TV host-model Divine Lee on doing sexy pictorial for a men’s magazine: “No! Cannot be! Hindi naman ako ganoon ka-daring.”

Apat na taon na ang relasyon ni Divine Lee sa actor-model na si Victor Basa at aminado silang dalawang taon na silang nagsasama. Paano nagtagal ang kanilang relasyon? Sagot ni Divine: “Strong na yung foundation namin. Kasi ang tagal na naming magkaibigan… dekada na ang binibilang ng pagkakaibigan namin.”


Masayang kausap at hindi nauubusan ng sasabihin si Divine Lee dahil talagang likas ang kanyang pagiging madaldal at chikadora.

Bagay nga sa kanya na maging isa sa hosts na Ang Latest, ang showbiz-oriented show ng TV5.

Napatunayan ito ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang makausap namin si Divine last Saturday night, November 3, sa basement bar ng Hotel Rembrandt.

“Hosting lang naman talaga ang gusto ko.

“Happy na ako sa pagiging host. Hindi ko na hinahangad na mag-artista.

“Hindi ko carry iyon—no sing, no dance aketch [ako]!” sabay tawa ni Divine.

Patuloy niya, “Hosting lang talaga. Doon ako nag-e-enjoy.

“And I think, sa ngayon, bukod sa Ang Latest, parang I wanna do more.

“At laking pasasalamat nga sa mga nakakahalubilo kong movie press, gaya ninyo, kasi kayo ang nagtuturo sa akin kapag nasa field ako at may coverage.

“Kung wala ang movie press, hindi ko alam kung paano ako magsu-survive!

“Dahil nasanay ako na kapag may event, darating ako, tapos may magpi-picture sa akin, tapos diretso na ako.

“E, ngayon, ako na ang nag-aabang sa mga celebrities.

“Malaking tulong din sa akin si Nanay Cristy [Fermin]. Marami siyang tips at advice na ibinibigay sa akin.

“Sabi nga niya, ang pinaka bina-value niya is… Sabi nga niya, sa trabahong ito, dapat daw kung kaya mong sabihin, dapat kaya mo ring tanggapin.

“Iyon ang una niya talagang itinuro sa akin.

“Dahil nga pumasok ako sa showbiz news, so kung kaya ko raw itanong, dapat kaya ko rin daw sagutin kapag ako naman ang tinanong ng ganoon.”



MODELLING STINT. Sa modelling unang gumawa ng pangalan si Divine na sinundan ng paghu-host niya ng corporate events.

Kuwento niya, “Sabi kasi, sobrang daldal ko raw. Sayang naman daw kung hindi ko magagamit!

“And then, nag-start na akong magkaroon ng TV guestings.

“Ako ang nagsa-sub [substitute] kadalasan kapag mga fashion-related shows.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Halimbawa, kay Solenn [Heussaff], kapag wala siya, nagpa-Fashbook ako dati... ganyan.

“Hanggang dumating yung unang show ko na Extreme Makeover… reality [show] iyon.

“Na ang haba raw ng tape na nauubos sa akin dahil ang daldal ko raw!

“From there, sabi e i-try naman daw ako na ibato sa showbiz talk show, dahil nga ang daldal ko raw.

“Ayun, so bumongga naman.”

Tinalikuran na ba niya totally ang modelling world in favor of her hosting job now?

“No, I still do it.

“Pero mas interesado ako ngayon sa tao. Parang interesado akong nagtatanong. Interesado akong nakikipag-usap.

“Kaya I think sa hosting ako napunta.

“Pero halimbawa yung mga acting talaga na ganyan, hindi ko kaya!” tawa ni Divine.

“Si Victor [Basa, her boyfriend] na lang. Siya na lang iyon.

“May mga ginawa na ako dati na cameo roles, pero as myself.

“Sabi ko, hindi ko yata kayang gawing ibang character ang ipu-portray ko—ako lang yung kaya kong gawin.

“Nag-e-enjoy naman ako sa pagiging TV host ngayon… ang dami kong natututunan.

“Pero nandiyan pa rin ang modelling. Like, last Fashion Week, naglakad pa rin kami ni Victor.

“Mahirap iwan yung pinanggalingan mo talaga. So, tuluy-tuloy lang yung shows ko.

“Nagso-show kami for Lee Cooper, tapos kapag Fashion Week nga, active pa rin kami.

“I think kaya namang ipagsabay-sabay.

"Kasi kahit papa’no, doon ako nagsimula… hindi ko talaga iiwan iyon.”



COVER GIRL. Ilang beses nang naging cover ng fashion magazines si Divine. Okey din kaya sa kanya na maging cover girl ng FHM?

Natatawang sagot niya, “No, cannot be! Hindi naman ako ganoon ka-daring.”

Takot siya sa puwedeng maging reaksiyon ng family niya?

“I think medyo liberated na naman ang family ko… sanay na sila.

“Pero hindi ko yata kaya na mag-FHM. Hindi ko kaya iyon

“Si Victor ang magagalit una, di ba? Aalma ‘yan na una talaga.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



LIVE-IN PARTNER. Mag-aapat na taon na ang relasyon nina Divine at Victor, at mahigit two years na silang nagli-live-in.

“Ang tagal na rin, di ba?” nakangiting sabi ni Divine.

Ano ang siktero ng masaya at tahimik nilang relasyon? Na walang intriga o anumang nagiging isyu tungkol sa kanilang dalawa?

Sagot ni Divine, “Bago naging kami, ang tagal na naming naging magkaibigan, e.

“Since grade school, magkakilala na kami… high school, barkada kami, hanggang college.”

Bakit hindi kaagad sila ang naging magkarelasyon?

“Kasi hindi ko pa siya bet noon!” tawa na naman niya.

“Hindi. Ha-ha-ha! Ano… alam mo, kung naging kami dati, baka hindi kami nagkasundo.

“Kasi sobrang opposite kami—siya tahimik, napaka-ingay ko, di ba?

“But then, noong eventually, yung pareho nang nag-mature, tamang-tama lang naman yung timing.

“At saka tinatanong ko kung bakit hindi nagtagal yung mga dating karelasyon niya. Na nagkaroon pa siya ng showbiz relationships din.

“I think kasi, parang trinay [tried] itago.

“E, para sa amin, bakit namin itatago? Wala namang masama, di ba?

Paano ba niya finally naging "bet na" maging boyfriend si Victor?

“Niligawan niya ako!” tawa na naman ni Divine.

“Pero hindi. Malalim na yung pundasyon.

“Kumbaga, magkaibigan na kami nang matagal. Kilala na namin yung bawat isa.

“As a friend pa lang, tanggap ko na yung mga mali, e, yung pros and cons—okey na.

“E, noong nanligaw siya, mukhang pursigido naman, go!

“Why not? Okey naman.”

What’s the best thing about Victor that she really likes most?

“Uhm… actually, parating natatanong ‘yan.

“I think yung pagiging mapagmahal niya sa pamilya… sa mommy niya, ganyan.

“Kasi nakikita ko kung paano niya alagaan yung pamilya niya.

“So siyempre, kapag tumanda kayo, malamang ganoon ka rin niya alagaan, di ba?”

And what has she become because of him?

“Ay, ang taray! Para namang beaucon [beauty contest], di ba? Ha-ha-ha!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ano… mas babae na ako! Ha-ha-ha!

“Hindi. Ano… you know, I learned that even at your worst moment, there are people who would love you just because… alam mo iyon?

“Yung kapag nandoon ka sa punto ng buhay mo na sobrang hirap na hirap ka sa lahat, doon din lalabas yung, kumbaga, pinakamasama mong ugali... lahat-lahat.

“Na lahat na ng puwedeng dahilan na puwedeng iwan ka, iiwan ka.

“But then there are people who would love you just because they love you.

“Sa ngayon nga, wala akong anumang fears kung ang pag-uusapan ay ang relasyon namin ni Victor.

“Parang sanay na sanay na talaga kami sa bawat isa.

“Strong na yung foundation namin.

“Kasi ang tagal na naming magkaibigan… dekada na ang binibilang ng pagkakaibigan namin.

“At hindi kami yung magkaibigan na nagkikita lang sa gimikan. Ito yung kaibigan talaga.

“Yung tipo ni Victor, lapitin talaga ng girls, kahit pa sabihing may girlfriend o taken na.

“Okey lang, mas maganda ako! Sabay ganoon? Ha-ha-ha!

“Hindi ako selosa. Alam mo ako… lahat nga ng ex niya, kaibigan ko.

“Kasi for me, noong naging sila ni Victor, kaibigan ko na rin sila, e.

“Wala namang dapat na magbago na porke’t naging kami ni Victor e hindi ko na sila friend. Wala silang ginawa sa akin.

“So… wala. Happy-happy lang.”



WEDDING PLANS? Kailan naman kaya nila pagpaplanuhan ang kasal?

“Naku, ano kasi… iyon ang parati nga niyang sinasabi, parati siyang nagtatanong.

“Ang problema sa akin, yung idea ng kasal para sa akin is… hindi nga ako nag-debut.

“Noong bata ako, hindi ako nagbi-birthday.

“Kasi parang ang gusto ko… ang laking gastos noon, e.

“Parang ilalagay ko na lang siya sa bahay or something.

“Siguro kung magpapakasal, yung maliit na kasal lang.

“Na kasama mo lang talaga yung mga mahal mo sa buhay… walang celebration na malaki.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang tagal pa niyan! Hindi pa namin siya napag-uusapan.”

Ano ang dream wedding niya?

“Sinabi ko na ‘yan dati—gay pride! Kasi, ang dami kong kaibigan na bakla.

“So, gusto ko talaga, gay pride. Para masaya. I just want na lahat ng tao do’n, masaya.

“At malamang hindi okey kay Victor iyon! Pero iyon ang gusto ko.

“And, tinatawanan lang niya ako kapag sinasabi ko ang tungkol doon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN