Angel Locsin on playing Darna again: "Baka naman puwedeng ibigay sa mas fresh, mas bago na mas maganda ang kakalabasan."

Angel Locsin on one-year relationship with Phil Younghusband: “We’re happy. Parang ang saya lang. E, ako ang taong hindi naniniwala na kapag may nakilala ka sa Internet, magiging kayo. E, baka naman may kabataan na makabasa nito, maghanap ng kapalaran sa internet at mag-take advantage ang iba. So, siguro, isa kami sa nasuwertuhan.”


“Unbelievable” kung ilarawan ni Angel Locsin ang first anniversary ng kanilang sitcom sa ABS-CBN, ang Toda Max.

Ayon kay Angel, nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Toda Max, “Parang ano kasi na maging part ka ng sitcom na Toda Max.

"Tapos kasama sina Kuya Binoe [Robin Padilla] at Vhong [Navarro]. Tapos comedy pa siya.

“Unbelievable ang dating sa akin.

“Pero sobrang nae-enjoy ko ang rides.

“Super nae-enjoy ko at naa-appreciate ko na may bago akong natutunan at may bagong nakikita sa akin ang mga tao—yung brighter side ni Angel…

"Kasi nakita nila ang darkness sa Lobo, bampi-bampira, laban-laban.

“Ito, mas relatable ang character.”

Masasabi ba niyang sa Toda Max niya nadiskubre na puwede pala siyang komedyante?

“Well, sana,” nakangiting sabi niya.

“Kung sinasabi ng tao yun, malaking bagay yun para sa akin.

“Kasi, never ko namang inimadyin na nagko-comedy talaga.

“Hindi nga ako natatawa sa sarili ko.”

Mismong mga kasamahan na rin ni Angel sa show ang nagsasabi na may timing siya pagdating sa comedy.

Sabi naman ng aktres, “Inalalayan din ako nina Kuya Binoe at Vhong.

“Kung hindi rin dahil sa kanila, kung naging suwapang sila na, ‘Hindi, show ko ‘to, superstar ako,’ hindi naman magiging successful ang show.

“At ako, bilang hindi naman sanay sa comedy, hindi naman mae-enhance kung anuman ang ipinapakita ko.

“And, I think, yun naman ang sikreto sa magandang sitcom—kapag nakikita mong masaya ang tao off-cam, magre-reflect yun.”

Bukod dito, nominated din si Angel sa Star Awards for Television bilang Best Comedy Actress.

“Hindi pa rin ako makapaniwala!” natatawa niyang sabi.

“Hindi pa rin mag-sink in. Pero, we have ate Pokwang, ang galing-galing. Deserving siya dun.”

Masaya raw si Angel na nanalo ang Toda Max sa Catholic Mass Media Awards bilang Best Comedy Program, at nominated din ito sa parehong kategorya sa Star Awards for TV.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



MISSING TELESERYE. Aminado si Angel na nami-miss na niya ang gumawa ng teleserye.

Ngayong 2012 ay wala siyang ginawang soap opera dahil puro pelikula ang pinagkaabalahan niya.

Imortal (2010-2011) pa nga raw ang huli niyang teleserye.

Sabi ng aktres, “Desisyon ng Star Cinema.

“Dapat kasi, after ng Imortal, nag-movie na, In The Name of Love.

“After nun, gusto ko sanang mag-soap para alternate. Pero kinausap nila ako to do Unofficially Yours.

“And since yun lang din ang availability ni John Lloyd [Cruz], kinuha ko na ang opportunity na ‘sige.’

“Okay naman ang naging outcome ng In The Name of Love, so sige, try natin ang Unofficially Yours.

“Dapat after that, soap na.

“Kaso, lumipat si Derek Ramsay ng ibang station.

“Pero wala rin namang fault si Derek dun. Parang ipi-present pa lang din [yung drama series].

“Then, kinausap nila ako for One More Try.

“Ayoko na kasing magsabay ng soap then movie. Ang hirap.”

Ang One More Try ang Metro Manila Film Festival 2012 entry ng Star Cinema kunsaan kasama ni Angel sina Angelica Panganiban, Zanjoe Marudo, and Dingdong Dantes.



DARNA. Nababalita at nasusulat na si Angel daw ang napipisil na gumanap muli bilang Darna ngayong nasa Kapamilya network na ang rights nito.

Unang gumanap si Angel bilang Darna noong 2005 sa GMA-7.

Ano ang masasabi niya rito?

Sagot ng aktres, “Nasabi sa akin, pero wala pa kasing story presentation.

“Ang hirap kasing mag-commit. Baka may masabi ka tapos hindi naman pala matutuloy.”

Na-excite ba siya noong malaman niyang magkakaroon muli ng Darna at siya ang sinasabing gaganap muli?

“Noong nalaman ko, na-excite ako,” pag-amin niya.

“Sino ba naman ang hindi mae-excite, di ba?

“Pero siyempre, titingnan mo muna kung paanong story ang gusto nila. Kung final ba and everything.

“Siyempre, hindi ka muna makapagsalita dahil baka hindi naman ikaw.

“Nakakahiya naman kung salita ka ng salita about that.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang feeling na parang sinundan siya ng Darna?

“Natuwa ako. Yung feeling na parang déjà vu!” natatawa niyang sabi.

Kung saka-sakali, may pressure ba na kailangan niyang mataasan ang naitala noon ng Darna sa GMA-7?

“Siyempre, pressure din. Parang ayoko rin naman na parang competition pa with the two network.

"Of course, gusto ko rin gawin ‘to for my network [ABS-CBN].

“Pero, tingnan din natin.

“Ang Darna kasi, magandang vehicle na magpa-push ng baguhang artista.

“Baka naman puwedeng ibigay sa mas fresh, mas bago na mas maganda ang kakalabasan. Iniisip ko rin yun.

“Hindi ka naman puwedeng maging suwapang-suwapang.”



SLIMMER ANGEL. Kapansin-pansin na malaki ang ipinayat ni Angel. Pero ginawa raw niya ito dahil kailangan sa pelikula nilang One More Try.

Kung matuloy siya sa Darna, mas magiging sexy kaya siya?

Sagot ng aktres, “If ever man na matuloy, at least, I’m ready. Tingnan muna natin.

“Hindi naman puwedeng lahat mabilisan na desisyon, titingnan muna natin.

“Yung umpisa talaga ng pagpapayat ko, sa pelikula.

“Tapos nalaman natin ang Darna, mas ginanahan.”

Paano siya nagpapayat?

“Exercise, diet… tapos check-up sa health on what’s to avoid.

"Noong umpisa, may portion-portion lang din ako.

“Like, catsup, feeling ko, kung hindi ako mag-catsup, kawawa ako. Pero, may portion lang.

“E, for me kasi, catsup is genius seasoning. Ang sarap-sarap kasi kapag may ganun.”



ANGEL’S LOVELIFE. Pagdating naman sa kanyang lovelife, masaya pa rin si Angel sa kanilang relasyon ng football player na si Phil Younghusband.

Aniya, “We’re happy. Parang ang saya lang.

“E, ako ang taong hindi naniniwala na kapag may nakilala ka sa Internet, magiging kayo.

“E, baka naman may kabataan na makabasa nito, maghanap ng kapalaran sa internet at mag-take advantage ang iba.

“So, siguro, isa kami sa nasuwertuhan.”

Matatandaan na noong isang taon ay inimbita ni Phil si Angel na makipag-date sa kanya sa pamamagitan ng Twitter. (CLICK HERE to read related story.)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagse-celebrate ba sila ng monthsary?

“Hindi, ano ba naman yun?” natatawa niyang sabi.

Magwa-one year pa lang daw sila ni Phil.

Bakit hindi sila nagse-celebrate ng monthsary?

“Hindi na, baduy-baduy!” natatawa niyang sabi.

“Feeling ko kasi, mas nagkakaroon pa kayo ng reason na mag-away kung makalimutan mo o ano ireregalo mo.

“Isipin mo, kapag five years na kayo, ano pa ang gift na ibibigay mo na hindi mo pa naibibigay?”

Sentimental daw si Phil kaya minsan ay hirap siyang mag-isip ng ibibigay rito.

Kuwento pa n Angel, “Mahilig siyang gumawa ng love letter.

“May pa-collage-collage pa ’yan. May pagupit-gupit pa ‘yan ng mga puso.

“Lalaki, machong-macho. Football player.”

Siya ba, gumawa na rin ng love letter?

“Tinray ko. Pero hindi katulad niya na very natural sa kanya.

“Ako kasi, pag-iisipan ko talaga ang sasabihin ko, pero siya, napaka-normal sa kanya.”

Masasabi ba niyang ito ang pinaka-perpektong relasyon niya?

“Ay, ayoko namang sabihin. Kawawa naman.

“I could say na hindi man maganda ang pagtatapos namin, unfair naman.

“Ayokong magsalita ng hindi maganda.

“Basta ang masasabi ko lang, I’m happy. I’m happy ngayon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN