Jennylyn Mercado talks about swimming with sharks in Dubai with boyfriend Luis Manzano

Magkasamang nagbakasyon sa Dubai si Jennylyn Mercado at ang kasintahang si Luis Manzano. Sa tagal ng stay nila sa Dubai, may mga nadiskubre ba silang bago sa isa’t isa? Sagot ni Jennylyn, “Wala naman. Kasi ang tagal ko na siyang kakilala. Parang nag-enjoy lang kami. Wala na akong ibang inisip pa. Normal lang.”


Naging masaya ang naging bakasyon ni Jennylyn Mercado sa Dubai, kasama ang kasintahang si Luis Manzano, bago matapos ang buwan ng Oktubre.

Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Jennylyn bago siya isalang nang live sa H.O.T. TV noong Linggo, November 4, sinabi nitong nag-enjoy siya nang husto sa trip nilang ito.

Sabi ng Kapuso actress-TV host, “Masaya... ang dami naming nagawa.

“Halos hindi na kami pumupunta ng hotel, lagi lang kaming gumagala.”

SWIMMING WITH SHARKS. Ang pinakapaborito raw nilang ginawa ay ang paglusong sa aquarium na maraming sharks at iba’t ibang klaseng hayop-dagat.

Kuwento ni Jennylyn, “Ang pinakapaborito ko, yung dive... yung shark dive.

“Yun ang pinakapaborito kasi, di ba, nagda-dive kami [sa Pilipinas]?

“Kami lang ang humahabol sa sharks, kasi hindi nagpapakita yung sharks… laging malayo lang or mabilis masyado.

“Doon, harap-harapan talaga.

“May twenty sharks doon sa aquarium—as in pakalat-kalat lang sila.”

Hindi ba sila natakot ni Luis?

“Hindi, sobrang excited kami.

"Kasi dito, kami ang humahabol.

“Doon, sila ang humahabol!” sabi ni Jennylyn kasunod ang malakas na tawa.

Nag-briefing ba muna sila bago pinalusong sa malaking aquarium?

“Oo naman. Ang sabi sa amin, hindi mo sila [sharks] puwedeng kulitin kasi puwede ka nilang kainin—like laruin or gulatin.

“Saka yung sa bubbles? Pag may lumabas na bubbles, tapos dumadaan sila, puwede silang ma-disturb.

“Kaya pag may dumadaan sa amin, hindi kami humihinga! Nakakatawa!”

Patuloy niyang kuwento, “Dahan-dahan lang kami.

“Pag nandiyan na sila, sumisilip lang kami, hindi kami gumagalaw. Hinahayaan namin silang lumapit.

"Yun ang pinaka-exciting.

“Hindi nga puwedeng mag-picture, e. Kasi ano siya…

“Basta, kapag may metal kang dala-dala, or kahit anong nakakabit sa katawan mo na metal, puwede mo silang ma-attract.

“Kaya bawal yung kamera or microchip sa loob.”

Ipinaliwanag din ni Jennylyn na hindi naa-attract ang mga pating sa mga matitingkad na kulay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi ang eyesight nila, hindi masyadong malinaw. Ang malakas e yung smell.”

SHARK EXPOSURE. Thirty minutes daw nagtagal sa loob ng giant aquarium sina Jennylyn at Luis.

Ano ang naramdaman nila pag-ahon?

“Sarap! Kasi ang dami naming nakikita… mga malalaking stingray.

“Yung mga sharks, kasing laki ni Luis, ganoon kalalaki!

“Saka yung mga manta [ray]… pag dumadaan sila, talagang dumidilim yung aquarium, kasi natatabunan nila talaga yung light.”



SKYDIVING. Natuloy ba ang skydiving nila?

“Hindi, si Luis lang. Kasi, di ba, may heart condition [ako], e.

“Pag may mga ganun, hindi puwede, kasi 30,000 feet [ang taas].

“So, medyo pag ninerbiyos ako, baka doon pa ako mayari, di ba?

“Pumunta ako doon para magbakasyon, e, tapos may mangyayari sa akin?” tumatawang sabi ni Jennylyn.

Hindi ba siya na-disappoint at hindi niya nagawang mag-skydiving?

“Hindi naman, kasi fear ko rin yung heights, kaya okay lang.”



SAFARI. Nagawa rin daw nila ang mag-safari adventure.

“Oo, nag-safari kami… yung tawag doon? Ahmm… nag-4x4 kami, parang ride.

“Nakakagulat lang kasi marami kami—magkakasabay na 4x4,” kuwento niya.



NIGHT LIFE. Maliban sa mga nabanggit ni Jennylyn, nagawa rin daw nilang manood ng belly-dancing show at kaunting shopping.

Nakapag-romantic dinner ba naman sila o may romantic moments ba sila sa Dubai?

“Oo naman, meron naman kaming ano… nakapag-ano naman…

“Yeah, mga ganoon. Pero most of the time, nasa galaan kami.”

Binili lang daw niya ang kanyang mga kailangan at pasalubong sa pamilya at mga kaibigan.



NEW DISCOVERIES? Dahil sa malayo sa Pilipinas, at matagal-tagal silang nagsama ni Luis sa ibang lugar, meron ba siyang nadiskubre pang iba o bago sa kasintahan?

Tugon ni Jennylyn, “Wala naman, kasi ang tagal ko na siyang kakilala.

“Parang nag-enjoy lang kami. Wala na akong ibang inisip pa.

“Normal lang,” nangingiti niyang sabi.

Na-realize ba ni Jennylyn na talagang mahal nila ang isa’t isa sa bakasyong ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo naman…” punung-puno ng ngiting sagot ni Jennylyn.

Kailan ang susunod nilang bakasyon abroad?

“Wala pang plano, kasi babawiin ko na naman yung mga araw na binakasyon ko.

"So, back to work na naman.

“Hindi ko na naman uli alam kung kailan ako magkakaroon [ng libreng oras]… Kasi, eto naman, seven months or eight months ago na namin plinano ito.

“So, matagal na talaga. Wala pang H.O.T. TV, nakaplano na ito,” dagdag niya.



WITH OFWS. Ang unang pakay talaga ng pagpunta ni Jennylyn sa Dubai ay para sa isang gabi ng show niya doon.

Ikalawang beses na niya itong nag-show sa United Arab Emirates, kaya naman naisip niyang dito na rin gawin ang bakasyon nila ni Luis.

At sa pamamasyal nila, tumambad kay Jennylyn ang napakaraming Pinoy na naglipana sa Dubai.

“Ang daming Filipino doon, ha?

“Parang na-realize ko na fifty percent, Filipino… totoo talaga.

“Kasi magpunta ka sa mga Louis Vuitton, Prada—lahat Filipino.

“Walang store na papasukin mo na walang Filipino—mapa-high end or mababang stores, talagang may Filipino.”

Hindi ba nakasagabal sa kanilang bakasyon ang maraming Filipinong nakakakilala sa kanila ni Luis?

“Okay lang naman, masaya na rin kami kasi parang nasa Manila rin kami,” sagot ng Kapuso star.

May mga lugar din daw na pinagkaguluhan sila ng mga Pinoy.

“E, kasi sabik silang makakita ng mga artista dahil sa tagal nilang nandoon.

“Saka ang maganda sa mga shopping centers, mga stores na pinupuntahan namin… ’O, Filipino! Eto, free-free…’ ang dami nilang mga free.

"Parang nami-miss talaga nila yung mga Pinoy.

“Kaya kapag may mga Pinoy na nagpupunta doon, binibigyan nila ng mga free.

“Saka doon sa pinag-stay-an naming hotel, madaming Pilipino.

“Pagkadating namin, may gift agad sila… mga ganoon—bulaklak, tsokolate.

“Nakakatuwa… parang sabik na sabik talaga sila pag nakakakita sila ng Filipino.”

Nagugulat daw ang mga ibang nationality sa Dubai kapag pinagkakaguluhan sila ng mga Filipino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nagugulat sila, parang iniisip nila, nakikita namin sa reaksyon nila na parang, ‘Sino ba itong mga ito?’

“Siyempre, hindi naman nila kami kilala.”



DARING CLOTHES. Sa mga larawang ipinakita sa H.O.T. TV, nakasuot ng maikling shorts si Jennylyn. Hindi ba bawal doon ang mga ganung klaseng kasuotan?

“Hindi. Nakapag-shorts ako ng short-shorts. Naka-sando ako.”

Hindi ba nagseselos si Luis kapag pinagtitinginan siya ng mga kalalakihan doon?

“Hindi, kasi marami namang mga tao doon.

“Lalo na yung mga foreigner na taga-U.S. or mga taga-ibang bansa na nagbabakasyon din doon, na parang kulang na lang maghubad, e.”

E, di proud sa kanya si Luis dahil napaka-sexy ng girlfriend niya?

“Hindi rin. Ang taba-taba ko!” humahalakhak na bulalas ni Jennylyn.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN