero ang dami kong natutunan.

“Nag-walking-walking kami here and there… ganyan.

“But more or less, it’s the same lang naman.”

WHY HONG KONG? Bakit sa Hong Kong nila naisipang magbakasyon?

Sagot ni Heart, “Kasi iyon ang pinakamadaling puntahan, e. Malapit lang.

“Ang daming mapapasyalan. Maganda yung weather.

“May mga kabigan din kami doon.”

Nag-shopping din ba sila sa Hong Kong?

Sagot ni Heart, “Tama lang. Hindi ako masyadong nakapag-shopping kasi nag-iipon ako these days—gusto kong magpatayo ng bahay.

“So, tama lang yung shopping. Pero, more of kain, ganyan.”

Bakit niya naisipang magpatayo ng bahay?

“Actually, hindi city house. Gusto ko, bahay-bakasyunan.

“Dun na lang siguro sa Cavite kung saan nasunog yung bahay namin.”

May mga memorable places ba sa Hong Kong para sa kanilang dalawa?

“Wala, e. More of… kung ano yung nagustuhan niya doon at kung ano ang nagustuhan ko. Parang gano’n.

“More of, kung ano yung gusto ko actually yung pinuntahan namin. Yung restaurant na gusto ko… ganyan.”

Naisip ba niya ang tungkol sa paglagay sa tahimik sa panahong magkasama sila ni Senator Chiz sa Hong Kong?

“Oh, my gosh!” natawa si Heart.

“Huwag muna.

“Wait! Masyado pang maaga para maisip ko ang tungkol doon.”

KEEPING IT PRIVATE. Unang umamin si Senator Chiz tungkol sa totoong namamagitan sa kanilang dalawa. And Heart opted to keep quiet about it.

Hanggang ngayon, matipid siyang magkuwento kapag ang paksa na ay ang relasyon nila ni Senator Chiz.

Paliwanag ng aktres, “Yes, I really wouldn’t want to sit down and do a full interview or something like that.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I think I owe it to myself this time to keep it private because you’ll never know what will happen.

“Siguro this time, natuto na ako na… hinay-hinay lang.

“At hindi naman sa idini-deny—ginagawa lang pribado ang mga bagay.

“So ‘yon lang siguro ang gusto ko.

“Tingin ko, mas okey yung gano’n na you keep it private… although pareho kaming public figure. Anong magagawa namin?

“But… it’s still ano, it’s nice to keep it private."

Dagdag ni Heart, “Si Chiz, sobrang bait niya.

“Seryoso siyang tao pero napaka-down to earth niya. Napaka-sincere niya sa lahat ng tao.

“Funny rin siya. Very funny.”

POLITICAL GIMMICK? Aware naman daw sila na may mga hindi kumbinsido sa pagkakaroon nila ng relasyon.

May mga nag-iisip na nagagamit ngayon si Heart para sa political career ni Senator Chiz.

"Okey lang. Bahala na sila. Hindi naman sila ang kinikilig, e!” sabay tawa niya.

“Yeah, I mean, you know… that’s why I want to keep it private kasi ayoko ng mga intriga.

“But then again, you know… business ko ‘yon, e,” pagtukoy niya sa relasyon nila ni Senator Chiz.

“Kumbaga, kung may mga sinasabi man sila, okey lang. Wala namang magagawa sa akin ‘yon, e.

“I’m always going to be open, I’m always going to be honest. But I won’t be as public as before.

“I’m happy like that.”

POLITICIAN’S WIFE? For the record, gaano na ba sila katagal ni Senator Chiz?

“Actually, hindi namin binibilang ‘yon, e.

“So let’s say I’ve known him for almost six months now.”

Pero hindi six months yung relasyon nila?

“Hindi. Siguro mga two to three months... mga ganyan. Oo.”

Lalo ba niyang minahal si Senator Chiz ngayong mas nakilala niya ito?

“Wow!” muling nangiti si Heart. “Basta masaya naman. Oo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang tawagan nila sa isa’t isa?

“Wala. Chiz… Heart. Chizzy Heart.”

Naiisip ba niyang someday ay maging politician’s wife?

Sagot ni Heart, “I have not thought of that. I’d like to enjoy what I have now. I’ve learned my lesson. We’ll never know.

“Kung mangyayari, mangyayari. Kung hindi, hindi.

“Uhm… hindi na ako sa posisyon na iniisip ko pa ‘yong mga ‘yon. Enjoy ko lang ‘yong buhay ko one day at a time.”

Mangyari kaya na maimpluwensiyahan siya ni Senator Chiz to get into politics?

“Wala. Hindi.

“He lets me enjoy what I want to do.”

Pero open ba siyang pasukin ang mga political activities ng senador?

“Ah… in fact, ayaw niya. Because he doesn’t want anybody to think that way.

“And also, careful siya para sa akin din.

“So, nakakatuwa, because ayaw niya.

“But if there’s time na nando’n ako, e, di nandoon ako.

“Pero hindi niya ako kailangan, number one naman siya.

“So let him do his thing, I’ll do mine.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN