Megan Young on reported transfer of younger sister Lauren to GMA-7: “I want her to make her own decisions.”

Malaking karangalan daw para kay Megan Young na makasama ang tambalang John Lloyd Cruz at Bea Alonzo sa primetime series na A Beautiful Affair. Saad ni Megan, "For me, to work with Bea and John Lloyd is a huge part of my career already and to work with them twice already, iba na ‘yon. Kasi, siyempre ako, kinikilig ako. I’m a Basha and Popoy fan sa One More Chance. Fan girl talaga ako ng team-up nila."


Bilang fan ng tambalang Bea Alonzo at John Lloyd Cruz, masaya si Megan Young na kasama siya sa kanilang bagong teleserye sa ABS-CBN—ang A Beautiful Affair.

“For me, to work with Bea and John Lloyd is a huge part of my career already and to work with them twice already, iba na ‘yon.

“Kasi, siyempre ako, kinikilig ako. I’m a Basha and Popoy fan sa One More Chance. Fan girl talaga ako ng team-up nila,” sabi ni Megan nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media sa press conference ng A Beautiful Affair kamakailan.

Dagdag niya, “Masaya ako, siyempre, kasi they trusted me na makasama sa A Beautiful Affair.

"It’s always an honor to be considered to be a part of a new soap.”

Bukod sa tambalang Bea at John Lloyd, maganda rin daw ang istorya ng A Beautiful Affair kaya itinuturing ni Megan na blessing na napasama siya sa mga artistang parte ng proyekto.

Aniya, “Well, tulad ng sinabi nila kanina, ang affair dito sa A Beautiful Affair, hindi siya masamang pakinggan.

“Hindi siya masama na affair, it’s a romance. Kumbaga, summer romance ang dating niya.

“It’s very fresh, it’s all about impulse yung affair—it’s not the bad kind of affair, ha, pinapaalala ko lang.

“Iba talaga, ibang klase yung A Beautiful Affair sa ibang nagawa ko nang soaps.

“Sa script pa lang, ibang-iba na yung pagkakasulat. Hindi siya yung templated na lagi nating napapanood.”



ON HER PERSONAL AFFAIR. Mula sa A Beautiful Affair, napag-usapan din sa interbyu ang tungkol sa "personal affair" ni Megan.

Matagal na ring usap-usapan ang pagkaka-link ni Megan sa Kapuso actor na si Mikael Daez.

Bagamat minsan na itong pinabulaanan ng Sana Ay Ikaw Na Nga actor, hindi pa rin natigil ang pagiging laman nila sa blind items.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Katulad ni Mikael, iginiit din ni Megan na: “Mikael is really just a friend of mine.”

Ipinaliwanag ng actress-TV host ang maaaring dahilan kung bakit patuloy silang nali-link sa isa’t isa.

“We have one group of friends in college, isang group talaga kami.

“Nali-link kami kasi we go out as barkadas.

“Nakikita nila, siyempre, kami yung public figures, kami yung nali-link.

“Kami lang yung celebrities, but we have other people from the media who are in our group. Like, we have people from the glossies, people from newspapers.

"They know the real score, na barkada lang talaga.”

Nang tanungin kung wala bang ligawang nagaganap sa kanilang dalawa, tumawa lamang si Megan at sinabing, “That would be really funny if that happened.”

Kapag magkakasama raw sila ng kanilang mga kaibigan, hindi nila napag-uusapan ang anumang tungkol sa showbiz.

“The thing is, when it comes to work, work kami.

“When it comes to barkada, walang usapang work, e, kasi ibang mundo na ‘yon, e.

“I mean, we wanna stay the people that we were, how we are with our friends, how they know us.

“Ayaw naming magsama-sama ng mga usapang showbiz.”

Ibig sabihin ba nito ay hindi talaga posibleng maging sila ni Mikael?

Muling tumawa si Megan at sinabing, “Ayaw ko ng mga ganyang tanong! Nakakaloka!

“The thing is, basically, we’re friends. That’s how we want it naman.”



ON SISTER LAUREN. Samantala, naging paksa rin sa aming interbyu ang tungkol sa nakababatang kapatid ni Megan na si Lauren Young.

May balita kasi na lilipat si Lauren mula sa ABS-CBN patungong GMA-7, na dating pinanggalingan ni Megan bilang produkto ng artista search na StarStruck.

Iniwasan ni Megan na magbigay ng komento tungkol dito.

Aniya, “Well, regarding sa work ko at saka sa work ni Lauren, ako, I’m more focused on what’s happening to me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Regarding to Lauren, wala naman akong update regarding that.

"Mas mabuti pa siguro na if you want to know about that, you ask her na rin.”

Patuloy pa niya, “Aware ako, of course, alam ko ang nangyayari kasi kapatid ko siya.

“But I don’t wanna give any final word habang wala pang final word talaga na nanggagaling sa iba.

“Ayaw kong mag-assume kasi baka mamaya magsalita ako ‘tapos hindi naman pala ito yung nasabi ko, hindi pala tama yung nasabi ko.

“So, ayaw kong pangunahan ang ibang tao pagdating doon.

“Dealings kasi niya ‘yon, e. Siya yung nakikipag-usap sa kung sinuman or kung kanino man.”



LETTING HER SISTER GROW UP ON HER OWN. Ayon kay Megan, nagbibigay naman siya ng payo sa kanyang kapatid. Subalit hindi niya raw ito iniimpluwensiyahan pagdating sa paggawa ng mga desisyon, lalo na sa kanyang showbiz career.

Sabi ni Megan, “Ako kasi, siyempre, independent na kaming dalawa ni Lauren.

“Ako, I want her to learn on her own as an adult. She’s a young adult.

“Pareho kami, siyempre, our family, we were… we had to grow up fast because we had to grow up on our own na, na wala ang parents namin, na kaming dalawa lang.

“So, ngayon pa lang, I want her to make her own decisions, I want her to learn kung ano ba ang dapat at di dapat gawin.”

Nabanggit din ng 22-year-old actress, “Ako kasi, bilang ate, I can only do so much. I can only tell her na, ‘O, ito dapat, ganito dapat.’

“Yung mga desisyon niya, hindi niya gagawin ‘yon… it’s up to her to become the adult that she will be when she grows older with the decisions that she makes.

“I want her to learn that. I want her to learn from mistakes also, not to say na, ‘O, magkakamali ka.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I want her to make mistakes to learn from them.”

Sa ngayon, wala pang katiyakan kung lilipat nga si Lauren sa GMA-7. Pero tiniyak naman ni Megan na tapos na ang kontrata ng kapatid niya sa Star Magic.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN