Arjo Atayde on who to court between Maja Salvador and Erich Gonzales: “Siyempre, isa lang sa kanila… and right now, si Erich.”

Nasa dugo na ni Arjo Atayde, anak ng aktres na si Sylvia Sanchez, ang pag-aartista kaya naman hindi na kataka-taka kung pinasok na rin niyang ang pag-arte. Pagmamalaki ni Arjo, “Tito Bembol [Roco] is my dad’s cousin. Tito Eddie Gutierrez is the cousin of my lolo. So, our bloodline talaga is ano… that’s why she [Sylvia] told me to act na, I’ve wanted naman talaga.”


Nagdiwang ng kanyang 22nd birthday ang Star Magic talent na si Arjo Atayde noong November 5.

Ginanap ang birthday dinner party ni Arjo sa isang resto sa Greenhills, San Juan.

Kasama ng young actor sa pagdiriwang ang kanyang mga kaanak na pinag-alayan niya ng kanyang birthday wish.

“Sana maging successful lahat ng mga cousins ko sa buhay at sana stable lang yung health ng family ko,” sambit ni Arjo.

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang young actor kung bakit ang kanyang mga pinsan ang inuna niya sa kanyang birthday wish.

Tugon niya, “Kasi sobrang close ko sa kanila… sobrang close ko sa kanila…

“Some of them are working... yung iba graduate na, some of them are still studying…

“Point ko lang po, sana if they find their passion, maging successful sila sa buhay.”

Wala ba siyang wish para sa sarili niya?

“To be honest, I’m satisfied with what’s everything is happening to me right now…

"My career? I’m happy with what’s happening to it right now. I’m happy how... where my family is going.

“No problems—everything, walang problema—it’s perfect.

“With work, may trabaho naman po ako. My career part is okay naman.

“I guess I have nothing to ask pa, e. It’s all there.

“I’ve friends, family, siblings who love me. For me, that’s good enough.”



MAJA OR ERICH? Hindi isinama ni Arjo sa wish ang para sa kanyang special someone.

Pero ayon sa kanyang ina na si Sylvia Sanchez, crush ng binata sina Maja Salvador at Erich Gonzales na parehong taga-ABS-CBN din.

Bakit hindi ligawan ni Arjo ang alinman sa dalawa tutal wala rin naman itong mga lovelife ngayon?

Sabi niya, “Right now…. it’s just a basic thing if I say gusto kong mag-focus sa career ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But then, it’s more of I’m enjoying my life right now.

“I’ve good friends, my family is there and my cousins.

“Saka I’m bonding with everyone kaya mas close pa kami ngayon, e.

“Kahit yung mga third-fourth cousins namin, magkakasama pa rin kami. Ganun kami ka-close.

“So, for me, I’m happy with my life.

“Pero if given an option or opportunity to go to the basics, which is getting to know them [Maja and Erich], then why not?

“But siyempre, isa lang sa kanila… and right now, si Erich,” ang pili niya.

Sabi pa ni Arjo, “I don’t know her. I can’t say she’s mabait kasi hindi pa kami nagkakasama.

“But the only thing I heard, she’s sweet, and, second she’s pretty.”

Nakita niya na ba si Erich nang personal?

“Yeah, but I didn’t meet her,” mabilis niyang sagot.

“Sobrang busy kasi. Ano po yun, e, premiere night yun ng Suddenly It’s Magic, nanood po ako.

“Kasi po, I love watching movies, e.

“It’s one of the reasons why I wanna see her in person talaga.

"Pero the main point is to watch their movie. Kasi I wanna keep learning in acting.

“Gusto kong matuto nang matuto, grow and grow. I don’t wanna stop learning.

“So, every time I watch a movie, yun po ay para may matutunan po ako.”

TALENT IN ACTING. Isa si Arjo sa mga baguhang talent ng ABS-CBN na nakakakitaan ng potensiyal sa pag-arte.

Marami ang nagsasabing mahusay umarte ang binata kahit bagu-bago pa lang ito sa showbiz.

Aware ba siya sa mga ganitong komento sa kanya?

Sagot ni Arjo, “I don’t wanna sound braggy pero, yes po, I’ve heard that.

“Some people tell me, which I really appreciate naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But I don’t take it as compliment, I should say.

“I take it as a challenge na, okay, I started off with the image… for them, which is good in acting.

“So, my point is… gaya po ng sinabi ko na, I like watching movies, I like going to the premieres and everything.

“Kasi po, I enjoy watching movies, and see and learn new acting skills.

“I’m thankful po with everything and sa people kinu-compliment po nila ako.”

Ano naman ang masasabi niya sa mga komento ng ilan na mas magaling siyang umarte sa kanyang ina?

Inabot daw kasi ng taon si Sylvia bago niya nakumbinsi ang showbiz na magaling siyang aktres, pero ang anak nitong si Arjo, hindi pa nakaka-isang taon at ilan pa lang ang nilabasang project ay may mga nagsasabing mahusay siyang umarte.

“My mom really told me naman, even now… I take it as a big-big compliment.

“She just told me three weeks, four weeks ago, na I’m really am better than her in acting.

“Which I really do appreciate. Kasi, I came from her.

“Even if she’s my mom, she’s a veteran actress, she wouldn’t tell me na plastic queen na kahit anak.

“Of course, everything that I do wrong in my acting, she would actually correct me po.

“So, that’s doesn’t mean na porke anak niya ako, she would tell me na, ’Mas magaling ka sa akin.’

“I mean, that’s the reason behind why am I better than her?”

Dugtong ni Arjo, “Of course, I have so much to learn from scratch. I’m starting from flat.

“Hello! I’m one percent right now… I’m only ten percent from a hundred hundred percent in acting—I have a lot to learn.

“I wanna learn a lot and if ever she says that, I’m just thankful.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, I came from my mom at the same time…

“Siguro, it’s inborn. Kasi ang dami, e—Tito Bembol Roco, the Gutierrez family, we are related to them, e.

“Tito Bembol is my dad’s cousin. Tito Eddie Gutierrez is the cousin of my lolo.

“So, our bloodline talaga is ano… that’s why she [Sylvia] told me to act na, I’ve wanted naman talaga.

“If possible, I wanna grow old in this industry.

“But of course, as I grow older, I don’t wanna stick to one business only.

“As a family who comes from a business world, I wanna put up our own business.

“But I wanna concentrate muna on this [showbiz] before thinking of other businesses.”

THE BIG BREAK. Nakilala si Arjo sa nagwakas na seryeng E-Boy. Gumanap din siya sa isa sa mga episode ng Maalaala Mo Kaya at Maynila sa GMA-7.

Nakatakda rin siyang lumabas sa upcoming ABS-CBN series na Dugong Buhay, remake for television ng pelikulang ginawa ng mag-amang Senator Ramon Sr. at Senator Bong Revilla Jr. noong 1983.

Ano naman ang masasabi niya at nabigyan kaagad siya ng magandang break, at sa isang malaking project pa?

“I wanna say, parang I have so many things in mind pero… it’s mostly pressure in me that they gave me this soap.

“Pero one thing I have to say or feel is, I’m blessed.

“So, the first time na nalaman ko na ‘etong role na bida, and then kontrabida, ganyan-ganyan, the only thing… I’m really blessed.”

Maliban kay Arjo, tampok din sa Dugong Buhay sina Ejay Falcon at Nonie Buencamino.

Gagampanan ni Ejay ang role na ginawa ni Bong Revilla, samantalang ang role naman ni Arjo ay ang brother ni Bong sa movie version.

“Ang alam ko, si Ejay yung farmer at ako po yung mayaman.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Anong preparations ang ginagawa niya para sa bagong project na ito?

“I watch… sorry for the word, mind-fu**ing movies.

“Yung mga kontrabida, na kapag tiningnan ka niya… ang saya. Pero at the back of his mind, parang, ‘Mamaya ka sa akin!’

“I want that type of kontrabida to people who would actually get pissed off… yung parang ginagawa ni Edward Norton.”

Hindi pa raw masyadong nakakaramdam ng tensiyon o kaba si Arjo sa haharaping project dahil hindi pa siya nasasalang sa taping nito.

Sabi niya, “Siguro when tha taping starts na, doon na ako kakabahan.

“Kaya I have to do this, do that.

"Pero as far I’m concerned naman po, every time I do scenes… every scene I’ll make, I give my one hundred and one percent.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN