Janelle Manahan no-show at Ramgen Revilla-murder case hearing today

by Joyce Jimenez
Nov 6, 2012
Hindi nakadalo si Janelle Manahan sa court hearing para sa Ramgen Revilla murder case na ginanap sa Parañaque City Regional Trial Court Branch 274. Ngayong araw, November 6, dapat ipagpapatuloy ni Janelle ang pag-upo sa witness stand, na naudlot noong Oktubre 23, dahil sa pagiging emosyonal nito.

Hindi nakadalo si Janelle Manahan ngayong araw, Nobyembre 6, sa pagdinig sa Ramgen Revilla murder case na ginanap sa Parañaque City Regional Trial Court Branch 274.

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sa pamamagitan ng isang text message, ang abugado ni Janelle na si Atty. Argee Guevarra kung bakit hindi nakadalo sa hearing ang dalaga.

Sabi ni Atty. Guevarra, “Janelle had to attend a two-week, live-in mandatory training seminar in a real estate company she now works for.”

Ngayong araw dapat sana ipagpapatuloy ni Janelle ang pag-upo sa witness stand, na naudlot dahil sa pagiging emosyonal niya noong Oktubre 23.

Ito’y habang isalaysay niya ang mga kaganapan noong gabi ng Oktubre 28, 2011, nang mapaslang ang kasintahan nitong si Ramgen Revilla sa tahanan nito sa BF Homes Parañaque City.

Bunga ng hindi pagsipot ni Janelle ngayong araw, sinabi ni Atty. Gueverra na napagdesisyunan ng korte na i-reset ang hearing sa Disyembre 11.

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Janelle Manahan, Ramgen Revilla
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi nakadalo si Janelle Manahan sa court hearing para sa Ramgen Revilla murder case na ginanap sa Parañaque City Regional Trial Court Branch 274. Ngayong araw, November 6, dapat ipagpapatuloy ni Janelle ang pag-upo sa witness stand, na naudlot noong Oktubre 23, dahil sa pagiging emosyonal nito.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results