Glaiza de Castro on doing sexy and daring roles: “Nandito ako sa point na gusto kong i-challenge ang sarili ko kung ano ang kaya ko pang gawin bilang artista.”

Ayon kay Glaiza de Castro, hindi dapat maging basehan ang kanyang paniniwala sa mga role na ginagampanan niya sa TV. Saad niya, "Ayokong i-impose nang i-impose na Christian ako, born again ako, ganito ako. Ayokong magpaka-plastic na magpaka-religious. Gusto ko kung ano yung nakikita nila bilang Glaiza, ayun ang tingnan nila at hindi yung ginagawa ko bilang Heidi or kung anuman yung nakikita nila sa role na ginagawa ko.”


Pinagtatakhan ng ilan ang pagtanggap ni Glaiza de Castro ng sexy at matitinding love scenes sa primetime series ng GMA-7 na Temptation of Wife, gayong Born-Again Christians ang kanyang pamilya.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Glaiza, sa dressing room ng H.O.T. TV sa GMA Network last Sunday, November 4, ibinalita ng aktres na pati ang churchmates ng pamilya niya ay nagsasabing grabe ang role niya sa Temptation of Wife.

Kuwento ng aktres, “Grabe nga raw noong napanood nila yung mga scenes ko.

“Pero nagpapasalamat lang ako dahil naintindihan nila yung situation namin bilang artista.

“Kumbaga, kilala naman nila ako in real life at, yung mga tao, matatalino rin naman.

“Kaya na nilang i-differentiate yung trabaho sa personal na buhay.”



JUDGMENTAL. Sa mga taong kilala si Glaiza ay naiintindihan siya, pero may ilan na hinuhusgahan siya at sinasabing masama siyang impluwensiya sa mga batang ka-church niya.

Ano ang masasabi niya rito?

Tugon ni Glaiza, “Tanggap ko na hindi ko naman mako-control kung ano ang iisipin at sasabihin ng mga tao.

“Pero what’s good about this soap is hindi lang nila titingnan yung mga ginagawa ko, bilang yung character ko nga na aggressive, pero yung mere fact ng values na ituturo ng show na ito.

“Kumbaga kasi, in a way, ni-risk ko kung ano yung gagawin ko at kung ano ang magiging perception sa akin ng tao para malaman nila kung ano yung consequences kapag ginawa mo ito.

“Kasi naniniwala ako na hindi mo na kailangang daanan yung ganitong klaseng paglalandi at paninira, di ba, yung mga ganitong klaseng desperation sa totoong buhay.

"Kasi nagagawa ko siya sa TV, e.

“And doon pa lang, advantage na sa akin yun para maging aware ako at maging, in a way, cautious ako sa hinaharap."

Patuloy ni Glaiza, “Mahirap i-explain talaga, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi parang ako, ayokong i-impose nang i-impose na Christian ako, born again ako, ganito ako.

“Ayokong magpaka-plastic na magpaka-religious.

“Gusto ko kung ano yung nakikita nila bilang Glaiza, ayun ang tingnan nila at hindi yung ginagawa ko bilang Heidi or kung anuman yung nakikita nila sa role na ginagawa ko.”



CAREER MOVE. Aminado si Glaiza na kailangan na niyang mag-step up sa career niya dahil hindi na siya bumabata.

“Kailangan ko nang kumawala sa box na, in a way, na hindi rin naman naku-compromise yung… alam mo yun, yung principles ko.

“Ang hirap i-explain kasi siyempre, trabaho, tapos ganito ang ginagawa ko… parang contradicting, in a way.

“Pero yun nga, e. As much as possible, gusto namin na ipaintindi sa tao na trabaho lang talaga,” pahayag niya.

Ayon kay Glaiza, kumpara sa Temptation of Wife, mild lang ang mga role na ginampanan niya sa Maynila at sa indie film na Astig kunsaan nagkaroon siya ng love scenes kay Dennis Trillo.

“Pero ngayon, yung iba, hindi lang yung scenes yung sexy kundi yung character din, e, aggressive talaga siya e—temptress.”

May ilang nagkukumpara kay Glaiza kay Toni Gonzaga na Born-Again Christian din, pero hindi sumasabak sa daring o sexy roles.

Sabi naman ni Glaiza tungkol dito, “Well, hindi ko alam kung ano yung ano niya, yung kung paano siya mag-handle ng mga situations.

“Pero humahanga ako sa kanya kasi kahit paano, hindi nako-compromise yung principles niya, kung anuman yung paniniwala niya sa buhay sa kung ano yung ginagawa niya.

“So, yun ang perfect example na balance ng career, balance na buhay.”

Maging si Gary Valenciano, noong kabataan nito ay inalukan ng sexy roles at daring character. Pero tinanggihan din niya ito para sa pagiging isa niyang Born-Again Christian.

Sagot ni Glaiza, “Sa akin naman, iba-iba talaga tayo ng limitations, e. Iba-iba tayo ng perception.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero ang pinaniniwalaan lang naman natin ay ang iisang Diyos, di ba?

“Sa akin, hindi importante yung religion kumbaga sa pagsasabi kung nasa tama ba ang isang tao.

"Kasi, di ba, may mga tao naman na nag-i-impose pero pag nakita mo in real life…

“Ayoko namang mag-judge pero kanya-kanya tayo ng atake ng buhay.

“Ako, hindi naman ako payag sa men’s magazine dahil yung content noon at saka anong value ang makukuha mo doon?

“Tapos yung pag-eendorso ng alak o ng sigarilyo... yung mga gano’n.

“Dito kasi [sa Temptation of Wife], may values, e.

"It’s not just the character or maganda yung cast or yung director. Pero yung material mismo ng show namin, yun ang masasabi kong proud ako at gusto kong mapanood nila.

“Kasi yung mga values na meron yung show, may matututunan sila.”



GOOD MATERIAL. Hindi kaya nanghihinayang lang siya sa trabaho, na baka maagawan siya o kaya’y mapunta sa iba at matengga siya nang matagal?

Sabi ni Glaiza, “Hindi naman. Unang-una, noong sinabi sa akin ito, aware din naman ako na hindi sa akin ito talaga.

“Pero noong in-offer sa akin, honestly, na-challenge ako, e.

“Nandito sa point na gusto kong i-challenge ang sarili ko kung ano ang kaya ko pang gawin bilang artista.”

Ano ang sabi ng mga magulang mo?

“Pinag-usapan namin, siyempre hindi madali sa kanila na i-accept ko yung role kasi protective sila, e.

“Hindi sila mahigpit, pero bilang magulang, ayaw din naman nilang nalalagay ako sa alanganin.

“So nung kinausap ko sila na ganito yung mangyayari at… kasi kinu-consider ko rin naman yung mga manonood.

“Kasi meron din naman akong mga pamangkin na maliliit at makakakita.

“Sabi naman, hindi naman i-exploit yung mga eksena,” dagdag niyang paliwanag.

“Napag-usapan namin na eto muna… hindi ko alam kung kailan pero hanggang dito na lang muna.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



NO RECONCILIATION. Patuloy na pinag-uusapan ang diumano’y balikan ni Glaiza sa dating karelasyong si Felix Roco.

Paliwanag ng Kapuso actress, “Nagkaayos lang, pero hindi nagkabalikan dahil dati kasi medyo hindi maganda yung separation.

“Parang nawala na lang bigla.

"So, nung nagkita, parang napagdesisyunan na lang na hindi na talaga, e.

“Kasi mahirap, e. Mahirap yung sitwasyon naming dalawa…

“Siguro marami rin kaming dapat ma-realize sa isa’t isa on our own.

“Kasi bilang pag magsasama kami, parang hindi talaga magwu-work, e. Kasi, in a way, parehas kami ng ugali.

“Di ba, lahat naman tayo may kanya-kanyang topak?

"Parehas kami na pag may problema, tahimik lang.

“So, parang mas maige na lang kaming magkaibigan.

“Though, hindi ko rin nasabi na committed relationship, e.

“Kasi, ako kasi yung yung tao na pag sigurado ako na yun na, doon ko ibubuhos lahat.”

Hindi kaya dahil sa problema ni Felix sa amang si Bembol Roco kaya hindi nag-work ang relationship nila?

Kilalang close sa isa’t isa ang pamilya nila lalo na ang kanilang mga magulang.

Sabi ni Glaiza, “Siguro… alam ko, ngayon ko lang na-realize na siguro nga meron talagang factor yun.

“Kasi malaking epekto talaga yun sa kanya, e.

’But I had nothing against him. Wala akong masasabing bad against him kasi nakita ko namang mabait siyang tao.

“It’s just that na maraming issue na hindi ko siya matutulungan… na ako hindi ko siya matulungan.”

Pag ganito ba yung bagahe ni Felix, nahirapan ba siyang ilapit ang young actor sa kanyang pamilya?

“Siya naman, tina-try naman niya. Pero alam mo yun, e… E, kami pa, parents ko, kapatid ko, malaki kaming pamilya, e.

Sabi ni Glaiza, “Hindi talaga puwedeng mawala yung bonding. Tapos yung pag-uusap.

“So, ayun, yun din ang problema.”

Hindi ba niya sinubukang pilitin o payuhan si Felix na makipag-reconcile na ito sa kanyang ama?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ayoko kasing pasukan, though aware ako sa mga nangyayari before. Ayokong magtanong.

“If ever na magkuwento siya, hahayaan ko lang siyang mag-open up.

“Prayer ko na lang sa kanya na sana maging maayos siya… ganun.

“Tapos mapatawad niya ang sarili niya, ang tatay niya.

"Kasi wala nang point para mamuhay tayo ng may kaaway, di ba?

“Pero siguro lang talagang sobrang love niya yung nanay niya… nakita ko rin yun na siya talaga on his mom’s side.”

Masasabing bigo siya na hindi niya nagawang makumbinsi si Felix na patawarin at kausapin na ang tatay nito?

“Mahirap kasi na posisyon ’yan. Very critical ‘yan, e.

“Ako, sobrang nahihirapan ako pagdating sa mga ganoong matters, ayokong ipilit.

"Though tina-try ko, pero hindi, e.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN