Governor Vilma Santos celebrates 59th birthday; wishes for "guidance"

Ipinagdiwang ni Batangas Governor Vilma Santos ang kanyang ika-59 kaarawan noong November 3, ngunit ang malaking selebrasyon kasama ang mga kababayan niya sa Batangas ay naganap noong November 5.


November 3 ang kaarawan ng Star for All Seasons na si Vilma Santos, pero ipinagdiwang niya ito sa Batangas noong Lunes ng gabi, November 5.

Fifty-nine years old na ang second-termer Batangas governor.

Sa ulat ng Ang Latest: Uplate ng TV5 kagabi, November 6, sinabi ni Governor Vi na wala na siyang mahihiling pa tuwing birthday niya kundi "guidance."

Aniya, “I consider myself blessed.

“Sabi ko nga, lagi-lagi, taon-taon na lang, because of my work, kung meron man akong ipinagdarasal, guidance lang sa pamilya ko at guidance sa trabaho ko as public servant.”

Punung-puno ng mga Batangueños ang pinagdausan ng isang malaking pagtitipon para sa kaarawan ng gobernadora.

Dahil dito, nagpahayag ng sobrang pagkatuwa sa mga sorpresa ng kanyang mga kababayan at mga kapwa public servants si Governor Vi.

Saad niya, “One perfect example nga, yung mga pulis. Yung mapasayaw mo sila ng ‘Gangnam Style.’

“Yun ay gagawin mo yun for love, di ba? Maybe because they love me, modesty aside.”

Ipinagpapasalamat man daw ni Governor Vi ang mga grasyang natanggap sa buong buhay niya, may mga hinahangad pa raw siyang makamit.

Paliwanag niya, “Wala akong masasabing kulang but you never stop learning. Hindi ka puwedeng humintong kuntento na.

“Dapat, in anything that you do—either as a family woman or as a public servant or as an artist—kailangan you keep on honing, tuluy-tuloy, and then you learn more.”

RUNNING FOR HIGHER OFFICE. Matagal nang usapin ang tungkol sa pagtakbo ni Governor Vi sa mas mataas na posisyon. Pero nananatiling firm ang kanyang desisyon na tapusin ang kanyang tatlong termino bilang gobernador sa Batangas.

Kung sakaling palarin siyang manalo muli sa 2013 elections, may balak ba siyang tumakbo bilang bise president ng bansa sa 2016?

Mariing itinanggi ni Ate Vi ang ganitong usapin.

Aniya, “Wala akong ini-entertain na any invitation at all kasi ang nasa utak ko talaga, gobernador.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung bibigyan ng pagkakataon, last term na, e.

“Kapag last term na at naka-three terms ka, ang importante, yung pagkuha mo ng report card sa huli, kasi graduation yun, e.

“So dun makikita kung ano ba yung nagawa mo.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN