Director Dante Nico Garcia says there is no issue between him and John Lloyd Cruz after revealing actor’s real score with Angelica Panganiban

Sinagot ni Direk Dante Garcia (kanan) ang sinabi ni John Lloyd Cruz na hindi raw niya alam na ipapakita ng direktor sa press ang larawan at video nila ng kasintahang si Angelica Panganiban. Saad ni Direk Dante, “Alam niya yun… imposibleng hindi mo alam, bilang isang lalake yung isang pinaka nakakakilig na puwedeng gawin sa iyo ng isang babae. Pero kung anuman yung reaksiyon niya, siya yun, e. Ganun yung mamang yun, e. Para sa akin, kung may issue kaming dalawa, he w


Itinanggi ng direktor na si Dante “Nico” Garcia na may isyu o problemang namamagitan sa kanila ni John Lloyd Cruz matapos niyang kumpirmahin ang relasyon ng aktor kay Angelica Panganiban.

(CLICK HERE to read related story.)

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Direk Dante sa Music Museum kagabi, November 5, para sa press launch ng pagbabalik sa telebisyon ng legal drama anthology na Kapag Nasa Katuwiran, Ipaglaban Mo at ng indie film niyang Madaling Araw, Mahabang Gabi.

Ipinagdiinan ng direktor na nananatiling maayos ang pagkakaibigan nila ni John Lloyd.

Kuwento niya, “Tatlong beses kaming nagkausap bago ko inilabas yung soundtrack...”

Ang tinutukoy niya ay ang “Barcelona” na siyang theme song ng Madaling Araw, Mahabang Gabi, na pinagbibidahan ni Angelica.

Ang “Barcelona” ang isinulat na kanta ni Angelica para kay John Lloyd.

Patuloy pa ni Direk Dante, “Na sinisigurado ko na okey lang kapag nabuking ako.”

JOHN LLOYD KNOWS. Wala ba talagang alam si John Lloyd sa ginawang pambubuko ni Direk Dante sa relasyon nito kay Angelica, gaya ng naipahayag ng aktor sa interview nito sa The Buzz at sa presscon ng A Beautiful Affair?

(CLICK HERE to read related story.)

Sagot ng direktor, “Hindi, e… ako, wala naman ano yun e…

“Para sa akin, actually, nung nagkita kami after yung lahat ng ‘yan, nagkausap kami ng halos tatlo o apat na oras bago ko ilabas.

“So, na-deal namin lahat ng anggulong puwedeng pag-usapan tungkol diyan.

“Siyempre, careful naman ako diyan. Ayokong mapagbintangang nanggagamit. So, yun.

“Siyempre, nai-level up na lang ’yan ng opinyon ng mga tao. Pero it’s clear to me na okey lang naman.

“Saka totoo naman, e. Buti sana kung iniimbento.

“As a matter of fact, nung nagkita kami nung dinner party ni Angelica, nung huling Banana Split, sumasayaw-sayaw lang kami. Ni hindi namin pinag-usapan.

“Tapos meron lang point na nag-thank you kami sa isa’t isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero wala kaming usapan about it.

“Maliwanag naman sa amin na yung trabaho, separate yun sa personal naming buhay.

“Nagkataon lang na, at this point, nagku-cross yung dalawang yun.

“Pero if it’s not with work, I’m not gonna lift my finger into whatever they have.

“Related lang talaga sa pelikula at nandun—mapag-uusapan at mapag-uusapan. So, yun.

“In defense lang naman ako kay Angelica doon sa mga nagsasabing ‘ang landi, nag-overlap…’

“Dun lang naman ako medyo nagpapanting ang tenga ko kaya nati-trigger ako to go a little ano…

“Kasi, otherwise, nothing.”

THE VIDEO. Hindi pa ba nakita ni John Lloyd yung video na ipinakita ni Direk Dante sa press?

“Nakita niya,” giit ni Direk Dante. “Pini-preview-preview namin yun.”

Binibiro lang ba siya ni John Lloyd sa sinabi nitong kailangan niyang kausapin ang direktor?

“Malamang,” pagsang-ayon ni Direk Dante.

“Kasi, given a chance, idyu-joke ko lang naman talaga, e. Nothing’s serious about it.

“Nagkataon lang na kailangan siyang mabanggit.

“Pero para sa amin, yung tsikahan namin, pag private na tsikahan, nandun pa rin naman… marespeto naman ako.

“Wala naman siyang reaksiyon.

“Sumasayaw lang kami tapos nag-thank you lang siya,” pagtukoy ni Direk Dante sa huling pagkikita nila ni John Lloyd.

Naunahan ba niya sina Angelica at John Lloyd sa pagkumpirma sa kanilang relasyon?

“Hindi… ako naman, tweet lang naman yun, e, hindi naman ako talaga. Yung kanta lang talaga.

“Saka maganda naman yung kanta.

“Bakit naman ko naman ipagdadamot yung fact na isinulat nila yun para sa isa’t isa?”

Bakit sa interview ni John Lloyd, parang hindi niya alam na merong magaganap na rebelasyon tungkol sa kantang isinulat para sa kanya ni Angelica?

“Siyempre, nagpapa-cute yun!” nakangiting bulalas ni Direk Dante.

“Ang sarap kaya nun! Ang sarap kayang damahin ng ideya na yun!

“Alam niya yun… imposibleng hindi mo alam, bilang isang lalake yung isang pinaka nakakakilig na puwedeng gawin sa iyo ng isang babae.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero kung anuman yung reaksiyon niya, siya yun, e. Ganun yung mamang yun, e.

“Para sa akin, kung may issue kaming dalawa, he would have called.

“We text each other. Walang issue sa amin.”

Hindi raw napanood ni Direk Dante ang interview ni John Lloyd kaya hindi niya masagot kung anuman ang itinakbo ng mga pahayag nito.

“Wala akong TV since 2004,” sabi niya.

THE PHOTO. Paglilinaw pa ni Direk Dante, larawan lang nina John Lloyd at Angelica ang inilabas niya sa naunang presscon ng pelikula nila ng aktres.

Ito yung nasa kusina ang dalawang Kapamilya stars at nasa aktong hinahalikan ni John Lloyd ang kamay ni Angelica, habang nakamasid lang ang aktres.

Sabi ni Direk Dante, “Picture lang naman ang inilabas ko… wala akong inilabas.

“Ang tanong kasi ng mga ito [press], ‘Anong reaksiyon ni Lloydie nung marinig niya yung kanta?’

“Sabi ko, ‘Natuwa siya. Kinilig, kiniss niya sa kamay si Angelica, ganun.’

“In the course na hinahanap namin yung kiss sa kamay… kasi humingi sila ng screen shot to prove my point, doon lang naman nag-ikutan.

“Saka wala naman akong intensiyong i-share yung pribado nilang buhay dahil buhay nila yun.

“Nagpe-pelikula lang naman ako.”

Pero ano ang koneksiyon ng picture nina John Lloyd at Angelica sa pelikula?

Paliwanag ng direktor, “Kasi pinahabol ni Angelica yung kanta para sa pelikula. She wanted it.

“Dapat September kami mag-o-open. Gusto niya talaga.

“So, hinintay ko.

“So, since birthday naman niya, sabi ko, ‘Sige, regalo ko na lang sa iyo.’

“Nagustuhan ko naman yung kanta, inilatag na namin sa pelikula.

“Nung nandun na sa pelikula yung kanta, doon na kami nag-usap ni John Lloyd.

“Sabi ko, ‘Paano ‘to? Gusto ni Petsay [Angelica], ilabas yung kanta.’

“Alam n’yo naman ako, ang bilis-bilis kong mabuking sa ganyan kaya nga ilag ako pag wala rin lang naman akong kinalaman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi rin naman ako nagtataas ng kamay magpa-interview kahit kailan, di ba?

“So, sabi ko, ‘Mapupunta at mapupunta sa inyo ang usapan lalo’t wala si Angelica.’

“Alam naman ninyong hindi siya makakapag-promote.

“Kasi ang isang nahingi lang namin ay isang 1 a.m. at isang 5 p.m. na puwede siyang mag-promote ng pelikula.

“And the rest of the time, since magbabakasyon siya ng walong araw, wala talaga siyang time sa lahat.

“So, kung ako ang sasagot ng tanong, dalawa pa lang, buking na ako—prangkahan na.

“Ganun lang yung sinabi ko sa kanila na pinagtatawanan nila ako.

“From that time on, pinagtatawanan na nila ako. Alam nilang mabubuking ako.”

Bakit siya pinagtatawanan?

“Kasi halata ako pag nagsisinungaling, e. Lumalayo ang tingin ko, e.”

Ano pa ang sinabi sa kanya ni John Lloyd?

“Wala, ang sinabi lang sa akin ni Lloydie, ‘Ang respeto ko sa iyo bilang direktor, hiwalay sa respeto ko sa iyo bilang kaibigan. Alam ko ang galaw mo sa parehong bagay.’”

Ibig sabihin, wala talagang problemang namagitan sa kanilang pagkakaibigan ni John Lloyd?

“Wala,” mabilis na sagot ni Direk Dante.

“I don’t think at this point na magkaka-issue siya sa sobrang ganda ng nararamdaman nila. Parang wala silang pakialam.”

THE SEQUEL. Ibig sabihin, hindi ginagamit kung anuman meron sina John Lloyd at Angelica para sa promotion ng pelikula ni Direk Dante?

“Hindi. Angelica really wanted the song to be in the film.

“Kasi ang usapan namin, bago namin natapos ito, yung una niyang napanood yung pelikula, ang usapan namin, kung magkaka-sequel etong movie…

“Kasi may pinag-uusapan kaming sequel, siya ang magpu-produce.

“So, nung sinabi niyang siya ang magpu-produce, sabi ko, ‘Kailangan natin itong i-commercial release. Kasi kung hindi natin ito iku-commercial release, matatagalan bago tayo maka-recover.’

“So, yun ang usapan.

“That’s why she wanted it a little more personal siguro para mas may at stake siya doon sa sequel na gusto naming gawin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Positibo ba siyang kikita na itong bago niyang pelikula kumpara sa nauna niyang directorial project na Ploning (2008)?

“Parang hindi masyado… prangkahan na.

“Kasi isinabay namin sa Iron Man. Ang titigas ng ulo namin nung mga bata pa kami,” sabi ni Direk Dante tungkol sa pelikula nila noon ni Judy Ann Santos.

“Ngayon, I must say na mas natuto na kami after Ploning—business-wise.

“Ako na rin yung nagpapatakbo ng Panoramamanila on my own.

“Even without the commercial release of the film, meron akong business plan to tour it sa mga campuses kaya sanitized yung pelikula… even churches.

“So, yun ang business plan na kung ano ang kinita ng Ploning outside of theatrical run, alam kong makakabawi itong pelikulang ito with the TV rights, video rights, cable, and the tours that were planning.

“So, okey kami dun.

“So, honestly, itong theatrical run, we are looking at it as a gravy to whatever we plan for the film and the hope that being able to get what we invested para magawa namin yung sequel right away.

“Kasi, yun nga, kinikilig sila doon sa sequel. Kasi masaya, e.”

Ibig sabihin, nakakahon na yung sequel—kumita man o hindi ang pelikula ni Angelica?

“Wala naman naka-kahon. Meron kaming tinatrabaho.

“Pinag… basta, ang iniisip naming title, Tanghaling Tapat, Hatinggabing Sinungaling.

“After a year naman silang nagkita-kita.

“So, ganun kaming kagagong… ganun yung plano.

“So, yung lahat ng ‘yan, napag-uusapan namin in passing.”

Kailan sisimulang i-shoot ang sequel ng Madaling Araw, Mahabang Gabi?

“As soon as… meron kaming dalawang option na Manila—Super Manila.

“As in yung Super Manila pa lang, Lino Brocka Presents yung location.

“Or Vietnam. Kasi meron kasi sa Vietnam na festival of the lost souls din.

“So, medyo konektado siya sa topic na ito.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN